This is a work of fiction. All names, characters, place, event and incident are pure invention of the author's imagination. Any form of distribution of this book by any means whether through uploading, scanning, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise without the permission of the author is illegal and punishable by law.
A/N
This is my first attempt to write a story about paranormal / horror. Though this may be a work of fiction I pray that whoever read this story will be protected under the mantle of love of our Blessed Virgin Mary.
==================================================
Nasa tabi ako ng bintana habang nakatanaw sa malawak na lupain ng kopra, puno ng manga at iba't iba pang mga pananim na gulay at prutas. Dalawang araw ng walang tigil ang ulan at para sa isang pamilya ng magsasaka dalangin namin na huminto na ang ulan para maiahon namin ang mga natitirang gulay at prutas na pwede pang ibenta sa palengke. Mag-aalas diyes pa lang ng umaga pero mistulang ala-sais na ng hapon ang paligid. Halos hindi ko na matanaw ang bahay nila Mang Pilo na nakatayo sa kanlurang bahagi. Ang bahay kasi namin ay nasa talampas kaya naman natatanaw namin ang paligid. Magkakalayo kasi ang mga bahay at ang bawat may-ari nito ay may kanya kanyang lupa na sinasaka. Sa layo ng lugar namin tatlong kilometro pa ang kailangang lakarin bago ka makakarating sa main road at kailangan mo pang sumakay ng bus para marating ang pinakamalapit na bayan. Kahit na payak ang pamumuhay pangarap ng magulang namin lahat kami makapagtapos ng pag-aaral. Ang aking Lolo't Lola grade school lang ang narating pero napagtapos nila ng pag-aaral lahat ng mga anak nya. Ang aking ama ay tapos ng agricultural engineering pero mas pinili nyang manatili sa lugar na ito. Samantalang ang aking ina ay isang guro na nagtuturo sa bayan. Sa lahat ng mga nakatira dito masasabi kong kami ang medyo nakaaangat. Bukod sa may mga alaga kaming baka, manok, baboy at kabayo meron kaming owner type jeep. Subalit ang sasakyan na ito ginagamit lang para ihatid ang mga gulay at prutas sa bayan para maibenta sa palengke.
Narinig ko ang Lola ko na tinawag lahat kami para simulan ang dasal para hilingin ang pagtigil ng ulan. Namulat kaming lahat sa sama-samang pagdadasal lalo na bago sumapit ang alas otso ng gabi. Sagana kami sa pangaral muna sa aming mga mga magulang lalo na kina Lolo't Lola. Kahit hindi ko maunawaan sinusunod naming magkakapatid bawat paalala na ibinibigay sa amin kagaya ng huwag pumitas ng kahit anong halaman at prutas maliban sa nakatanim sa mismong lupain namin. Laging kasunod ng paalala ay ganitong statement "para sa inyong kaligtasan kaya namin paulet-ulet na sinasabi ito."
BINABASA MO ANG
HABAY
ParanormalNicolas de Jesus, a medical physician who was not able to come back to his hometown for two reason : 1st his duty as a doctor and he already have his own family. When his wife received a call from his Kuya Armando that his Nanay was greatly ill for...