WARNING: It contains violence, sexual, horror and theme that's not suitable for young readers!
★★★
"PHART, what the fuck did you do this time?!" Galit na usisa ni Cerjia kay Praxedes nang mabungaran siya nito sa lumang mansyon. Ang tambayan nilang dalawa na tanging sila lamang ang nakakaalam dahil nasa tuktok ito ng bundok at napapaligiran ng matatayog na mga puno, in short, medyo malayo sa kabihasnan. Isa iyong abandonadong mansiyon na halos tanaw ang buong siyudad, nadiskubre nila ang lugar na iyon nang minsang maglayas siya sa kanila.
No'ng una ay natakot siya nang mapadpad siya roon dahil akala niya ay pinamumugaran ito ng mga NPA o persons with No Permanent Address, tsaka musmos pa siya ng mga panahong 'yon, pero nagkamali siya ng inakala kaya naman nang maglaon ay ginawa nila iyong tambayan.
Phart ang tawagan nilang magbest friend mula no'ng maliliit pa lamang sila hanggang sa kinalakihan na lang nila iyon.
Napailing siya sa tinuran nito.
Ang lakas talaga ng radar nitong bruha. Bulong niya sa sarili.
Nilingon niya si Cerjia na may tipid na mga ngiti sa kanyang mga labi saka nagkibit-balikat pagkatapos niyang pitikin ang upos na filter ng sigarilyong katatapos niya pa lamang hithitin.
Nagsimula siyang manigarilyo at uminom no'ng onse anyos pa lamang siya, nasa first year highschool siya no'n. At ngayong katorse anyos na siya ay gawain niya parin 'yon, pero paminsan-minsan na nga lang.
Mukhang hindi ito kumbinsido sa tinuran niya. Sabagay, hindi naman kasi siya magaling umarte at magpanggap. This is me. The real me. Always true to myself.
Simula pagkabata ay magkasama na sila at magkasangga sa lahat ng bagay. Kaya siguro nagtatamporurot dahil hindi niya ito isinama kanina sa lakad niya.
"Mamatay man?" Tanong ni Cerjia na nakataas ang isang kilay. Siguradong-sigurado talaga ito na may ginawa siyang kababalaghan kaya gano'n na lamang siya nito usisain.
"Okay, you win. Just the normal times." Walang gana na sagot ni Prax.
Tinapunan siya nito ng masamang tingin. "You mean some crazy shits." Kapagkuwan ay biglang sumeryoso ang anyo.
"And what did you do?" She asked while glaring at her.Alam niyang nag-aalala sa kanya si Cerjia dahil alam nitong madadagdagan na naman ang kaaway niya sa kanyang ginawang kalokohan. Knowing her best friend, she's always pain in the ass. Yet, the most caring and loving one.
"Hindi ka ba napapagod sa kakataas ng isang kilay mo? Ibaba mo. Naaasiwa ako." Paglilihis ni Prax sa usapan. Ayaw niya na kasing pag-usapan pa sana ang nangyari.
"Don't change the topic." May diin nitong sita.
She let out a deep sigh. "Inakyat ko siya sa kani—" Naputol ang pagsagot niya nang sumabat agad si Cerjia.
"Oh my gosh! Phart, ginapang mo siya? Kelan ka pa natutong gawin—" Ito naman ang hindi niya pinatapos sa pagsasalita.
Itinakip niya sa bibig nito ang kanang kamay niya. Hudyat na pinapatahimik niya ito at patapusin mo na siyang magsalita.
"Here me out first. Hindi ko siya ginapang. Ang OA lang!? As I was saying, inakyat ko siya. Hindi ako nahirapan dahil may balcony ang kwarto niya at saka nasa may likod din ng bahay nila nakapwesto ang balcony ng kwarto niya kaya walang nakakita sa akin kung 'yon ang pinoproblema mo." Wika niya na parang isang maliit na bagay lamang ang kanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Gangsta's: My Other Half
Teen FictionThis story is a matured content. Thats only means it contains violence, crimes, unlawful actions and words.