MABIGAT na mabigat ang pakiramdam ni Wade habang pa-akyat ng condominium building na pag-a-ari ng pamilya niya. Kagagaling lang niya sa latinos kung saan sila nagkita-kita ng mga kaibigan niyang sina Alvin at Miggy.
Gaya niya, mukhang problemado rin si Alvin. At hindi iyon sa aspetong pinansiyal kundi sa usaping pam-puso. Mukhang na –realize na rin nitong hindi normal ang attachment na nararamdaman nito para sa bestfriend nitong si Myra. Hindi gaya ni Miguel na smooth sailing na ang relasyon sa girlfriend nitong si Crea.
Marahang hinilot niya ang batok. Naparami yata ang inom niya. Nakakaramdam na siya ng pag-i-init ng katawan at bahagyang pagkahilo. ‘Paglabas niya ng elevator ay dire-diretso na siya sa unit niya. malapit na siya roon nang mapansin niya ang mga nagkalat na bag at kahon sa labas ng pinto ng katabing-unit niya.
Napakunot-noo siya. May bagong occupant ba sila? Bakit hidni yata iyon dumaan sa kanya? At bakit doon iyon sa floor niya?
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa unit nang makarinig ng mahinang kaluskos. Bukas ang pinto niyon kaya sumilip na siya. Madilim ang unit. Kinapa niya ang switch ng ilaw ngunit hindi iyon bumukas.
“Aray…”
Napatuwid siya ng tayo. Parang pamilyar sa kanya ang tinig na iyon. Naglakad pa siya papasok sa dining area. May naaaninag siyang pigura na nakasalampak sa sahig.
“Who are you?”
Kahit madilim, nakita niya nang matigilan ito. Kinapa niya ang swiss knife na laging nasa bulsa niya. Kung may gagawin itong hindi maganda, mapo-protektahan niya ag sarili niya.
“Who are you?” ulit niya.
Dahan-dahang lumingon ito. Pinaningkit niya ang mga mata saka ito pilit na inaninag. Nahigit niya ang hininga nang unti-unting mabuo sa nanlalaking mga mata niya ang imahe nito. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ng ilang lebel ang lahat ng enerhiya sa katawan niya.
His heart began to pump faster that his brain began to malfunction. He wanted to grab her, hold her, kiss her and take her. The presence was so overwhelming that he could do nothing more than to feel so helpless.
Naramdaman niya ang biglang pag-i-init ng kanyang mga mata. “Haya…”
KAHIT na madilim, kitang-kita ni Haya nang kumislap ang mga mata ni Wade.kung hindi nga lang niya nararamdaman ang kirot sa sakong niya dala ng pagkakatapilaok niya kanina ay baka dinamba na niya ito.
Nang umuwi siya ng Tarlac kasama ng kanyang ama ay nagkausap na sila ng kanyang ina. Hindi man iyon ang inaasahan ng lahat na madamdaming pagkikita, alam niya, sa kaibuturan niya, pinatawad na nila ang isa’t-isa.
Pinatigas niya ang anyo. “You know, this is a good time for you to come in and help me up.”
It took him a few seconds bago ito nakagalaw sa kinatatayuan nito. Walang imik na lumapit ito sa kanya bago siya maingat na inalalayan. The moment his warm skin touched hers, she knew there was no turning back now.
Ibinaba siya nito sa sofang nakatakip pa ng kumot. “Wait here. Kukuha lang ako ng ilaw.” Anito.
Tatayo na sana ito ngunit mabilis na pinigilan niya ito. Mula sa malamlam na liwanag mula sa nakabukas na pinto ng unit ay nakita niyang lumamlam ang mga mata nito.
“I heard yopu came and talked to my family.” She felt him become tense. “In Tarlac.”
“I didn’t mean no harm, Haya. Gusto ko lang silang makausap. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila nakukumbinsing—“
“I already talked to them.”
“What?”
Hinatak niya ito paupo sa tabi niya. “Nakausap ko na sila.” Ult niya. “I already went back home, Wade. Nakabalik na ako sa pamilya ko.”
Gumuhit ang matinding relief sa mukha nito. “That’s great, Haya. Now, hindi mo na kailangang malungkot.”
“Wala ka na bang ibang sasabihin?” tanong niya.
“Ha?”
Humalukipkip siya saka isinandal ang kanyang likod sa sofa. “Ang sabi ng Papa ko, pabalik-balik ka raw sa Tarlac noong mga nakaraang linggo. Pero last week lang, hindi ka na nagpakita.”
“Kinailangan kong bumalik sa kumpanya. A huge project for our company just came in.”
Tumangu-tango siya. Alam na niya ang mga bagay na iyon dahil sinabi na sa kanya ni Tita Cheri. Nang malaman niya ang lahat ng ginawa at sinabi nito sa pamilya ay napagtanto niyang mahal talaga niya ito. She wanted to give them a chance.
Kaya naman nang makapag-settle in na siya sa bahay nila sa Tarlac at makapag-usap na sila ng kanyang ina ay nagpasya siyang puntahan ito sa bahay ng mga ito pero wala ito roon. Ang mga magulang nito ang dinatnan niya.
Humingi siya ng pasensiya sa nangyari noong anniversary ng mga ito. Tinawanan lang ng mga ito iyon. Sinabi niyang mahal niya si Wade at gusto niyang hingin ang kamay nito. Lalo yatang natuwa ang mga magulang nito kaya “ipinamana” ng mga ito sa kanya ang unit na katabi ng ino-okupa nito sa condominium building ng pamilya nito.
“Haya.”
“O?” aniyang hindi ito nililingon.
“Anong ginagawa mo rito?”
Nilingon niya ito. “Obvious ba? Ako na ang bagong kapit-bahay mo.” Kumunot ang noo nito. “Your parents gave them to me as a token of gratitude dahil kukunin na kita sa kanila.”
“What?”
Ngumiti siya. She pulled herself up. Inalalayan niya ang nasaktang paa bago tinawid ang distansiya sa pagitan nila.
“Isang tanong, isang sagot.” Hinawakan niya ang mukha nito. “Mahal mo ba ako?”
Kahit mukhang nalilito ay kumislap ang sagot sa mga mata nito. Even before he answered, alam na niya ang sagot sa tanong niya.
“Yes.” Walang gatol na sagot nito.
“Then, papayag ka kung sasabihin ko sa iyong magpa-kasal na tayo?”
Napatanga ito sa kanya. She took that chance and claimed his lips. Ilang sandaling natigilan ito bago siya mahigpit na hinapit palapit sa katawan nito. Ramdam niya ang init ng katawan nito. His hot breath tasted of mint and sweet wine.
Napakapit siya sa balikat nito nang tangkain nitong palalimin ang halik. Umuungol na inilayo nito ang mukha sa kanya nang bahagya niya itong itulak.
“Teka lang, hindi pa ako tapos, eh.”
“Haya, mahal kita. And yes, I will marry you. Anytime, anywhere. Now, can we pick up where we left off—aray!”
Nakangiwing napa-atras ito nang hampasin niya ito sa ulo. “’Wag ka ngang atat. Narito ako at nagtatapat ng damdamin ko sa iyo tapos ikaw, walang ibang nasa isip kundi ang maka-iskor, gano’n?”
“Haya naman…”
“Anong Haya naman?” angil niya.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tumuwid ng upo. “Now, will you listen?” tumango ito. “Not long ago, I was alone in my own dark world. Tanggap ko ng mag-isa na ako. Pero dumating ka. You made me see that there’s a lot more than being alone. You made me realize that not everything can be done selfishly.
“Sabi ko noon, ayoko ng magpapasok ng estranghero sa buhay ko dahil ayoko ng maranasan at maramdaman uli ang sakit na naramdaman ko noon. Natakot akong ma-reject na naman. But when you came, I realized, no, I knew I could not block you off from entering my world.”
Unti-unting umangat ang sulok ng mga labi nito. “And then…?”
“Sandali, nag-i-isip pa ako.”
Noon ito humalakhak. “Haya. Haya, Haya…” Dahan-dahang lumapit ito sa kanya at ikinulong siya sa mga bisig nito. “I’m sorry if I hurt you. Hindi ko man sinasadya, alam kong nasaktan kita ng husto.”
Namasa ang kanyang mga mata saka ginantihan ang yaka nito. Umiling siya. “No. Thank you, Wade. Kung hindi dahil sa pagiging tsismoso at pakialamero mo, baka hindi kami nagkasundo uli ng pamilya ko.”
“Shhh…” hinapit pa siya ito. “I love you so much, Haya. Gagawin ko ang lahat makita ka lang na masaya.”
Inilayo niya ang sarili rito saka ito tinitigan sa mata. “Really?”
“Really.”
“Then, marry me.”
“Ngayon na?”
“Abogado ang buong pamilya ko.”
“Right.”
For the first time inher life, she felt so complete. Pakiramdam niya ay wala ng mas hihigit pa s akasiyahang nararamdaman niya. masuyong idinikit niya ang noo sa noo nito.
“I love you, Wade.” Madamdaming wika niya.
“Ah, finally. Akala ko, hindi ko na maririnig pa iyan sa iyo.”
When he pulled her head closer, hindi na siya nag-protesta pa. Hinayaan na lang niya ang sariling malunod sa halik at pagmamahal nito. Hindi na niya alintana ang munting kirot na naroon pa rin sa sakong niya. Masyado siyang masaya nang mga oras na iyon para magpa-istorbo sa simpleng ipit ng ugat sa paa.
Bigla niyang naalala ang huling nobelang ipinasa niya. Iyon ang unang matured na nobelang naisulat niya. Napangiti siya. Maybe, she could try and find out if what she wrote in her novels really do come true.
Gaya ng pagkakaroon niya ng isang masayang happy forever and after sa piling nito.
Napangisi siya. He-he!
. . . E N D . . .
GABRIEV FUENTES
BINABASA MO ANG
STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)
RomanceMula nang itakwil si Haya ng pamilya niya ay nangako na siya sa sariling hinding-hindi na uli magpapapasok ng estranghero sa buhay niya. Ayaw na niyang maranasan uli ang sakit ng rejection mula sa kahit na sino. Pero nagbago ang lahat ng dumating sa...