CHAPTER 6

6.8K 145 1
                                    

NAG-ENJOY ka ba?”

Napahinto sa pag-i-inat si Haya nang marinig ang tinig ni Wade. Nakangiting nilingon niya ito nang tabihan siya nito sa gilid ng pool. Hinatak nito pataas sa tuhod nito ang suot nitong maong saka inilublob din sa tubig ang mga paa gaya niya.

“Obvious ba?” lumingon siya sa gawi ng bahay. “Nakapagpahinga na ba si Tito?” tanong niya.

Ilang oras ding nakipag-kuwentuhan sa kanya ang mag-asawa bago nagpaalam sa kanila ang mga ito. Kailangan na raw kasing magpahinga ni Tito Conrad dahil madalang na lang itong nakakapag-stay sa bahay kapag ganoong weekend.

Idinawdaw nito ang kamay sa tubig saka hinayaang dumaloy sa kamay ang tubig. “Maniwala ka namang nagpapahinga iyon. Manunood lang ‘yon ng boxing.”

Natawa siya. “Ang kulit ng parents mo.”

“Mana sa akin.”

“Oo nga.” Ikinampay-kampay niya ang mga paa. “Bakit mo ako dinala rito?” pagsasatinig niya ng tanong na kanina pa naglalaro sa isip niya.

Nagkibit-balikat ito. “Naisip ko lang na baka nami-miss mo na ang pamilya mo. You looked really sad when you talked about them the other night. Baka lang ‘kako ma-enjoy ka sa company ng makulit na pamilya ko.” Isinaboy nito ang tubig sa harap nila gamit ang paa nito. “Isa pa, maganda naman talaga ang garden ni Mama, ‘di ba?”

Kahit hindi siya nakatingin dito ay iniiwas niya ang tingin. She hated to admit it, pero, na-touch talaga siya sa sinabi nito. Lalung-lalo na sa ginawa nito. Ginaya niya ang ginagawa nito nang mag-iba ng tempo ang tibok ng puso niya.

“Nag-enjoy ako. Ang sarap kasing kausap ng parents mo.” Marahang natawa siya ng maalala ang magulong kuwentuhan nila kanina. “Pakiramdam ko kanina, mga barkada ko noong college ang kausap ko.”

“Dahil isip-bata sila?”

“Dahl totoo sila.” Lumitaw sa alaala niya ang masasayang araw niya noong kolehiyo pa siya. “You know, I used to have a lot of really good friends in college.” Aniya. “Kaya lang, noong nagsimula na akong mag-take ng law proper, nawalan na ako ng komunikasyon sa kanila.”

“Bakit naman?”

“Because my family said so.” Itinukod niya ang mga kamay sa gilid niya saka pinagmasdan ang kanyang mga paa na nakalubog sa tubig. “Nagi-guilty ako. Nagsinungaling ako sa parents mo.”

“You lied?”

Tumango siya. “Hindi naman talaga independency ang dahilan kung bakit ako napunta sa Evangelion.” She hesistated for a while. Dapat ba niyang sabihin dito ang nakaraan niya?

He shared with you his family. Tama lang na ipakita mo sa kanya kung ano at sino ka talaga.
“Itinakwil ako ng pamilya ko.” Panimula niya. “I used to be the straight-A student. Mula elementary hanggang high school, wala akong ibang inisip kundi ang ma-meet ang demands at expectations ng pamilya ko at ng mga tao sa paligid ko. You see, I came from a family of prominent lawyers. Mula sa lolo ko, lola, parents, Tito, Tita, pinsan, hanggang sa mga kapatid ko. Lahat sila, mga bigating abogado—here and abroad.

“I was perfectly fine with them mapping out my life for me. Until I went to college. Doon ako namulat sa reyalidad ng buhay. Na hindi kailangang sundin mo ang lahat ng idinidikta sa iyo. Na hindi dapat ipinauubaya sa ibang tao ang kapalaran mo. I realized that my life was for me to decide. That my future was mine to create.

“Nagsimula akong mag-rebelde. I went and joined the varsity. Noong una, subok lang. Pero nag-enjoy ako sa kalayaang ibinigay sa akin ng pagiging atleta. Nag-enjoy akong makasama ang mga miyembro niyon na hindi ako tinitingnan base sa taas ng grades ko o sa estado ng pamilya ko sa lipunan.” Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “I met real friends. Naranasan ko kung paanong mabuhay ng totoo.”

“When I graduated from college, wala pa akong ideya sa kung anong gusto ko. So, I went to law school. Habang nasa law school ako, nagpa-part-time aricle writer na ako sa isang local newspaper.

“One day, habang naghahanap ako ng research material sa bookstore, I came across a pocketbook. Catchy iyong title kaya binili. Nasa sasakyan pa lang ako, hindi ko na mabitiwan iyong book. Hanggang sa makarating ako sa apartment. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa isang araw, nagising na lang ako na sinusubukan ko ng magsulat ng kaparehong nobela. I got rejected a few times pero hindi ako sumuko.

“It was my first final exams nang tawagan ako ng publication at sabihing pumasa ang nobela ko. For the first time in my monotonous life, nakaramdam ako ng self-fulfillment. That was when I knew, pagsusulat ang talagang gusto ko. So, I dropped from law school, submitted my resume at the publication and then started writing the day away.”

“And then your parents knew.” Dugtong nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga bago marahang tumango. “Galit na galit si Mama nang sunduin nila ako sa apartment ko. Nagpadala pala ng sulat ang law school sa bahay tungkol sa pag-drop-out ko. My mom was furious. Pinutol niya ang lahat ng accounts ko. Pati computer at allowance ko, itinigil niya.

“Doon ako nag-rebelde ng husto. I would always piss them off sa tuwing may gathering sila ng mga associates nila sa bahay. I would always act the rebel child. Nagalit pati mga kapatid ko dahil napapahiya daw sila. Then, one time, when I decided to announce to everyone that I wanted to be a writer—a romance writer—pinagtawanan ako ng lahat.”

Nagtagis ang mga bagang niya. “Sinabi ko sa Mama ko na magsusulat ako sa ayaw at sa gusto niya. Itakwil man niya ako, susundin ko ang gusto ko.” She let out a grim laugh. “I can still remember the horror written on her face. Takot na takot siya sa sasabihin ng mga tao sa kanya kapag nalaman ng mga iyong isang hamak na writer lang ng pocketbooks ang isa sa mga anak niya. So, she decided to throw me out of the house. Binili niya iyong bahay sa Evangelion and told me never to use their name again.”

“Haya…”

“It was fine with me, really. Namuhay ako ng mag-isa. Nakuha ko ang kalayaang gusto ko. Naabot ko ang pangarap ko.” Hindi siya nag-iwas ng mukha nang maramdaman ang pagdampi ng isang daliri nito sa ilalim ng kanang mata niya. “Gusto ko lang namang magkaroon ng sariling buhay at pangarap. Hindi ko naman ginustong maiwang mag-isa.”

“Shhh. Please don’t cry, Haya. Anything but that.”

Marahas na pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Asar ka. Hindi ako umiiyak! Tubig ‘to!” sumalok siya ng tubig sa pool saka iyon inihilamos sa mukha niya. “Tubig ‘to, okay?”

“Okay.” Maingat na pinigilan nito ang mga kamay niya nang akmang sasalok uli siya ng tubig. “Tama na. Baka humapdi na ang mga mata mo.”

The gentleness in his voice made her defenses crumble. Hindi na siya nag-abala pang itaas muli iyon. Suminghot siya saka piniga ang ilong niya. “I miss them, Wade. So much.”

Nakita niya nang mapatuwid ang likod nito. Saglit na natigilan ito bago masuyong pinahid ang tubig at luhang umaagos sa mukha niya. “They miss you, too, Haya. I’m sure of that. Kailangan mo lang subukang gumawa ng hakbang para maiparating iyon sa kanila. Kailangan mo lang subukan uling ipaunawa sa kanila na may sarili kang pangarap para sa sarili mo.”

Mabigat ang dibdib na umiling siya. “Hindi nila maiintindihan iyon. Mas mahalaga sa kanila ang sasabihin ng ibang tao at ang magiging tingin ng lipunan sa akin.”

“Bakit, ano bang tingin ng lipunan sa iyo?”

“That I am not good enough to be in their circle.”

“If you’re not good enough, then who is?” hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. “Look, Haya. Hindi naman nasusukat ang halaga ng isang tao sa uri ng trabaho niya o sa laki ng kinikita niya.”

“Really?” sarkastikong ngumiti siya. “Eh, bakit ako naririto kung gano’n sa halip na nadoon ako sa Tarlac at kapiling ang pamilya ko?”

Ipinatong nito ang isang kamay sa ulo niya at pinaharap siya. Hinuli nito ang mga mata niya. “Minsan, may mga bagay na hindi agad nakukuha sa isa o dalawang paliwanag lang. Minsan, kailangan mo ring mag-exert ng tripleng effort para maintindihan ka ng mga taong mahalaga sa iyo.”

Bumuntong-hininga ito. “I don’t really know if I could give you a satisfying explanation kung bakit iyon nagawa ng Mama mo. Siguro, dahil nag-a-alala lang din siya sa iyo. O baka dahil gusto niyang mas mapabuti ang buhay mo. Point is, you have to talk to her face-to-face. Wala namang masama kung susubukan mo ‘di ba?”

“I’m scared.” Pag-amin niya.
“Of course you are. Tao ka. Natural lang na matakot kang harapin ang mga bagay na nakasakit sa iyo ng husto.” He gently ran a finger on her cheek. “Pero hindi iyon dahilan para takbuhan mo na ang nakaraan mo. You have to face your ghost in order for you to exorcise them.”

“Bakit pa? Nandiyan naman ang Ghost Busters.”

He chuckled. “Cute. Very cute, Himaraya.” Saglit na pinagmasdan siya nito bago masuyong sinapo ang magkabilang pisngi niya. “Nabigla lang siguro ang mama mo kaya niya nagawa iyon. Lahat naman ng ginagawa ng mga tao, may dahilan. You just have to know your mother’s.”

Hindi niya alam kung dahil sa malamyos nitong tinig o sa sinseridad na nakikita niya sa mga mata nito kaya gumaan ang pakiramdam niya. Somehow, at the back of her mind, naiintindihan niya ang mga sinasabi nito. Writer siya. Bakit nga ba hindi niya naisip ang mga bagay na iyon noon samantalang siya itong mahilig magyabang na malawak ang kaalaman ng mga manunulat na gaya niya?

Hindi sa wala siyang magawa. Wala lang talaga siyang ginawa para ipaunawa sa mga itong may mga sariling pangarap siya sa buhay. Mas pinili pa niyang mag-rebelde at magpaka-pasaway sa halip na patunayan sa mga itong tama siya sa pinili niyang landas.

Napakagat-labi siya. Heto sa harap niya ang lalaking pilit niyang inire-regard sa buhay niya bilang isang estranghero pero siya ring kauna-unahang taong nagpaunawa sa kanya ng mga bagay-bagay na ayaw niyang aminin noon sa sarili niya.

Marahang hinawakan niya ang mga kamay nitong nakasapo sa pisngi niya. “Maybe you’re right. Masyado akong nabulag ng hinanakit ko noon. I was a brat. Naging makasarili ako at iyong gusto ko lang ang inisip ko.”

“Kakausapin mo na sila?” hopeful na tanong nito.

Alanganing nagkibit-balikat siya. “Siguro. Kapag nakapag-ipon na ako ng sapat na lakas ng loob.”

“Good enough.” He whispered huskily.

Napalunok siya. Natutuyo na ang tubig at luha sa mga kamay nila. Ramdam na ramdam ng balat niya ang init na nagmumula sa mga palad nito. She suddenly became aware oh him and his touch.

Hindi siya ignorante para hindi malaman kung saan hahantong ang paglalapit nilang iyon. She just opened herself to him and he was more than willing to take her.

Napapasinghap siya sa tuwing hahaplos ang hinlalaki nito sa pisngi niya. When his nose gently brushed against hers, parang nawalan ng lakas ang mga kamay niya. Kusang napabitaw iyon sa mga kamay nitong nakasapo pa rin sa pisngi niya.

“You’re one unpredictable girl, Haya. You just don’t know how much you make me feel.” Without another word, he claimed her mouth in a hot, passionate kiss.

He was teasing at first. Na para bang nanghihingi ito ng permiso sa kanyng ituloy ang ginagawa nito. Her mind told her to push him away and pretend that nothing happened, but her heart said otherwise. For her right now, he was reality. A reality she had been running away from for so long.

Not anymore.

Tuluyan ng nalunod ang protesta ng isip niya nang simulan niyang gantihan ang bawat haplos ng mga labi nito sa mga labi niya. She answered him, stroke by stroke. A deep, low groan escaped from his mouth to hers when she slowly opened her mouth.

It was like an open invitation for him. Bumaba ang isang kamay nito sa baywang niya at mahigpit na hinapit siya palapit sa katawan nito. Kusa nang umakyat ang mga kamay niya sa batok nito. He guided her head with his other hand and angled her to let him probe deeper into the sweetness of her mouth.
Nawala ang anumang inhibisyon niya nang maramdaman ang mainit at matigas na dibdib nito. His male hardness was making her feel every inch a woman. Pakiramdam niya ay pwedeng-pwede siyang maging heroine sa mga nobela niya basta ito ang magiging hero niya.

Napasinghap siya nang hawakan siya nito sa baywang at maingat na ini-angat siya mula sa pagkakaupo. Alam niya kung ano ang nais nitong gawin kaya siya na mismo ang nag-angat sa sarili niya palipat sa kandungan nito. They were both panting ang groaning kaya hindi niya napansing nasa dulo nga pala sila ng pool. Nang subukan niyang itukod ang isang kamay upang kumuha ng suporta ay diretsong dumulas siya.

Huli na nang ma-realize nito ang nangyari. Natangay na niya ito at sabay silang bumagsak sa pool. Hindi siya binitiwan nito.

They bursted out laughing when they both went afloat. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya. She had never felt this happy in a very long time. Sumuko na nga siya sa pag-i-isip na magiging masaya pa uli siya.

But here she was, laughing her heart out with the stranger she thought would be nothing more than what he was in her life—a stranger.

Tumatawa pa rin siya nang maramdaman niya ang marahang pagyakap nito sa baywang niya. “Don’t ever lose that smile, Haya. Tandaan mo, nandito lang ako para sa iyo.”

Kasabay ng muling pag-angkin nito sa mga labi niya ay ang pagtalon ng puso niya. Hindi niya mapaglabanan ang puso niya. Maybe, she could just go with her heart for a while.

Just for a while…

STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon