“HELLO?”
“Kabalyera!”
“Haya, nambubulahaw ka na naman ng mga kapitbahay mo diyan.” Tila inaantok na wika ng kaibigan at co-writer ni Haya na si Cavri.
Hindi na niya pinansin pa ang sinabi nito. Pina-ikot niya ang kinauupuang swivel chair saka itinaas ang dalawang paa. “May good news ako sa iyo. Hulaan mo, hulaan mo!”
“Uh…ibababa mo na ang telepono para makapag-trabaho na tayong pareho?”
Sa halip na mainis ay tinawanan lang niya ito. “Much better than that.” Pinagulong uli niya ang swivel chair palapit sa mesa niya saka dinampot ang draft na ginawa niya. “I have a proposal.”
“Uh-huh.”
“Let’s do a series together.”
“Series?”
“Oo. Mag-collaborate tayo.” Excited na binuklat niya ang draft notebook na ginawa niya. “Tungkol ito sa mga members ng varsity team namin noong college. Alam mo naman iyon ‘di ba?”
“The volleyball team?”
“Yep.” Aniyang nakatango pa na animo nasa harap niya ito. “Tig-six books tayo.”
Narinig niyang bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. “Haya, hindi ako pwede. May mga naka-line-up din akong mga nobela kay Sir.”
“Hindi naman ito madalian. Matatapos mo pa ang mga naka-pending mong nobela. Matutulungan mo pa ako. Alam mo iyon?”
“Haya—“
“Oh, come on, Cavalry.” Pangungulit niya.
Kanina, nang tumawag siya sa boss niya at nagsabing nagpa-plano siyang gumawa ng isang bagong series kasama ng kasabayan niyang writer at kaibigan niyang si Cavri ay pumayag kaagad ito. Pinagsa-submit na nga sila kaagad ng synopsis para sa mga nobelang bahagi ng series.
Walang kaalam-alam ang boss niya na siya pa lang talaga ang umo-oo sa sariling plano. Kailangan niyang mapapayag si Cavri kung ayaw niyang ma-sermunan ng bonggang-bongga sa big boss nila.
“Anyway, iyon na nga. The series is about the the greatest batch of volleyball players in the history of SAU. Alam mo naman, makasaysayan ang batch namin noon. So, ano na? Kailan na natin sisimulan ang brainstorming?”
Wala na siyang pakialam kahit pa sabihing desperada siya. She wanted to write that series along with her friend kaya mapapapayag niya ito—by hook or by crook.
Ilang sandaling natahimik sa kabilang linya. Ang akala nga niya ay binabaan na siya nito kung hindi lang niya naririnig ang ugong ng aircon nito.
“Hoy, Kabalyera, nandiyan ka pa ba?” Untag niya.
“Oo.” Bumuntong-hininga ito. “Haya, sinabi ko naman na sa iyong humanap ka na muna ng ibang makaka-partner mo.”
“Sa ikaw nga ang nakikita kong perfect na ka-team-up sa series na ito.”
“You know I’m not into sports. Wala akong alam pagdating sa sports. Ano namang isusulat ko?”
Umangat ang isang kilay niya. One thing she hated about this particular friend of hers is that she always lacked confidence. Wala itong kakumpiya-kumpiyansa sa sarili nitong kakayahan samantalang kung tutuusin ay napaka-talented nito.
“Writer ka. Isang malaking insulto para sa mga writer iyang sinabi mo. Anong wala kang alam sa sports? Tayong mga writers, sagana sa kaalaman. Hindi pwedeng may hindi tayo alam. Tayo ang mga henyo sa mundong ibabaw.”
Narinig niyang tumawa ito. “Bakit kasi hindi na lang ikaw ang gumawa? Tutal, ideya mo naman iyan.”
“Hindi nga pwede.” Mabilis na pinagana niya ang isip. “Look, Cavri. Hindi ka pa ba nagsasawang ka-trabaho ang sarili mo? Ilang taon na ba tayong writer? Mula nang magkakilala tayo, maliban sa mga taga-accounting at mga mapang-trip na editor, wala ng iba pang nakakapasok sa ginagalawan nating mundo.”
Gusto niyang palakpakan ang sarili niya. Writer nga siya. Napakabilis mag-proseso ng utak niya ng mga bagay-bagay.
“Ako, sawa na akong ka-trabaho ang sarili ko.” Patuloy na litanya niya. Ikinumpas pa niya ang mga kamay na animo kaharap ito. “Gusto ko namang maranasang may ka-share sa bawat ideyang pumapasok sa utak ko. Gusto ko namang maranasang may ka-debate sa pag-i-isip ng mga dapat at hindi ko dapat ilagay sa nobela ko. Gusto kong—“
“Haya.” Putol nito.
“O?”
“Sige na. Okay na.”
Bingo! “Talaga?”
“Oo sabi.”
“Great! Tatawagan kita para sa brainstorming.” Bago pa man ito makapag-bago ng isip ay mabilis na nagpaalam na siya. “Bye!”
Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mga labi niya. Sinasabi na nga ba niya at hindi pa rin kumukupas ang talent niya. Nakangising sinulyapan niya ang hawak na drafts.
Kung tutuusin, pwede naman talaga niyang tapusin ng mag-isa ang series na iyon tungkol sa mga miyembro ng tinaguriang “Golden Team” ng St. Alphonse University. It was just that for some reason, she suddenly felt… lonely.
Pakiramdam niya ay napakatagal na panahon na niyang nag-i-isa sa mundo.
She felt like there was a huge empty hole inside her that was starting to eat her up alive.
Wala sa sariling napatingin siya sa isang bahagi ng kanyang silid. Naroon at naka-paskil pa rin ang isang lumang larawan—isang alaala ng kanyang nakaraan na kanyang tinalikuran.
Mabilis na ipinilig niya ang ulo nang magsimulang magbalik ang mga alaala niyon sa kanya.
It was no use looking back. She had only one choice now—move forward.
“GOOD MORNING.”
Napahinto sa paghihikab si Haya nang makarinig ng tinig mula sa labas ng mababang bakod niya. Patamad na ibinaba niya ang hawak na tasa ng kape habang nakasalampak sa madamong bahagi ng bakuran niya. Dahan-dahang nilingon niya ang nagsalita.
A tall, broad shouldered guy was smiling down at her. Pawisan ang buong mukha at T-shirt na suot nito habang may nakasukbit na earphones sa magkabilang tainga nito.
A strange, familiar shot of electricity ran through her veins as memories of the night they first met flooded her mind.
Kumunot ang kanyang noo. “Sino ka?”
Saglit na natigilan ito bago sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. Tila bale-walang inalis nito ang mga earphones na nakakabit sa tainga nito. Maya-maya ay ibinulsa nito ang iPod saka walang kahirap-hirap na inakyat ang bakod niya.
Hindi siya tuminag nang tumayo ito sa mismong harap niya. “It’s nice to see you too, Himaraya.” Pabagsak na sumalampak ito sa tabi niya. “Ngayon ka pa lang ba nagbe-breakfast?”
“Oo.” Tinapik niya ang kamay nito nang akmang aabutin nito ang chicken sandwich na nasa harap nila. “Trespassing ka na nga, aagawin mo pa ang pagkain ko. Makunsiyensiya ka naman.”
“Hindi ko naman aagawin, eh. Ibibigay ko lang sa iyo.”
Nakangising wika ni Wade bago tuluyang dinampot ang sandwich. “Here.”
Inirapan niya ito. “Bakit ka ba nandito? Ang aga-aga pa para mang-asar ka ng mga kapit-bahay mo.”
Nang hindi pa rin niya tanggapin ang tinapay na hawak nito ay nagkibit-balikat ito. Napatanga na lang siya rito nang walang sabi-sabing kagatan nito iyon.
“Hmmm. This is good. Ikaw ba ang gumawa nito?”
“Malamang. Nakita mong nasa plato ko, ‘di ba?” sarkastikong wika niya. Mukhang hindi naman ito naaapektuhan ng pagpaparinig niya kaya hinayaan na lang niya ito.
Ang akala niya ay nakuntento na ito sa hinarbat nitong sandwich niya at mananahimik na ito. Pero hindi pa man nito iyon napapangalahati ay nagsasalita na naman ito.
“So, kamusta ka naman? Bakit maghapon yata kitang hindi nakita kahapon?” tanong nito.
Wala sana siyang planong sagutin ito. Kaya lang, may isang maliit na bahagi ng pagkatao niya ang nag-u-udyok sa kanyang kilalanin ang presensiya nito. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago muling humigop ng kape.
“May tinatapos akong nobela.”
“Ahh.” He took another bite from the sandwich. “Matagal ka na bang writer?”
“Oo. Mula nang maka-graduate ako.” Akmang kakagatan na naman nito ang sandwich nang hindi na siya makatiis. Hinablot niya iyon mula rito saka diretsong isinubo. “Ikaw? Matagal ka na bang tsismoso? Baka gusto mo ng magbagong-buhay. Hindi pa huli para simulan mo ngayon.”
She heard him chuckle. “Wala akong magagawa. Tsismoso ang buong pamilya ko.”
Sa halip na mag-komento ay napailing na lang siya. Mukhang wala talaga itong planong tigilan siya. Wala siyang planong patulan ang trip nito kaya minabuti na lang niyang hayaan ito sa kung anuman ang gusto nitong gawin.
Mabilis na inubos niya ang natitirang sandwich saka diretsong tinungga ang natitirang laman ng kanyang tasa bago tumuwid ng tayo.
“Saan ka pupunta?” tanong nito nang tingalain siya.
“Mangungubeta. Gusto mong sumama?” When he smiled at her, her heart seemed to have missed a beat. Napakunot-noo siya. Himaraya, sigurado ka bang gising ka na? “Umuwi ka na nga. Ang tanda mo na para mangapitbahay ka pa.” aniya bago ito tinalikuran.
Inaasahan na niyang tatawagin siya nito ngunit wala na siyang narinig. Nilayasan na ba siya nito?
Buwiset na iyon. ‘Pagkatapos mong kainin ang sandwich ko—
“Haya.”
Kamuntik na siyang bumangga sa haligi ng pinto kung hindi lang siya mabilis na napa-preno nang marinig ang tinig nito. Pilit niyang ginising ang inaagiw niyang utak bago ito nilingon.
“Bakit na naman?”
Ilang sandaling pinagmasdan lamang siya nito. Kamuntik na naman siyang mapanganga nang buong tamis siyang ngitian nito.
Itinuro nito ang sarili. “Hindi mo man lang ba itatanong uli kung anong pangalan ko? You seemed to have forgotten me. And so easily too.”
Was it just her or did he really sound… disappointed?
Hinamig niya ang sarili saka sinalubong ang tingin nito. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang gusto niyang lumakad pabalik sa puwesto niya kanina at makipag-palitan pa ng kung anu-ano lang dito.
Strange.
Hindi naman siya ang tipong madaling mag-warm-up sa mga bagong kakilala. Worse, sa mga panandaliang kakilala.
Sa naisip ay biglang bumalik ang kunot sa noo niya. Itinuro niya ang gate. “Go home, stranger.” Aniya bago ito tuluyang tinalikuran.
ISA-ISANG itsi-ne-check ni Haya sa isip niya ang mga ideyang gusto niyang i-present sa writer’s meeting niya nang umagang iyon. Nakagawa naman siya ng written draft pero mas gusto pa rin niyang flawless ang gagawin niyang pagpe-present, may kopya man o wala.
“USB, drafts, notebook, ballpen, celphone—okay.” Bubulong-bulong na ini-lock niya ang gate.
She flipped on her drafts then turned to leave. Impit siyang napatili nang sumalpok ang mukha niya sa kung anong matigas na bagay. Masyado siyang na-focus sa pagbabasa ng drafts niya kaya hindi na niya napansin na may nakaharang pala sa daraanan niya.
Bago pa siya makabawi, a pair of strong, sturdy arms caught her. Malakas na napasinghap siya nang maramdaman ang pagragasa ng rekognisyon sa buong katawan niya.
Mabilis na napa-angat siya ng tingin. “Hi.”
Saglit na huminto sa pagtibok ang puso niya nang salubungin siya ng pamilyar na mga matang iyon. Tumuwid siya ng tayo saka kinipkip sa dibdib niya ang mga drafts niya.
“Ang aga-aga pa para ma-disgrasya ka, Haya.” Nakangiting itinuro ni Wade ang mga hawak niyang drafts. “May lakad ka?”
Lihim na humugot siya ng hininga. “May writer’s meeting ako. Wala sa plano kong ma-late at ma-sermunan kaya tumabi ka na sa daraanan ko.”
“Ang sungit mo na naman. Teka, tamang-tama. Palabas ka ba ng village? Sabay na tayo. May pupuntahan din kasi ako ngayon.”
Sinipat niya ang kabuuan nito. He was wearing a white bullcap, red checkered polo, faded denims and a pair of rubber shoes. He looked like the typical boy-next-door type ready to go out for a date.
Hindi niya alam kung guni-guni lang niya nang makaramdam siya ng kaunting inis sa isiping iyon. Ikinunot niya ang noo.
“I saw you with a car when you first came here.” Aniya saka ito tinalikuran. “Bakit kaya hindi na lang iyon ang gamitin mo?”
“Sira eh.” Tipid na sagot nito nang sumunod sa kanya. “At saka, mahal na ang gasolina ngayon. Mas maganda na iyong nagtitipid.” Hindi niya pinansin ito. “Saan nga pala ang meeting mo?”
“Sa Quezon Ave.”
Lalong nalukot ang noo niya. Bakit ba niya sinasagot ang bawat tanong nito? No matter how hard she tried, she just couldn’t seem to… ignore him.
“’Uy, malapit lang pala sa pupuntahan ko. Sabay na lang tayo, ha?” masiglang wika nito.
Napakislot siya nang maramdaman ang pagdikit ng braso nito sa balat niya nang lumapit ito sa kanya. Parang napasong humakbang siya palayo.
“Mag-bu-bus lang ako.” Aniya nang masigurong may sapat nang distansiya sa pagitan nila.
“O, eh, magba-bus din naman ako.”
“Mainit sa bus.”
“May bintana naman.”
“Mausok.”
“Eh, ‘di, isasara ko ‘yung bintana.”
“Masikip.”
Napahinto siya sa paglalakad nang huminto ito. Ayaw man niya ay napilitan siyang lingunin ito. Napa-atras pa siya nang makitang matamang nakatingin ito sa kanya.
“B-bakit?” aniya.
“Are you trying to get rid of me?”
Sinalubong niya ang mga mata nito. Seryosung-seryoso ang mukha nito. He was so serious that she just couldn’t help but smile.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Maging siya ay natigilan. Mabilis na sinupil niya ang ngiti saka ito tinalikuran.
“Late na ako. Mauna na ako sa iyo.”
Hindi pa man siya nakaka-isang hakbang ay nakasunod na naman ito. Wala na ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Nakangiti na naman ito ngunit hindi na nagsalita pa hanggang sa makalabas sila ng village nila.
When their bus came, walang imik lang ding naupo ito sa tabi niya.
“Saan po sila?”
“Quezon Avenue.” Sabay na sagot nila.
Saglit na pumunit ng iba’t-ibang ticket ang kundoktor saka iyon ibinigay sa kanila. Bago pa man niya makuha ang para sa kanya ay na-abot na iyon ni Wade. Nang lingunin niya ito ay ngumiti lang ito.
“It’ll be bad for my image kapag hinayaan kitang magbayad.”
She rolled her eyes. “Men.”
Itinukod niya ang siko sa bintana saka nangalumbaba. Alam niyang hindi siya dapat maglalapit dito. Not that she was scared of him, but, there was just something about this guy that makes her defenses weak.
Hindi na uli ito nagsalita pa sa buong durasyon ng biyahe nila kaya hinayaan na lang niya ito. Kahit nang lumipat na siya sa jeep papuntang office ay nakasunod pa rin ito.
Tumanaw siya sa labas ng bintana. Natatanaw na niya ang Marukawa Publishings nang balingan niya ito. Tahimik lang itong nakaupo sa kanyang tabi habang nakahawak sa handrail ng jeep.
“’Wag mong sabihing malapit ka na ring bumaba?” Ngumiti lang ito saka marahang umiling. Nakahinga siya ng maluwang. “Mabuti naman.” Muli siyang tumanaw sa labas ng bintana. “’Ma, sa tabi lang ho.” Aniya.
Nang itabi ng driver ang jeep ay naghanda na siyang bumaba.
“Haya.”
Mahinang tawag nito sa kanya. Nang lingunin niya ito ay napasinghap siya. Bahagya siyang nakayuko dahil pababa na siya ng jeep kaya naman malapit na malapit ang mukha niya sa mukha nito.
He smiled.“Ingat.” Bulong nito sa kanyang tainga.
Tila wala sa sariling tumango siya saka tuluyang bumaba. Napasunod na lang ang tingin niya nang umandar palayo ang jeep na sinasakyan nito.
She really didn’t want a stranger like him in her life. Pero bakit hindi niya masupil ang ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi sa isiping wala naman talaga itong pupuntahan kundi inihatid lang siya nito?
Napailing-iling na lang siya.
BINABASA MO ANG
STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)
Roman d'amourMula nang itakwil si Haya ng pamilya niya ay nangako na siya sa sariling hinding-hindi na uli magpapapasok ng estranghero sa buhay niya. Ayaw na niyang maranasan uli ang sakit ng rejection mula sa kahit na sino. Pero nagbago ang lahat ng dumating sa...