CHAPTER 9

6.7K 146 1
                                    

HAYA, nandiyan ka pa ba?”
Patamad na ibinagsak ni Haya ang kanyang ulo sa unan niya. Sinipat niya ang digital clock sa ibabaw ng desk niya. pasado-ala una ng tanghali pero hayunsiya at nakababad pa rin sa kama.

“Opo.” Sagot niya sa editor niyang si Carol.

“As I was saying, kailangan ko na iyong susunod na dalawa sa series ninyo ni Cavri. You said you’d have it on my desk last weekend. Pero anong petsa na? I need those manuscripts, ASAP!” litranya nito.

Mariing ipinikit niya ang mga mata saka ipinatong ang isang braso sa noo niya. mahapding-mahapdi ang kanyang mga mata dala ng ilang araw niyang kawalan ng tulog.

“Patapos na po ako.” Pagsisinungaling niya.

Ang totoo, ilang lingo na siyang wala halos nagagawa. Isang nobela pa lang sa series ila ni Cavri ang naipapasa niya at ang sunod na dalawa ay parehong nasa chapter two pa lang. Wala siyang balita sa partner niyang si Cavri dahil hindi rin naman nito sinasagot ang mga tawag niya.

Humugot siya ng malalim na hininga. “Susubukan ko pong tapusin iyon by this week.”

“You better. Ako ang magigipit kapag hindi kayo nakapag-submit man lang ni Cavri kahit isa ngayong linggo!” hysterical na sigaw nito.

Napakunot-noo siya. “Hindi pa nagsa-submit si Cavalry?”

“Hay naku, ewan ko ba naman sa isang iyon. Sa tuwing tumatawag ako sa kanila, parati na lang ang mama niya ang sumasagot. Naroon daw siya at nagkukulong sa silid niya, eh, wala naman siyang naipapasa.”

“Baka may writer’s block din siya.” Pagdadahilan niya.

“Haya, tayo dito sa Precious Love, hindi tayo naniniwala sa writer’s block. Alam mo iyan. Stressed out ka lang. go out and get some fresh air. I’m sure, nakakulong ka rin lang sa silid mo gaya no’ng si Kabalyera.”

Tipid na napangiti siya. “I will.” Sagot na lang niya. “Thank’s Ate.”

“O, siya. Tapusin mo iyong nobela mo, ha? Kailangan ko na talaga iyan ngayong linggo.”

Ilang sandali na itong wala sa linya pero nakadikit pa rin sa tainga niya ang celphone niya. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata saka iginala sa silid niya. Madilim na madilim iyon dahil pinatungan niya ng makapal na kumot ang mga kurtina niya. halos bumaon din sa balat niya ang lamig sa sobrang lakas ng aircon niya na sinabayan pa niya ng isang electric fan.

Pabagsak na ibinaba niya ang kamay na may hawak na celphone. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. It had been three weeks mula nang muli siyang magkulong sa madilim at malamig na silid niya. Tatlong linggo na mula nang muling madurog ang puso niya.

Pabalikwas na bumangon siya mula sa pagkakahiga saka ipinilig ang ulo.

Hindi na siya dapat pang nag-i-isip ng kung anu-ano. Dapat ng mga panahong iyon ay isinusubsob na lang niya ang sarili sa pagsusulat gaya ng gusto niya. Kailangan na rin naman niyang mag-trabaho dahil kung hindi ay mawawalan siya ng ipansu-suporta sa sarili niya.

Sinulyapan niya ang computer niya sa ibabaw ng mesa. Ilang araw na rin niya iyong hindi nabubuksan man lang. alam niyang nagtatampo na iyon sa kanya. Dahan-dahang tumayo siya. Akmang lalapitan na niya iyon nang marinig ang pagtunog ng doorbell.

Napakunot-noo siya. Sinong talipandas naman ang bibisita sa kanya?

Patamad na tinungo niya ang pinto. Hindi na siya nag-abala pang palitan ang maluwang na T-shirt at oversized na pajama na suot niya. Ni hindi na nga niya itinali pa ang magulong-magulong buhok niya.

Lukot na lukot na ang mukha niya nang muling tumunog ang doorbell.

“Sandali!” marahas na bulong niya na animo nasa harap niya ang kausap.

Walang sere-seremonyang binuksan niya ang main door.

Daig pa niya ang nasabugan ng bomba nang makilala ang nakatayo sa labas ng mababang gate niya. Nakatalikod ito sa kanya habang inililibot ang paningin sa buong village nila.

“’Pa…” pabulong na wika niya.

As if sensing her, dahan-dahang lumingon ang kanyang ama. A flood of emotions suddenly filled her empty being again as she saw longing in her father’s sharp eyes.

Tipid na ngumiti ito. “Can I come in?”

Nangatal ang mga labi niya. Six years. Gano’n katagal na niyang hindi naririnig ang tinig ng Papa niya. anim na taon na pero tandang-tanda pa rin niya ang timbre ng boses nito. And God, how she missed his voice!

Pinadaanan niya ng mga daliri ang buhok niya bago siya humakbang palapit sa gate. Walang imik na sumunod ito sa kanya papasok sa bahay.

“G-gusto niyo ng kape?” alok niya. Umiling lang ito. “Juice—“

“Sit down, Himaraya.”

Kagat-labing naupo siya sa sofang katapat ng inuupuan nito. She was fidgeting with her fingers habang titig na titig lang sa kanya ang ama.

“How are you, Haya?”

Napakislot siya nang marinig ang tinig nito. Nilunok muna niya ang bara sa kanyang lalamunan bago nag-angat ng tingin. “O-okay naman po.”

Tumangu-tango ito saka iginala ang paningin sa paligid. “Are you eating well?” Tumangolang uli siya. “Nag-e-enjoy ka ba sa buhay na pinili mo?”

Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ito. “I’m enjoying the freedom. Pero hindi ko masasabing nag-e-enjoy ako sa buhay na—na pinili ko.”

“I see.” Saglit na tila nag-isip ito. “It’s been six years already, huh?” nagbaba siya ng tingin. “Don’t you want to go home yet?”

Napa-angat siya ng tingin. Nang makita niya ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata nito ay saka lang naglinaw sa kanya ang dahilan ng pagpunta nito roon. She knew what he was trying to say. Being a man of a few words, alam niyang mahirap din para rito ang ipakita at sabihin ang lahat ng gusto nito.

“’Pa…” gumaralgal ang tinig niya.

Iyon lang yata ang hinihintay nito. Kasabay ng tipid na ngiti nito ay ang pagbagsak ng isang butil ng luha nito. “Come home with me, Haya. Bumalik ka na sa atin.”

Bumigay na rin ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. “Pero si Mama…”

Umiling ito bago ginagap ang kamay niya. “Matagal ng natanggap ni Tasha na may sarili kang buhay, Haya.”

Nagtatakang tiningnan niya ito. Her father just smiled.

“Noong araw na idineklara mo sa lahatna gusto mong maging manunulat, alam na namin ng Mama mo na hindi ka na namin mapipigil pa.”

“Pero, ikinahihiya niyo ako…” napahikbi siya.

“No, baby. Of course not.” Masuyong hinaplos nito ang buhok niya. “Hindi ka naming ikinahihiya. Hindi ka ikinahihiya ng mama mo.” Inilagay nito ang isang daliri sa baba niya saka ini-angat ang kanyang mukha. “Look, Haya. Alam kong marami kaming naging pagkukulang sa inyong magkakapatid. Lalung-lalo na sa iyo. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na namin kayo mahal. We still want what’s best for you. Nagkataon lang siguro na masyado kaming abala ni Tasha sa pag-i-isip kung anong pinakamabuti sa inyo kaya nakalimutan na naming may sariling buhay ka.

“Natakot si Tasha na baka maligaw ka lang ng landas sa gagawin mo. It might be hard to believe but you mother was just scared that you’d leave her one day. Kaya nga gusto niyang tiyaking nasa maayos ka. Gusto niyang tiyaking nasa mabuting landas ka bago ka niya pakawalan.”

“By throwing me out of the house?”

“yes.” Walang gatol na sagot nito. “Pero kabaliktaran ang dahilan niyon kaya niya ginawa iyon, Haya. Gusto niyang patunayan mo ang sarili mo. She wanted to give you the chance you’ve been asking for. Ayaw lang niyang aminin iyon. Ayaw kasi niyang isipin mong malambot siya. She wanted you to see her as a strong and hard woman. Gusto niyang makita mong wala siyang kahinaan.”

Nakangiting dumukot ito sa bulsa. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang gintong kuwintas na hawak nito. “S-saan niyo po…”

“I found these in a hole on your wall nang minsang dalawin ko ang silid mo. Naalala ko ang mga sinabi mo sa mama mo sa party kaya sinubukan kong maghanap sa bahay. And then I came across that weird painting on your wall na ayaw na ayaw mong ipagalaw noon sa mga katulong.” Marahan itong natawa. “Imagine my shock when I found a load of gold and diamonds behind that weird-looking painting.”

Marahang natawa siya. Noong mga panahong nagre-rebelde pa siya ay unti-unti niyang binutas ang pader ng silid niya. Nasa pinakadulong bahagi ng bahay ang silid niya kaya wala halos nakakarinig sa kanya kapag dahan-dahang niyang tinitibag ang ding-ding niya.

Masuyong pinunasan nito ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. “Your Mom never meant a word she said. Alam kong alam mong gumagana lang ang pride niya.”

“Grabe naman ang pride ni Mama. Ang sakit sa dibdib.”

Sa pagkakataong iyon ay humalakhak na ito. “Your mother is just human, Haya. May mga pagkukulang din siya. Kailangan mo lang siyang unawain at tanggapin sa paraang alam mo.”

Muling nag-init ang sulok ng kanyang mga mata bago mahigpit na yumakap dito. “I’m so sorry, ‘Pa. hindi ko po sinasadya.”

“Shh.” Hinagod nito ang likod niya. “You’ve learned a lot from all of those, Haya. It’s time to close the books now and start anew.”

“Do you think she’ll forgive me? Nila Kuya? Nila ate?”

“Matagal ka ng pinatawad ng Mama mo, Haya. Even your brothers and sisters. Kailangan mo na lang matutuhang patawarin ang sarili mo para makapagsimula ka nang muli.”

“I love you, ‘Pa.” humihikbing wika niya.

“I love you, too, anak.” Gumaralgal na rin ang tinig nito. “Go on.” Anito nang bahagya siyang ilayo nito. “Pack your stuff. I will wait here for you.”

Napamulagat siya. “Ngayon na talaga tayo uuwi?”

“Oh, right.” Biglang naging malikot ang mga mata nito. “Would you rather na sa nobyo mo sumabay pauwi?”

“Nobyo?” kunot-noong tanong niya.

“You know, that Bielifeld guy.”

“Si Wade?” dagling bumilis ang tibok ng puso niya. “Ano namang kinalaman ni Wade dito, ‘Pa?”

Kumunot din ang noo nito. “You—you didn’t know?”

Umiling lang siya. May ginawa na naman ba ito? Napalingon siya sa ama nang tapikin nito ang pisngi niya. “He confronted your Mom. Hanggang sa Tarlac ay sinundan nya kami para lang sabihing miss na miss mo na kami at hindi mo ginustong malayo sa amin. That you just wanted your own dream.” He rolled his eyes. “As if we don’t know those already. Nang tanungin namin siya kung bakit masyado siyang concerned sa iyo, sinabi niyang mahal ka niya at gusto ka niyang maging masaya. That kid. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya o ipapabugbog ko siya sa mga kuya mo.”

Sa lahat ng sinabi nito, isa lang ang rumehistro sa utak niya. He loves… me?

Right at that moment, parang biglang nag-activate ang buong sistema niya. she could feel the fats beating of her heart once again as images of Wade and his gentle eyes filled her mind.

“I… I pushed him away." Tiningnan niya sa mga mata ang ama. Ngumiti lang ito. “I’m really impulsive, ain’t I?”

Tumawa lang uli ito. “Nagmana ka lang sa Mama mo.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya bago siya hinalikan sa noo. “He loves you, Haya. Mahirap ng makahanap ng lalaking gaya niya.”

STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon