III

30 13 0
                                    

"SUN SHINES, rain falls it all comes naturally just like loving you." Basa niya sa letter na nakuha niyang nakaipit sa kanyang locker.

Galing na naman kay Gavriel. Samantalang siya, hindi pa nakakapag-umpisang magsulat ng LL(Love Letter) for him.

Bwesit kasi 'yong Kenyth na yun. Nangonsensya pa. Tsk.

Inipit niya nalang ang natanggap niyang LL sa isa sa kanyang mga notebooks na naka-lagay sa bag.

Naglakad na siya patungo sa kanyang first subject para sa umagang iyon.

Pagpasok niya palang ng classroom ay kaagad na nahagip ng kanyang mga mapang-akit na mga mata ang bago niyang syota na nakikipaglandian sa isa sa mga classmates niya na si Rojuana.

Wow! Ang aga aga kumekering-keng agad. Hmp.

"Sama natin makatingin ngayon a. Kayo na ba?" Sikmat ni Vaughn na ikinalingon niya saka nagbigay ng isang nakamamatay na tingin.

"Woah. Chill babe, hindi ako ang karibal mo. Bakuran mo kasi para wala ng may magtangkang lumapit pa." Pangungumbinsi nito.

"Wow. Expert? May gf ka? Feeling mo naman ang galing sa love. Hmp. Don't me. Ba't ba nandito ang lalaking 'yan?" Pagtataray niya. Ano ba yan, ang aga naman masira ng mode kong pagkaganda ganda. Tsk.

"Por que walang gf hindi na pwedeng magbigay ng advice? Ikaw rin. Baka maagawan ka pa." Nilingon din nito ang pwesto ni Gavriel. "Nagpareschedule ng mga minors 'yang mahal mo at dito naisipan." Gano'n? Para ano? Makipaglandiaan? Ba't ba kasi ang daming magaganda dito sa school at lalu na sa block namin.

"O, e di' mag-paagaw siya kung gusto niya. Hindi ko naman kayang kontrolin 'yang kalandian niya. You know me better. Hindi ko ugaling manakop at magpasakop kanino man." Giit niya dito. Nagkibit ng mga balikat lang ito sa kanya.

Ang sarap ng buhay ni gago, kasasagot ko pa lang sa kanya kahapon. Ngayon, iba na ang kalandian niya. Tsk. Kala niya affected ako? Don't me!

Mabilis na lumipas ang mga oras. Hindi niya na namalayang last subject na para sa umagang iyon.
Walang lingon niyang nilisan ang classroom.

"Babe, wait up." Sigaw ni Vaughn. Hindi niya ito nilingon at pinansin, nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa music room.

Tatlong oras pa bago mag- umpisa ang klase niya. Dito na muna siya magpapalipas kahit hanggang dal'wang oras lang. Pagkatapos ay maglulunch na siya.

Kinuha niya ang isang gitara na nakalagay sa may isa sa mga estante na naroon at nagsimulang mag-strum saka kumanta.

Here we are, in the best years of our lives

With no way of knowing

When the wheel stops spinning

Cause we don't know where we're going, and

Here we are, on the best day of our lives

And it's ago

Let's make it last

And cheers you all to that

Cause this moments never coming back...

Hindi niya na namalayan ang mga luhang mabilis na naglandas sa kanyang mukha.

Hanggang ngayon pala ay nasasaktan parin siya. Buong akala ko nakalimutan ko na siya, narito pa pala siya. Narito sa puso ko.

 Gangsta's: My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon