"KAILAN KA BA talaga titigil sa pakikipag- away huh Jafra? Tingnan mo yang katawan mo. Palipat- lipat lang iyang mga pasa mo. Dati sa braso lang, mga galos sa binti at namumulang mga pisngi. Ngayon pati sa mukha mo ay may mga pasa ka na rin. Hindi pa nga gumagaling ang iba mong mga pasa sa katawan meron na namang bago." Litanya sa akin ng kapatid ko.
"Ok lang ako. Mas napuruhan ko naman ang mga kalaban ko. Sinigurado kong hindi na ako babanggain pa ng grupong KKKK diyan sa kanto." Balewalang saad ko dito.
Ang grupong KKKK ay mas kilala sa tawag na Kamanyakan at Karahasan ng Kapatirang Kriminal ay binuo ng mga tambay sa kanto.
Sila ang may kagagawan ng mga paggahasa, pagnanakaw at pagpatay sa aming lugar ngunit walang may naglakas loob na magsumbong at isuplong ang mga ito sa kapulisan dahil sa takot na resbakan. Mga halang din ang bituka ng mga ito.
Hindi rin nagdadalawang isip ang mga ito na kumitil ng buhay. Gayunpaman sanay na silang maglabas masok sa kulungan.
Binubuo sila ng mahigit kumulang na tatlumpo katao na may edad, kinse anyos at hindi lalagpas ng trenta.
"Ano mag- aalsa balutan na naman ba ako? For Pete's sake! Eh, hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa silyang ito. Gulo na kagad ang hatid mo. Tsk. Tsk." Anito.
"Don't worry. No one will ever harm you. I assure you that. Magpahinga ka na. Susunod na lang ako." Sagot ko sa paraang pinapagaan ang loob nito.
Tinanguan lang ako ng aking kapatid bago nag- umpisang ihakbang ang mga paa paakyat ng hagdan.
"Sis, may beer in can pa ba ako?" Agap na tanong ko dito.
Liningon niya ako at tumango. "No smoking. Ok." Sagot nito saka ako lubusang iniwan.
UMAKYAT NA sa sariling silid ang aking ate. Hinintay kong makatulog ito bago umakyat. Imbes na dumeretso sa aking silid ay siya ang pinuntahan at sinilip ko kung mahimbing na ba itong natutulog.
Walang ingay kong binuksan ang kanyang pinto saka siya sinilip.
Nakahiga siya ngunit hindi parin nakapikit ang mga mata. Mukhang malalim ang iniisip. Tungkol na naman siguro sa akin iyon.
"I know you're there. Tumuloy ka." Usal ng aking kapatid sa mababang tinig. Pumasok ako at naupo sa may bahaging gilid ng kanyang kama.
"Matulog ka na teh. Promise, hindi na ako lalabas ng bahay. Matutulog na rin ako mamaya."
"Syempre. Isa ka kayang mabait, masunurin at tahimik lamang na kapatid. May tiwala naman ako sayo na hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ko diba? Well, except sa iyong pakikipag away. Naiintindihan ko naman iyon." Very understanding as always.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "It's been years, and I don't really know what the hell happened to you. Bakit hindi mo i- open up sa akin. You know I'll listen to you, right?" Right. Pero wala akong lakas ng loob gawin iyon.
"Matutulog na ako. Bigla akong inantok." Ang balak kong pagtayo ay pinigilan niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka mariing pinisil iyon.
"Tell me, kaya ka ba nagkakaganyan dahil kay Mama? May kinalaman ba ito nang minsang pagpasyahan kong umuwi sa lugar natin at nadatnan ka na halos madurog ang puso ko nang makita ka sa kalagayan mo? Please, say something." Hindi ako nakapagsalita. I was caught off guard. Maingat kong kinalas ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Nang minsang umuwi ang ate ko ay naabutan akong bugbog ang buong katawan. Puno ng lastro sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan. Halos nangingitim ang buo kong mukha. Putok ang mga labi at may tuyong dugo pa sa kaliwang kilay dahil sa hiwang naroon.
BINABASA MO ANG
Gangsta's: My Other Half
Teen FictionThis story is a matured content. Thats only means it contains violence, crimes, unlawful actions and words.