VI

7 1 0
                                    

NAGLALAKAD kami ni Gav patungo sa Science building. Halos magkasabay ang mga paa namin sa paghakbang. Thirteen inches ang space sa pagitan namin habang nakatingin ng deretso sa aming nilalakaran tapos sobrang tahimik pa namin. Mas tahimik pa sa simbahan na walang misa. Tsk, boring!



Gulat niya akong tinapunan ng tingin.
"W--What are you doing?"  Nauutal niyang tanong nang ginanap ko ang kanyang palad saka ko in- intertwine ang mga kamay namin.



Pasalamat ka dyosa ang syota mo, kaya wag ka ng choosy. Ako na nga itong nagpi- first move e.



"Ang sweet ko no? Don't worry my dearest nasa mabuti kang mga kamay. Tsaka hindi kita kakainin ng buo. Hihi. Joke lang masyado ka kasing seryoso e. Smile naman diyan." Binigay ko sa kanya ang aking pamatay na mga ngite na minsan ko lang maipagkaloob. Pasalamat ka type kita. Saka espesyal ka sakin.



Nahagip ng aking mapang akit at mapupungay na mga mata ang nagkulay kamatis niyang mukha na umabot sa kanyang magkabilang tainga bago siya nagbaba ng tingin. Sus! Ang boyfriend kong astig, kinikilig!  Hindi ko lubos maisip na pati rin pala ang mga lalaki ay nagbu- blush at kinikilig.



Ma-trip-an nga muna ang aking dearest. Kung kanina nag- blush siya at kinilig, ano naman kaya ang mangyayari sa kanya kapag kinantahan ko siya. There's only one way to find out!



"Ehem.. Ehem." Linunok ko muna lahat ng saliva at plema na nakabara sa bibig ko bago ko umpisahan ang mangharana para maganda ang kalalabasan. Syempre, joke lang. Mabango kaya  ang hininga ko, promise! Four times a day ako nagto- toothbrush, two times a day ako gumagamit ng mouthwash saka once a week akong gumagamit ng bactidol. Ngayon palang kasi ay pinaghahandahan ko na ang aming kissing scene. Ayiieehhh.



Sinulyapan ko ulit siya. Tahimik parin pero nabawasan na ang pamumula ng mukha at tainga niya.



Head voice.



F5.



Whistle note.



Chest voice.



Ngayon ay magagamit ko lahat ng technique ko sa pagkanta for my dearest. Tingnan ko lang kung hindi manlambot yang mga tuhod at mga buto mo kapag narinig mo akong bumirit. Excited na akong makita ang magiging reaction niya. Kaya gagalingan ko sa panghaharana sa kanya para kapag dumating na yung time na feeling niya ay gusto niya nang sumuko at i- give up ang relationship namin, alam ko, nararamdaman ko na bigla niyang maaalala itong moment na ito as one of his happiest moment with me. In that way, sa halip na sumuko at bumitaw siya sa  kamay ko ay kabaliktaran ang mangyayari. Mas lalo niya pang hihigpitan ang kapit niya sa akin kasi mare- realize niyang nag iisa lang ako sa mundo. Yieehhh. Parehas na kaming kinikilig.



"Geuriwo geuriwoseo geudaega geuriwoseo....
Maeil nan honjaseoman geudaeruel bureugo bulleobwayo----" Pag awit ko sa kanya ng buong puso. Mas hinigpitan ko pa ng konti ang pagkakahawak ko sa kamay niya para makuha niya ang ibig kong sabihin.



Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinusulit ang bawat oras na kasama ko siya. Walang tigil parin sa paghakbang ang mga paa namin ng---



Mabilis kong iminulat ang mga mata ko.
"Fuck! What the hell?!" Inis kong sigaw ng tumama ang noo at ilong ko sa poste.



What? Poste? As in poste ng kuryente? Masama kong tinapunan ng tingin ang nasa tabi ko.



"Sorry. Hindi ko rin napansin ang poste na yan. I swear. Sayo kasi ako nakatingin. Ano ba ang ibig sabihin ng mga sinabi mo kanina? Nakakabilib ka talaga. Marunong ka pala ng ibang lenggwahe." Masuyo niyang saad sa akin saka marahang hinaplos ang noo at ilong ko.



Bwisit. Wrong choice of song ata ako. Tama nga naman, kung pipili dapat ako ng kanta dapat talaga ay yung maiintindihan niya. Bakit kasi ang lakas ng hatak sa akin ng korean love songs. Favorite song ko kasi 'yon. Yun kasi ang theme song ng dati kong paborito na palabas na heartstrings.



Panandalian lang ako naiinis. Natabunan na 'yon ng haplusin ni Gav ang noo at ilong ko. "Masakit ba? Mabuti nalang at hindi nagasgas. Pero medyo namumula, halika lagyan natin ng icepack para mabawasan ang sakit."



Hinawakan niya ako saka iginiya paupo sa isang bench na malapit sa Science Park. Mga sampung lakad nalang at Science building na. Baka mahuli pa kami sa klase. "Stay here. Punta lang ako ng Cafeteria." Ginulo ang buhok ko bago siya ngumiti at umalis.



Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ng hampas-lupang si Vaughn. Joke lang! Best friend mo kaya 'tong gagong 'to.



"ARAY!" Malakas akong napa-daing nang pisilin niya ang ilong ko. Gago talaga!



"Masakit ba? Napano ba kasi 'yan, babe?" Kuryuso niyang tanong. Minsan may pagka-tsismoso talaga 'tong taong 'to. Sasabihin ko ba?



Nagdadalawang-isip ako kung aaminin ko ba talaga sa kanya ang nangyari o hindi. Baka kasi pagtawanan niya lang ako e, or worst, masabihan pang tango. May pagka-abnoy pa naman ang isang 'to.



Inikutan ko siya ng aking mga mapupungay at mapang-akit na mga matang walang make-ups. Tulad ng eye shadow, eye liner, eye brows, at mascara. Gusto ko kasi ay 'yong natural at 100 percent na purong ganda. Bago ko siya sinagot.



"Well, kahit maganda ako at sobrang ganda lalo namang pinakamaganda sa lahat ay hindi ako perpekto. Nagkakamali rin minsan. Kasi nga maganda ako, magandang-maganda. Gets mo?" Maarte kong bulalas.



Kinunutan niya ako ng kanyang noo na tila naguguluhan. Ano bang magulo sa sinabi ko? Can someone please tell me?! Charoot lang!



"Ano ngang nangyari? Hindi naman no'n nasagot ang tanong ko kung saan mo nakuha 'yan." Hay, ang kulit naman ng isang 'to. Hindi pa ba obvious na ayaw kung pag-usapan?



At dahil malakas ang pang-radar ko, alam kong hindi ako tatantanan ng isang 'to. Bumuntong-hininga ako. Itinungo ko ang aking ulo bago sumagot. "Tumama sa poste." Mahina kong usal.



Hindi nga ako nagkamali. Bumunghalit ito ng tawa. 'Yong tipong parang wala ng bukas? 'Yong wala siyang pakialam kung kabagin man siya?



Padabog ko siyang tinalikuran. Bahala ka nga diyan. Pero bago paman ako maka-kilos ay napigilan niya na ako.



At nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan.



What the fuck just happened?!









A/N:

Yow!

Please vote, comment and share 🤩 keep safe 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Gangsta's: My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon