CHAPTER 7

7.6K 137 17
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Haya ang mga mata nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng bintana niya. Gusto nang gumalaw ng katawan niya pero ayaw pang mag-online ng utak niya. Pilit niyang sinipat ang digital clock sa tabi ng computer niya. Mag-a-alas-sais pa lang ng umaga.

May magnanakaw ba ng gano’n kaaga?

Dagling napabalikwas siya nang may maaninag siyang anino mula sa nakasarang mga kurtina. Inilibot niya ang paningin sa paligid para maghanap ng mga pwede niyang gamiting pantanggol sa sarili niya. Kinapa niya ang celphone saka maingat na bumaba ng kama niya.

Tahimik na lumapit siya sa bintana bitbit ang screwdriver na parating nakasiksik sa headboard ng kama niya. Unti-unti niyang hinawi ang isang parte ng kurtina para silipin ang salarin.

Nakita niya itong nakatalungko sa maliit na bakuran niya. Kahit nakatalikod ito sa kanya ay natitiyak niyang lalaki ito base na rin sa pangangatawan nito. The man was wearing a blue checkered polo and faded denims. May nakikita siyang parang notebook sa isang kamay nito. Inililista na ba nito ang mga pwedeng kunin sa bahay niya?

Bumaba sa mga paa nito ang kanyang tingin. Napakunot-noo siya. Saan na nga ba niya nakita ang sneakers na iyon?

Napahigpit ang hawak niya sa screwdriver nang tumayo ito. Iginala nito ang paningin. Huli na para isara uli niya ang kurtina dahil nahagip na siya ng mga mata nito.

Napanganga siya nang makilala ito. Hinawi niya ng tuluyan ang kurtina saka binuksan ang sliding window. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga pa, ah.” Puna niya kay Wade nang tuluyan siyang harapin nito.

Nakangising itinaas nito ang mga hawak. Sketch pad pala iyon at lapis. “Good morning.” Masiglang lumapit ito sa kanya. “’Sorry. Nagising ba kita?”

“Hindi naman.” Itinuro niya ang sketch pad. “Ano ngang ginagawa mo?”

Pilit niyang pinapantay ang paghinga nang lumapit ito ng husto sa bintana niya at itukod ang mga siko sa hamba nion. “You said you wanted my service for your garden.”

“Ha?” Napaisip siya. Pilit niyang hinahalukay sa isip kung ano ang sinasabi nito. A vague image of that paradise-like garden suddenly appeared in her mind. Napasinghap siya. “You—ikaw ang nag-design ng garden ninyo?”

“Bakit parang hindi ka naniniwala?”

“But, you said you were a CE.”

Umisod ito ng bahagya at hinatak siya palapit rito. Itinukod uli nitoang mga siko sa magkabilang gilid niya. “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin niyon na wala na akong ibang talent pa bukod sa pagiging inhinyero. I am also a very capable landscape artist.” Marahang kinabog nito ang dibdib. “Tested and proven.”

“Ang yabang mo.”

“Guwapo naman.” Napapikit siya nang gawaran siya nito ng isang mabilis na halik sa pisngi. “Go back to sleep. Masyado pang maaga. Alam ko namang napuyat ka rin kagabi.”

Nag-i-init ang mukhang tinampal niya ito sa balikat. Kagabi, ‘pagkagaling nila sa bahay ng mga magulang nito ay hindi pa muna sila agad umuwi. Naglakad-lakad pa muna sila sa paligid ng village at nag-kuwentuhan sa parke. Bago pa nila mamalayan ay inabot na sila ng madaling-araw sa pagku-kuwentuhan. And then came that time when they had their share of passion in front of her gate.

Tumawa lang ito saka hinawi ang magulong buhok niya. Tinitigan siya nito. “Beautiful. Very beautiful, Himaraya.” May kislap sa mga mata nito habang nakamasid sa kanya.

Napangiti siya. “Aayusin mo rin ba iyang garden ko?”

“Depende.”

Kumunot ang kanyang noo. “Depende saan?”

“Kung kakayanin mo ang talent fee ko.”

Umangat ang kilay niya. “Gano’n?” akmang pipitikin niya ang noo nito ngunit hinuli nito ang kamay niya. “Anong akala mo sa akin, gano’n ka-poor? Hala, magkano ba ang talent fee mo?”

“Are you sure you want to know?” hamon nito.

Humalukipkip siya.
Sa isang iglap ay napuno ng kapilyuhan ang mga mata nito. Kasunod ng pagkislap ng mga mata nito ay ang pagguhit ng mas pilyong ngiti sa mga labi nito. Kumabog ang dibdib niya. Bago pa man siya mahawakan na naman nito ay mabilis na naka-atras na siya pabalik sa silid niya.

“O, akala ko ba, gusto mong malaman ang talent fee ko?” panunukso nito.

Napanguso siya. “Hindi na. Baka hindi ko nga ma-afford, bungkalin mo pa ang nananahimik na garden ko.”

Sa kabila ng ngiti nito ay naging seryoso ang mga mata nito. “You know you can always afford me, Haya. In fact, you don’t even have to give me anything. Just as long as you let me by your side.”

Napakagat-labi siya. They never had a formal talk about what they had. She knew he was giving her the time that she needs to adjust and she admired him more for that. A lot of guys know how to show they care. Pero ilan lang sa mga iyon ang marunong talagang rumespeto sa mga babaeng gaya niya.

Wade was giving her both.

Mabilis na iniiwas niya ang tingin nang maramdaman ang paglobo ng puso niya. Ramdam niya ang pagluwang ng ngiti na halos mangalay na ang panga niya. Pilit niyang kinalma ang sarili.

“Ayusin mo muna iyang garden ko. Saka na lang natin pag-usapan iyong talent fee mo.”

Muling nagliwanag ang mukha nito. “As you wish.”

Mukha na silang mga tanga habang nakatitig lang sa isa’t-isa pero wala na siyang pakialam. She was happy for the first time in her life. Wala siyang planong basta na lang hayaang mawala iyon nang hindi niya na-e-enjoy man lang.

Napakunot-noo siya sa isip. Hayaang mawala? Iniisip ba niyang mawawala rin ang anumang mayroon sila? Pero, hanggang kailan nga ba ang relasyon—kung mayroon man—nilang iyon ng binata?

Ah, shut up! Just enjoy everything and make the best out of it. Kastigo niya sa sarili.

Ipinilig niya ang ulo. Tama. Bakit nga ba niya hahayaang ma-stress siya sa mga bagay na hindi rin naman niya kayang sagutin? She was happy. At sa nakikita naman niya, gano’n din ito.

Buong tamis na nginitian niya ito. “Magtrabaho ka na po. Igagawa kita ng breakfast.”

“Really?”

“Oo nga.” Tatalikuran na niya ito nang may maalala. “’Wag kang mag-alala, hindi noodles ang lulutuin ko.” Ngumisi ito saka itinaas ang dalawang kamay. “Pritong hotdog na lang.”

Tumawa ito. “Asensado.”

“Talaga.” Inirapan lang niya ito saka tuluyang tinalikuran.

Nang mapadaan siya sa salamin sa labas ng silid niya ay natigilan siya. Magulung-magulo ang buhok niya at namumugto pa ang mga mata niya. May mga bakas pa ng unan sa kanang pisngi niya. Kung susumahin siya ngayon ay papasa siyang praning na mangkukulam.

Magfi-freak out na sana siya nang marinig niya ang mahinang pagkanta ni Wade mula sa bakuran niya. Napangiti na lang siya saka hnaguran ang buhok niya. She was really happy—looking like a deranged witch and all.

TAHIMIK na pinagmamasdan lang ni Haya si Wade habang abalang-abala ito sa pagbubuhat ng iba’t-ibang laki at hugis ng mga batong animo limestones sa isang sulok ng bakuran niya.

It had been two days since he decided to give her garden a make-over. Ang akala nga niya ay nagbibiro lang ito. Pero ‘pagkatapos nitong mag-almusal nang makita niya ito sa bakuran niya ay isinama na siya nitong magbibili ng kung anu-ano. Ni hindi nga siya nito pina-gastos kahit singko.

Matamang pinagmasdan niya ito mula sa pagkakaupo sa bakod. He really had a great physique. Bakat na bakat ang magandang hubog ng likod nito mula sa suot nitong itim na T-shirt. His leg muscles were flexing. Napaka-gandang tingnan ng mga binti nito sa suot nitong cargo shorts.

He had such a drool-worthy body that she couldn’t help but imagine those fab muscles underneath all those clothes.

“Stop that, Himaraya. Hindi ako makakapag-concentrate sa ginagawa ko ‘pag patuloy mo akong tinitigan ng ganyan.”

Pa-simpleng itinikom niya ang bibig saka ito inirapan. “Hindi kita tinititigan ‘no?”

Nakangising ibinaba nito ang huling batong in-order nila saka nakapamaywang na hinarap siya. “You could go and get me something to drink, you know?”

“Malaki ka na. Kaya mo ng pagsilbihan ang sarili mo.”

“Please?” Pina-pungay nito ang mga mata.

Napakagat-labi siya. Paano niyang tatanggihan ang mga matang iyon? Pumalatak siya saka palundag na bumaba ng bakod. “You’re such a nag. Utos ka ng utos, eh, tinatamad nga ako.” Lalagpasan na niya ito nang mapansin niyang tumutulo na ang pawis sa buong mukha nito. Tuluyan nang lumambot ang puso niya.

She reached out a hand on his face and gently wiped the sweat off his forehead. “Ano bang gusto mo? Orange juice, pineapple juice o iced tea?”

Nakangiting kumunot ang noo nito. “Meron ka ng mga iyon?” Hinawakan niya ang noo nito saka pilit na pinalis ang mga gatla roon.

“Wala. At least nagtanong ako, ‘di ba?” Nakangising sagot niya.

He matched her grin. “Water would be fine.”

“With ice?”

“Walang yelo sa ref mo.”

“Oo nga ‘no?” tinapik-tapik niya ang pisngi nito. “’Di bale, mapapasma ang katawan mo kapag uminom ka ng malamig ng pagod ka.”

“Right.” Marahang tumawa lang ito.

Mabilis na lumayo na siya rito bago pa siya may magawang kung anon a ikai-iskandalo ng mga kapit-bahay niya. She took a glass from her glass rack then filled it with water.

Palabas na siya ng garden nang marinig niya ang tinig ni Wade. Napahinto siya sa pinto nang makita niya itong nakapamaywang at may kausap sa celphone nito.

“I don’t really care. Just get them to attend.” Anito sa kausap. “Yes, please. Thank you.”

Napakunot-noo siya nang makita ang frustration sa mukha nito. Tahimik na nilapitan niya ito saka ini-alok ang baso ng tubig rito. “Problem?”

Awtomatikong napalitan ng isang matamis na ngiti ang pagkakakunot ng noo nito nang bumaling sa kanya. Umiling ito saka kinuha sa kanya ang baso. “Nothing. Just some business to attend to.” Inilang lagok lang nito ang tubig saka iyon ibinalik sa kanya. “By, the way, Trace and his family are coming back today.”

“Ah.” Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Ibig bang sabihin ay aalis na rin ito?

Mukhang nabasa nito ang iniisip niya. He gently pulled her to him. Pinaghugpong nito ang mga kamay sa baywang niya saka idinikit ang noo sa noo niya.

“I’m just going back to my place, Haya. Hindi naman ako lalayo.”

“Wala naman akong sinasabi.”

“Hmmm.”

Hindi siya umiwas nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. He was kissing her oh, so gently. As if re-assuring her that he would be there, whenever, wherever she wanted him to.
Kahit paano ay napanatag ang loob niya. Sinalubong niya ang tingin nito. She wanted to erase all traces of doubt inside her. Gusto sana niyang sabihin ang nararamdaman niya. If not only for that small trace of fear in her heart, baka sinabi na niya rito ang lahat ng nilalaman ng puso niya.

Maybe, just maybe, she could only truly say she is ready kapag nawala na ng tuluyan ang mabigat na alaala ng nakaraan niya. he was right. She had to face her ghosts first in order for her to exorcise them.

Marahang ipinukpok niya ang noo sa noo nito. “Magtrabaho ka na nga. Baka may makakita pa sa atin dito, mag-isip pa sila ng kung ano.”

“May ‘ano’ naman talaga tayo.”

He just bursted out laughing nang tampalin niya ito sa balikat. Tahimik na bumalik siya sa pagkakaupo sa mababang bakod. There was no use getting scared. She had to stand up strong and keep her feet on reality’s ground.

In reality where you exist. Piping bulong ng puso niya nang muling balikan ni Wade ang pag-a-ayos ng bakuran niya.

STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon