Selena's POV
Malapit na yatang mapudpod tong pindutan ng remote dahil panay ang lipat ko sa channel. Ayoko nga kasing manood dahil na bobored ako pero etong si Lance, ayaw akong patulungin sa pagluluto. Natatawa siya sa kusina habang inihahanda ang hapunan namin.
"Tawang tawa?" Sabi ko tsaka siya inirapan at mas lalo pa nga siyang natawa.
"Ganyan ba talaga pagbuntis? Madaling mabagot?" Napasimangot pa ako lalo sa sinabi niya. Parang hindi pa kasi nagsisink-in sakin na buntis ako.
Naiinis kong dinampot ang cellphone ko sa tabi ko nang tumunog ito.
Coleen: Selena, pwede mo ba akong puntahan ngayon dito sa tambayan? I just need someone right now. Nag-away kami ni Kyle at sinaktan niya ako.
"Impossible." Bulong ko na narinig parin ni Lance.
"What?" Tanong niya.
"Si Coleen biglang nagmessage na puntahan ko daw. May problema yata." Sagot ko.
"Are you going?" Tanong niya ulit at nagkibit-balikat lang ako. "Hon, gabi na delikado kung lalabas ka especially that you're pregnant. I'm sure may iba naman siyang kaibigan na pwede niyang imessage."
Tama siya. Maging maingat na dapat ako lalo na't muntik nang malaglag ang dinadala ko noong nakaraan.
"Let's eat." Aniya.
Nang nasa gitna kami ng pagkain ay naalala ko ang tungkol sa ball na nabanggit ni Jimuel.
"Lance, can I go to the ball tomorrow? Bago man lang tayo umalis sana gusto kong maging masaya somehow ang last day ko dito." Pagpapaalam ko.
"Sure, hon just be careful. Do you have something to wear? We can buy it tomorrow if you want." Pagpayag niya.
"Talaga?" Naeexcite na sinabi ko at tumango naman siya.
"Just call me to fetch you after." Bilin niya.
_______________________________________
Gaya nga ng sinabi ni Lance, dumaan kami sa mall para bumili ng masusuot ko. Dumaan narin kami sa salon para doon na magpaayos. Napili kong damit ay sheath style na skin tone since matagal-tagal din akong hindi makakapagdamit ng ganito kapag lumaki na ang tiyan ko.
Nang matapos ako sa pagaayos ay inihatid naman ako ni Lance sa venue kung saan magaganap ang ball.
Lahat ay may partner maliban sakin. Sana pala tinanggap ko nalang si Jimuel bilang partner pero nang makita ko sila ni Mikay ay mas okay naman pala na sila nalang.
Pinagtitinginan ako ng mga tao. Dahil siguro mag-isa lang ako pero nagkamali ako...yun pala ay dahil nandito din ang kakambal ko. Marahil ay nalilito sila na hindi ako ang kasama ni CJ ngayon o dahil ngayon lang nila alam na may kakambal ako.
Kumaway sakin si Janela at sinenyasan ako na sumama ako sakanila. Well mas okay na nga siguro kesa doon ako kina Coleen.
"Selena! Pasabog ka ha!" Kailangang sumigaw si Janela dahil malakas ang tugtog. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Limungon ako sa katabi kong si Mikay at sinabing, "Bagay kayo ng partner mo." Binulong ko sa tenga niya tsaka ako tumingin kay Jimuel at namula naman ang pisngi ni Mikay.
May konting program lang na naganap bago itong pinakahihintay ng lahat—ang sayawan. Panay ang hikab ko kahit maga-alas otso palang. Ganito nga talaga kapag buntis, antukin. May mga pagkain naman nang naserve sa harapan namin at nagning-ning ang mata ko sa mga nasa harap ko. Sa wakas ay kakain na at gutom na kami ng baby ko.
Nagtext ako kay Lance para sunduin na ako in 10 minutes.
Nakakadalawang subo palang ako nang may kamay na nakalahad na sa harap ko.
"Lorry, can we dance?" Tanong ni Mico. Tumango naman ako ng dahan-dahan tsaka inabot ang kamay niya.
"Sure, Mico."
Dinala niya ako sa mga nagsasayawan at doon na kami nagsimulang sumabay sa musika.
"Kamusta ka na, Lorry?" Tanong niya sakin.
"O-Okay naman."
"Mag-ingat ka palagi ha." Bilin niya at hindi pa man din ako nakasagot at iniwan na niya ako at mabilis namang may pumunta sa harap ako at hinawakan niya ako sa bewang.
"Kyle?" Gulat kong binaggit ang pangalan niya.
"Hi there, mysterious girl. So you're really leaving huh?"
"That's the plan."
Anong trip nila at sinasayaw nila ako gayong ilang araw ko na silang iniiwasan.
"Are you staying there for good? Aren't you coming back?"
Kung pwede nga lang na wag na akong umalis.
"Ayoko nang bumalik dito, Kyle. I'll forget everything about this place and I'll forget all of you. Even him." Malungkot kong sinagot.
"Why?"
"Because I don't belong here. Si Samantha ang dapat na nandito at hindi ako."
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni CJ at papalapit na siya samin kaya bumitaw na ako.
"Bye, Kyle."
Iniwan ko siya doon at kinuha ang mga gamit ko para umalis na. Pagkadampot ko sa cellphone ko ay nakita ko ang reply ni Lance na nasa labas na siya kaya nagmadali akong lumabas.
Nang nakita ko ang sasakyan niya ay hindi na ako nagdalawang isip at sumakay na.
Pero sana hindi nalang pala ako sumakay nang may nagtakip sakin ng panyo mula sa likod.
"Hmmmp!"
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
