I

45 16 14
                                    

A/N: If this is NOT YOUR CUP OF COFFEE, please leave my story SILENTLY! Gracias 😉


Two Years Later


"YOUR love is all I need to feel complete." Paulit-ulit na basa ni Prax sa papel na hawak niya. Isa iyong kapiraso ng papel na sinulatan at parang pinunit lang sa notebook. Iniabot iyon sa kanya kanina ng classmate niya habang nagkaklase sila sa Differential Calculus. Ang pinaka-mahirap at bangungot na subject para sa kanya.


Ipinaaabot daw ni Gavriel. Isa sa mga crush niya sa school nila. Hindi man ito kasali sa campus sweethearts and heartthrobs, pasok naman ito sa panlasa niya.


Gwapo. Matangkad. Kayumanggi, mas attracted kasi siya sa mga tan ang kulay kesa sa mapuputi. Lalaking-lalaki kasi ang dating' nila isama mo pa ang gwapong mukha at nakakatakam na katawan. Mathematician, science wizard at mahilig sa sports, specifically—volleyball and table tennis. Ito rin ang pambato ng school nila sa mga larangang iyon.


Kung 'yong iba ay merong Mr. TDH, siya naman ay merong TDDH. Tall, Dark, and Devilishly Handsome crush.


Gusto niya na sanang kiligin pero di niya magawa. Pa'no ba naman kasi, si Krisha na classmate niya naman talaga 'yong crush nito pero siya ang binibigyan ng mga love quotes. Parang tanga lang!


Humahanga siya sa taong humahanga sa classmate niya na humahanga rin sa taong humahanga naman sa kanya.
Ang gulo nila. Choz!


Wala siyang nagawa kundi ang ipitin niya nalang sa isang book niya ang letter na bigay nito.


"Prax, sa'n punta mo?" Sigaw ni Vaughn. Partners-in-crime niya.


Ka-close niyang lalaki pero hindi ito ang bestfriend niyang guy.

Nilingon niya ito na may mataray na mukha.
"Hijo de puta naman Vaughn. Anyare sayo? Diba next sub. na natin?" Inis niyang sagot dito saka tinaasan ng isang kilay.


"Sorry. Nakaka-blangko kasi ng diwa 'yang kagandahan mo e. Itago mo nga." Nagawa pang magbiro. Inagaw rin nito ang hawak niyang bag, hand bag kasi.

"Gago, give me back my bag. Siraulo ka talaga." Giit niya. Pilit na inaagaw dito ang kanyang hand bag.


Last week of school na ngayon. Graduation na nila next week. Kaya naman sinusulit niya na ang nalalabi niyang mga oras dito sa Vernidiax's College.


Vernidiax's College is a prestigious, private school at higit sa lahat ay sobra kung makayaman.
Actually, 'di niya afford ang mag- aral dito. Boss niya ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan niya dito. Bukod doon ay may sweldo rin siya na siyang ipinangtutustos niya sa iba niya pang pangangailangan.


No'ng nalaman niyang niloloko lang pala siya ng hayop niyang ex-boyfriend ay kaagad niyang tinanggap ang alok sa kanya ng boss niya na dito na magpatuloy ng pag-aaral. Malayo sa ex niya at higit sa lahat ay malayo sa Mama niya.


"Natatakot ka bang makita tayo ng syota mo? O ng crush mong si Gavriel? O ni Hanssel na gustong gusto mo? Sino sa kanila?" Tumatawang tanong nito habang iniiwas na maagaw niya ang bag. Palibhasa kapre kaya matangkad.


Oo may bf siya. Pero hindi ito dito nag-aaral sa Vernidiax's College dahil nasa ibang school ito, fourth year highschool din gaya niya.


Si Gavriel naman ang ultimate crush niya. First time niya itong nakita noong nagpaenroll siya at di na napigilan ng kanyang puso na humanga para sa binatilyo.


 Gangsta's: My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon