CHAPTER 4

7.6K 135 2
                                        

NAKAPANGALUMBABA si Haya habang nakatitig sa monitor ng computer niya. Kanina pa siya nasa ganoong posisyon ngunit ni isang letra ay wala pa siyang naidadagdag sa isinusulat niyang nobela. Marahas na napabuntong-hininga siya.

Napapansin niyang nitong mga nakalipas na araw ay palala na ng palala ang writer’s block niya. Parati siyang nawawala sa focus. It was as if her mind was asking her for a time off.

Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nilingon ang wall clock.

It was past eleven P.M and yet, heto siya. Malapit na malapit na siyang mawalan ng pasensiya dahil ayaw makisama ng lintik na utak niya.

Nilingon niya ang paborito niyang costume. Maging iyon ay walang ka-appeal-appeal sa kanya ngayon. Kung noon ay nagagawa niyong i-refresh kahit paano ang utak niya, ngayon ay mukha lang iyong isang set ng costume para sa isang weird na tao.

Naaasar na tumayo siya. Hindi na siya nag-abala pang patungan ang suot niyang T-shirt at pajama at ditretsong tinungo ang pinto. Tutal, wala rin namang nangyayari sa trabaho niya, mabuti pang magpahangin na muna siya.

Eksaktong pagbukas niya ng gate ay narinig niya ang isang pamilyar na kahol mula sa mababang bakod sa malaking bahay sa harap niya. Kunot-noong inaninag niya kung saan iyon nagmumula. Muli iyong kumahol.

“Douglas?” usal niya nang makita ang dambuhalang aso nila Trace na kasalukuhang naka-sampa sa isang bahagi ng mababang bakod ng mga ito. The gigantic dog was wagging it’s tail while looking at her.

Mabilis na nilapitan niya ito.
“Anong ginagawa mo rito sa labas?” nakangiting hinaplos niya ang ulo nito na halos umabot na sa leeg niya. “Kumain ka na ba?” Kumahol ito. “Mabuti naman kung gano’n. Pasensiya ka na kung hindi na kita naaasikaso gaya ng bilin ng amo mo, ha? Alam mo namang busy-busy-han talaga ako ngayon dahil kailangan ko ng salapi.”

As if understanding her, the dog licked her cheek and wagged his tail even more.

Natatawang nilaro niya ang ulo nito. “Mabuti ka pa, pa-easy-easy lang. Samantalang ako, napiga na’t lahat ang utak ay wala pa ring nangyayari. Tingin mo, Douglas, kailangan ko na ba munang magpahinga sa pagsusulat?” hinintay niyang kumahol ito ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya. “Are you telling me that I shouldn’t give up, halfway?” The dog barked. Twice.

Unti-unting umangat ang sulok ng mga labi niya. Bakit nga ba nakalimutan niya ang bagay na iyon?

Years ago, she promised herself that she would never do anything half-heartedly anymore. She would always give her bestest best in everything she does and would do in the future. Minsan nga lang ay hindi talaga niya maiwasang makaramdam ng kahungkagan sa tuwing ililibot niya ang paningin sa apat na sulok ng kanyang silid.

She sighed.

Maingat na niyakap niya si Douglas saka ipinikit ang mga mata.

“Are you sure you want to do that?”

Mabilis na napadilat siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nagpalinga-linga siya. Wala naman siyang maaninag ni isang tao sa malawak na bakuran sa harap niya. Pinaningkit pa niya ang mga mata upang makita kung sa loob ba ng bahay nagmula ang tinig.

“Hindi ko pa napapaliguan si Douglas mula ng umalis sila Bianca.”

Napakunot-noo siya. Bakit parang ang lapit-lapit niyon sa kanya? Binitawan niya ang aso saka ipinatong ang mga braso sa mababang bakod bago maingat na dumukwang. Hayun nga at nakasalampak sa damuhan si Wade habang nakasandal ang likod sa bakod at hinihimas ang isang paa ni Douglas.

“Kanina ka pa ba riyan?” kunot-noong tanong niya.

Nanikip ang dibdib niya nang unti-unti itong mag-angat ng tingin hanggang sa tingalain na siya nito ng tuluyan. Even with the faint light from the street lamps, she could not deny the fact that he was really handsome. Her heart skipped a beat when their eyes met.

Ipinilig niya ang ulo. “Masama ang makinig sa usapan ng may usapan.”

Nagkibit-balikat ito. “Kanina pa kami rito ni Douglas. Kanina pa kasi siya restless kaya naisip kong makipaglaro na muna sa kanya hanggang sa mapagod siya.” Itinuro nito ang mga laruang nakakalat sa damuhan. “Sumuko na ako’t lahat, eh, ayaw pa niyang tumigil.”

Pilit niyang iniiwas ang tingin. Binalingan niya ang aso. “Naninibago siguro siya na wala ang mga amo niya.” Hinaplos uli niya ang ulo nito. “You miss them, don’t you?” Kumahol ito. “Don’t worry, hindi naman sila matagal na mawawala. Now, be a good boy and sleep, okay?” animo bata ang kausap niya.

Mukhang naintindihan naman siya nito. Dinilaan muna nito ang pisngi niya bago bumaba ng bakod at nagmamadaling nagtatakbo papasok ng bahay. Napangiti siya.

“You know, you look really pretty when you smile like that.”

Dagling napalis ang ngiti niya nang balingan ito. Hayun na naman ang pagpitlag ng puso niya nang salubungin siya ng nakangiting mukha nito. Nakasandal sa pader ang ulo nito at bahagyang nakatingala sa kanya.

Itinaas nito ang braso at sinipat ang suot na relo. “Gabi na, ah. Bakit gising ka pa?”

Kinalma muna niya ang sarili bago nagsalita. “Gising naman talaga ako sa gabi.”

He chuckled. “Oo nga pala.”

Tinitigan siya nito. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng pagkailang nang maaninag ang bahagyang pagkislap ng mga mata nito. She tried to look away but, his eyes held her gaze.

Nang unti-unti itong tumayo ay sinundan lang niya ito ng tingin. Maging nang tuluyan na itong makatayo sa mismong harap niya ay hindi siya kumilos mula sa kinatatayuan niya.

“You look so sad. What’s wrong, Haya?” masuyong tanong nito.
Natigilan siya. Hindi lang dahil sa masuyong pagbigkas nito sa pangalan niya kundi sa katotohanang napansin nito ang isang bagay na siya mismo ay ayaw ng pansinin sa sarili niya.
Nagbaba siya ng tingin. “Hindi ako malungkot—aray!” Nasapo niya ang noo nang pitikin nito iyon. Lukot ang mukhang nag-angat siya ng tingin. “Bakit ba?”

“You should look at people’s face when you talk to them.” Itinuro nito ang mukha. “Look at me, Haya.” She did. “Now, tell me, what’s wrong?”

Naumid ang dila niya. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin gayong siya mismo ay ayaw nang alalahanin pa ang dahilan ng kakaibang kalungkutang lumulukob sa buong pagkatao niya nitong mga nakaraang araw?

Tinitigan siya nito. Gano’n lang din ang ginawa niya. She could see genuine concern in his eyes that her heart seemed to have finally given up. Kusa na niyong ibinaba ang depensang iniharang niya sa loob ng mahabang panahon.

Walang-imik na tinalikuran niya ito saka isinandal ang likod sa bakod. Ipinatong niya ang mga siko roon bago tumingala.

“Have you ever had that weird, painful feeling that you’re alone?” tanong niya.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang lumapit ito sa bakod at ipinatong ang mga braso roon gaya niya.

“Tao rin lang naman ako. Of course I have.” Tumingala rin ito sa langit. Walang gaanong bituin doon at ang tanging maliwanag na makikita ay ang buwan na animo nakangiti sa kanila.

“Sanay naman na akong mag-isa sa buhay ko. I had to. Pero hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng lungkot sa tuwing nari-realize kong nag-i-isa ako sa silid ko.”

“Nasa’n ang mga magulang mo?” curious na tanong nito.

“Somewhere… high.” Aniya.
Bahagya siyang napangiti nang makita ang pagguhit ng pagkabigla sa mukha nito nang lingunin siya.

“They’re not dead, if that’s what you think. Nagkataon lang talaga na nasa isang mataas na lugar sila na ang tanging pwedeng makapunta ay iyong mga… ka-lebel nila.”

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya nang lumitaw sa kanyang alaala ang huling araw na nakita niya ang pamilya. It was the day she decided she wanted to have a life of her own. Iba siya sa mga ito. And they hated it.

“Oh.” Anito saka muling tumingala. “’You miss them?”

Hindi siya umimik. Mula nang araw na talikuran niya ang mga ito ay hindi na niya hinayaan pa ang sariling lumingon. She decided she had no right whatsoever to think about them or miss them in any way.

“Haya.”

Napakurap-kurap siya. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya rito nang lingunin niya ito. “Don’t look at me like that. Sabi mo nga, lahat naman ng tao nade-depress minsan. At sa klase ng trabaho ko, natural lang ang ganito.”

Humugot siya ng malalim na hininga saka muling tumingala.
Ilang sandaling nanatili lang itong nakatingin sa kanya bago umalis sa kinatatayuan nito. Mukhang nabagot na rin ito sa kanya kaya iiwan na siya nito. Mariing ikinuyom niya ang mga kamay nang maramdaman ang pag-i-init ng sulok ng kanyang mga mata.

“You don’t have to be so sad, Haya.”

Nahigit niya ang hininga nang unti-unti niyang maramdaman ang paglapat ng kung anong mainit na bagay sa likod niya. Bago pa man siya makapag-react ay nahawakan na ng isang kamay nito ang isang siko niyang nakapatong sa bakod. They were now standing back-to-back with only the low fence between them.

Naramdaman din niya ang marahang pag-dikit ng likod ng ulo nito sa ulo niya tanda na tumingala ito.

“Hindi mo kailangang malungkot dahil hindi ka naman nag-i-isa. You might not notice dahil pilit mong idini-detach ang sarili mo sa mundo, pero, maraming nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo.” Marahang pinisil nito ang braso niyang hawak nito. “Sina Bianca na lang at Trace, halimbawa. Si Hero. Ang mga kapitbahay mo.” Marahang ipinukpok nito ang ulo sa ulo niya. “Ako. Kahit isang estranghero ako sa paningin mo, nandito pa rin ako.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. For a moment there, the emptiness that had always been inside her was replaced by a warm, cozy feeling. Lihim na napangiti siya.

It had been years since she allowed herself to smile and feel like that. And she must admit, never did she imagine that she would feel like that with a total stranger.

Gumanti siya ng marahang pagpukpok ng ulo niya sa ulo nito. Somehow, in her own silent way, she wanted to thank him.
Thank you. Piping usal ng puso niya.

Ilang sandali rin silang nasa gano’ng posisyon nang makarinig sila ng ingay ng animo nabasag na salamin. Sabay silang napalingon. Napakunot-noo siya. Hindi ba’t bahay iyon ng resident doctor nilang si Jaron? Isang malaking puno lang ng acacia ang pagitan niyon mula sa bungalow niya. Bago pa siya makakilos ay mabilis na nakalundag na ng bakod si Wade at iniharang ang katawan nito sa kanya.

“Shhh.”

Pilit nitong inaninag ang pinagmulan ng ingay. Malapit na sila roon nang mapansin niya ang isang pamilyar na pigura na nagmamadaling tumakbo papasok sa katabing-bahay ni Jaron.

“Faren?” mahinang usal niya.

Sunud-sunod na nagkahulan ang mga aso sa paligid nila. Maging si Douglas na inakala niyang tulog na ay hayun at nakasampa na naman sa bakod at nakikitahol sa mga aso ng kapit-bahay nila.

Nang dumagundong ang tinig ng binatang doktor ay hindi na niya napigilang mapangiti. Mukhang may ginawa na namang kalokohan si Faren dito.

Mabilis na pinigilan niya si Wade. “Hayaan mo na.” Nagtatanong ang mga matang tiningnan siya nito. “Naglalambing lang si Faren kay Jaron.” Paliwanag niya.

“By breaking his window?”

Hindi niya napigilang matawa sa hitsura nito. Saglit na natigilan ito bago masuyong ngumiti sa kanya. Then his eyes wandered down her hand that was still holding onto him.

Hindi niya iyon binawi. Kinuha nito iyon at hinawakan. “Akala ko ba, magaspang ang kamay ng mga writer?”

“Magaspang naman ang kamay ko.”

Sa buong panggigilalas niya, ibinuka nito ang palad niya saka iyon hinalikan. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya. She suddenly felt hot all over. Ilang sandali ring nanatili sa mga labi nito ang palad niya bago nito iyon binitawan.

“They’re soft and warm.” Anito.

Nag-init ang mga pisngi niya. “G-gabi na.” natatarantang wika niya bago itinago sa likod ang mga kamay niya.

“Uuwi ka na?” tanong nito.

Tumango siya. “Hindi rin naman ako makapagsulat. Matutulog na lang ako.” Pilit niyang ginawang normal ang paglakad niya pabalik sa bahay niya. “Sige.”

She was about to open the gate nang tawagin siya nito. “May gagawin ka ba bukas?”

Her heart leapt. Ah, shut up! “As usual, magsusulat.”

“Gusto mong magpahinga muna bukas? Breather lang. Para naman ma-refresh kahit paano ang isip mo.”

Saglit na nag-isip siya. Should she really allow herself to be with this… stranger?

“Okay.”

Nagliwanag ang mukha nito. “I’ll see you tomorrow, Haya.” He waved a hand at her. “Goodnight.”

Napasandal siya sa pinto nang makapasok sa bahay niya. Kinakabahan siya sa pinatutunguhan ng mga kakaibang nararamdaman niya. Pero anong magagawa niya? For someone who felt so alone and lonely for a long time, having someone like Wade around felt… nice.

Humugot siya ng malalim na hininga.

She wanted him to be around. Just a little more…

STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon