KASALUKUYAN akong nagbabasa ng pocketbook. Nasa pandalawahang mesa ako nakaupo dito sa cafeteria. Huminto ako sa ginagawa nang matanaw ko ang papalapit na si Gav dala ang isang tray na puno ng mga pagkain. Kapagkuwan ay isinilid ko ang binabasa sa aking shoulder bag. Saka siya sinalubong ng may malawak na mga ngite sa aking mga labi.
"Ganito ka ba talaga kumain?" Tanong niya habang inililipat niya ang mga pagkain mula sa tray na hawak niya.
Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? May problema ba?" Matu- turn off ka na ba niyan sa akin?
Nang matapos niyang mailipat ang mga pagkain sa mesa ay umupo siya sa harap ko. Inilapit niya sa akin ang mga pagkaing ni- request ko sa kanya. "Wala naman. Nakapagtataka lang na kaya mo palang umubos ng ganyang karaming pagkain but look at you, you're sexy and physically fit." Kababakasan ng paghanga ang mga mata niyang matiim na nakatunghay sa akin. Physically fit talaga ako. Pero, sexy? Siguro dahil sa cup E kong mga dibdib. Mas lalu tuloy masagwa tingnan kasi payat ako. Mas na- emphasize pa lalu sila dengdeng at genggeng. Idagdag pang palagi ako naka breast out, stomach in and body straight position.
Inilihis ko ang paningin ko sa mga pagkaing nakalahad sa akin. Pork barbeque, lasagna, fried chicken with rice, spaghetti, leche flan, salad.... Teka, ba't parang kulang?
"Ba't walang ube jam? Saka wala rin akong drinks." Naka pout kong saad. Libre raw kasi niya kaya sinamantala ko na.
Nag angat siya ng mukha pagkakuwa'y napapakamot sa ulo niya bago nagbigay ng ngiting alanganin. "Nakalimutan ko sa may counter. Teka lang, kukunin ko."
Akma na siyang tatayo ngunit agad ko siyang pinigilan. Masyado nang nakakahiya sa kanya 'to.
"Just stay here. Ako nalang ang kukuha." Isang tango lang ang itinugon niya.
Kinuha ko ang aking ube jam saka nag order ng isang in can soft drinks para sa aming dalawa. Naglakad ako pabalik sa table namin ni Gav nang harangin ako ng isang babaeng halos patayin ako sa sama ng tingin. Matayog ang pagkakataas ng isang kilay niya, naka crossed arms sa ibabaw ng dibdib ang mga kamay niya at nanlilisik ang mga matang nakatuon sa akin.
"MAY KATOTOHANAN BA ANG BALITANG KUMAKALAT NA MAY SYOTA KA NA?! How could you?! Two weeks palang kita na nakakasama after two years tapos magdadagdag ka pa ng kaagaw ko sa atensiyon mo? Hindi pa ba sapat ang ate mo? Si Vaughn at ako?" Litanya sa akin ng mahal kong kaibigan na halos umusok na ang ilong sa galit.
Ayun! Lumabas din ang totoo. Nagseselos lang pala siya sa taong parte na ngayon ng buhay ko. Tsk.
Hindi ko siya pinansan. Walang imik akong lumapit sa table namin ni Gav saka inilagay sa table ang mga hawak ko kapagkuwan ay binalikan ang kaibigan kong nagtatampururot. Naguguluhang hinabol ako ng tingin ni Gav.
Hinawakan ko ang natutulalang si Natasha sa kanyang isang kamay at hinila papalapit kay Gav. Hinarap ko ulit si Gav habang hawak sa isang kamay ko ang naguguluhan paring si Natasha.
"My dearest, meet my best friend, Natasha. You can call her Tasya, ang pantasya raw ng bayan."
Kapagkuwan ay ang kaibigan ko naman ang hinarap ko.
"Phart, meet my beloved, Gavriel. The love of my life at ang nag iisang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Happy now?!"
Nag shake hands silang dalawa saka nagpalitan ng salitang, nice to meet you. Gayon nalang ang gulat ko nang magpapansin na naman si Natasha.
"Ahm. Gav, pwede ko bang makausap ng private itong kaibigan ko. Importante lang. If you'll excuse us."
"Sure. No problem."
"Thanks. Sa labas lang kami don't worry it will not take that long." Agad akong hinablot ni Natasha saka kinaladkad palabas.
"TELL ME honestly, do you really love that guy? Huh?" She hissed at me.
"Well, I like him. I know we'll get there. Bakit ba?" Ano ba yan! Lahat na siguro ng ka- OA- han sa mundo ay nasalo nitong kaibigan kong pinagpala sa lahat.
"Oh! Is that so?" She said sarcastically. "Just make sure na hindi ikaw ang iiyak sa bandang huli kung ayaw mong mapabilang sa narco list ng ating pangulo at lubusang hindi na makakuha ng prangkisa ang paborito mong network."
Sandali akong hindi nakaimik. "Hmm? Anong connect?" Nagtataka kong tanong.
"Well, what I am trying to say is that... I don't want to see you cried again. Baka bigla ka na naman mawala. Pagbroken hearted, broken hearted lang. Walang layasan at takbohan."
Hindi ko masisisi ang nagtatampo kong kaibigan na mukhang hanggang ngayon ay hindi parin matanggap tanggap ang paglisan ko sa kanya. Na tanging text message lamang ang natanggap na pamamaalam mula sa akin. It hurts knowing that my bestfriend was also hurting.
"Don't worry it won't happen again. And besides I love my best friend too much para saktan ko lang. Hindi na kita ulit iiwan pa kahit kailan. You know what? I miss you so much Phart, kahit ilang linggo na kitang nakakasama. I felt like twenty for seven is not enough to be able to feels like your here with me. I just couldn't believe that you waited for me. I'm sorry for leaving you Phart."
Bigla niya akong yinakap na sinuklian ko din naman ng mahigpit na yakap. Hay, kahit minalas ako sa ibang bagay thankful parin ako dahil may mga taong totoo na nagmamahal sa akin. I don't know what will happen to me without them.
"Sus, tama na nga ang drama. Mabuti pa bumalik kana sa syota mo. Tawagan mo nalang ako mamaya kapag free ka na. Marami akong ichichika sayo."
"Huh? Di ka parin ba tapos sa mga chika mong yan? One week mo na akong kinekwentuhan. Ano na naman bang bago?" Alanganin kong tanong.
"Bakit? Nagrereklamo ka ba? Ah, basta, whether you like it or you like it. Wala kang choice kundi ang makinig sa mga sasabihin ko sayo mamaya. Sige na. Bumalik kana dun. Tsupe!" Pagtataboy niya sa akin.
Napailing ako habang sinusundan ng tingin ang naglalakad paalis na kaibigan ko. Sinadya pa niyang ikembot ang beywang. Tsk.
A/N:
Vote if you like it 👍
Comment if you love it 💜Thanks 😘
BINABASA MO ANG
Gangsta's: My Other Half
Подростковая литератураThis story is a matured content. Thats only means it contains violence, crimes, unlawful actions and words.