"DO YOU WANT ME to return all the letters you have given me?" Mababakas sa boses ko ang lungkot na pilit tinatakpan ng sarkasmo sa mga sandiling iyon.
"I don't know if it's sarcasm or just my imagination that you're sad and not willing to return the letters." Naka taas ang sulok na bahagi ng labi nitong saad saka tinitigan ako na parang alam nito ang nasa loob ko.
"I don't. Wala akong ibabalik sayo. Ibinigay mo na 'yon, meaning, sa akin na ang mga iyon. Ano bang feedback and reply ang gusto mo? Diba ang classmate ko naman ang gusto mo? Bakit ako ang binibigyan mo ng mga letters? Gagi talaga." Hindi ko na napigilan ang singhalan siya.
Ano yon? Pagkatapos ibigay pwedeng bawiin? Pano nalang pala kung naiwala o naitapon ko?
"Hindi ako Gago at wala ak---"
I cut him off. "Sabi ko Gagi. Gagi! Hindi Gago. Isa lang ang taong gago- si Vaughn lang."
"Ok. Wala na akong sinabi. Calm down. As I was saying, wala akong gusto sa classmate mo. Ni hindi ko nga kilala ang pinsan mo. Magkagusto pa kaya. Where did you get that fake news?" Naiirita nitong pahayag.
"Ganon?" Medyo gumaan na ang boses ko dahil sa paliwanag nito. Ano ba yan parang may kalakip na magic ang mga katagang lumalabas sa bibig niya. Kaya niyang pabilisin ang tibok ng puso ko. Kaya niyang palungkutin, pagaanin at pasiyahin ang puso ko without so much effort.
Tumango naman siya sa akin.
"Kung gayon? Anong gusto mong mangyari? Gusto mo bang malaman kong gusto rin kita?" Diretsahang tanong ko.
Tumango na naman ito.
"Sige tayo na. But, first thing first, selosa ako. Gusto ko ring malaman mo na marami akong friends na guy, 'lam mo naman. Kakaunti nalang ngayon ang mga babaeng tunay na kaibigan at ayokong may umaaligid sayong higad. Demanding ako, wag ka nang magtanong. Basta yon na yon. Lastly, gusto ko ng loyal at honest. In relationship na tayo simula sa araw na 'to." Isang malapad na ngiti lang ang isinagot nito sa lahat nang sinabi ko.
Bakit pa ako magpapakipot kung parehas namin kami ng nararamdaman. Tsaka modern age na ngayon. Technology makes our life easier and faster kaya naman inia- apply ko lang iyon sa life ko.
Isang ngite na halos umabot na sa magkabilang tenga niya ang isinukli niya sa akin.
"Sagutan mo na rin 'to. Mahina ako sa math e." Iniabot ko sa kanya ang papel na may mga task, napailing nalang ito sa akin.
"Nga pala ba' t wala kang task?"
Huminto muna ito sa pagsagot saka tumingin sa akin. "Wala naman ako sa listahan ng made- detention. Sabi ko lang may mahalaga akong sasabihin sayo kaya pinapasok ako. At saka sinabihan din ako ni Vaughn na nandito ka kasi puro ko raw pangalan ang isinagot mo sa quiz niyo kaya pinuntahan kagad kita."
Ang walangya. Humanda ka bukas. Ako naman ang maghihiganti. Napaamin tuloy ako nito ng wala sa oras.
"May syota ako sa SSU (Samaritan State University). Don't worry, hindi ako two timer. Ibe- break ko siya mamaya. Ayoko naman siyang itext, gusto ko personal akong kumalas sa kanya. Hindi ko rin naman siya gusto. Napilitan lang akong makipagrelasyon sa kanya." Hindi na siya nag abala pang sumagot. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa.
SIGURADONG INIISIP ngayon ni Vaughn na naglulupasay na ako sa kilig. Hmp. Slight lang naman. Mas kinikilig parin ako sa tuwing umiihi. Buong katawan ko kasi ang parang kinikiliti. E, ngayon, puso ko lang ang kinikilig ni hindi nga umabot sa puson ko.
BINABASA MO ANG
Gangsta's: My Other Half
Teen FictionThis story is a matured content. Thats only means it contains violence, crimes, unlawful actions and words.