'God can't fill you when you are full of yourself.'
-Max Lucado
I feel so sad, so depressed... so not real...
Meron talagang times na ganoon diba? Minsan sobrang happy ka... minsan naman sobrang sad ka... ako feeling ko eh gusto ko na sirain ang lahat... parang nothing is going so well pero meron naman eh... mas masuwerte ako sa ibang tao na naghihirap... para nga akong senorita sa bahay kasi hindi masyado gumagawa ng chores...
Galit, inggit , sadness adn negative feelings ang nasa puso ko. I admit it. Alam ko ang pangit nun sa image ko pero that's the truth and lahat tayo hindi nakakawala sa sin.
Siguro... hindi pa ako nagiging normal sa bagong mga nangyari sa buhay ko... nabaguhan talaga ako... well I'm in the process of moving to another stage ika nga... adolescent stage na... iba na ang lahat... kung dati, kung dati noong mas bata ako... hindi ko pinapakealamanan ang about friends, life o ano man... happy happy lang and doing what I want pero noong mas tumatanda, lumalaki, parang nakikita ko din ang evilness ng mundo and siguro naging negative thinker ako. Halfly positive thinker din ako...
Natutunan ko na... I'm still processing, I'm still not the person I want to be. I still have my pride and ego. Gusto ko maging at top always. I am impressing not expressing myself. And I have a long way to go.
Nagsimula itong galit ko nung ang ingay-ingay sa classroom, noong umaga kasi eh may mass demonstration, konti natira sa classmate naming Grade 8 and I think hindi na sila nagklase, konting teachers lang nagturo and noong hapon ganoon din. Noong hapon, pumasok na kaming lahat.
Na-frustrate ako kasi sayang yung hapon, and a lot of negative things start to fill up my mind... And sa Values Ed. subject namin, nag-quiz kami and 5 over ten ang nakuha ko! 75%! Bagsak! ._. Well, wala kasi kami nung thursday na nag-discuss si ma'am kasi nag-practice kami for the mass demonstration and walang mga notes ang mga natirang classmates ko... and yung iba kong kasama na nag- mass demo, pasado! 85% up to 95% ang nakuha nila, 8-10. Na-hurt ako kasi parang ako kasi yung good na person sa classroom namin, good din kaya ako! Bakit mababa nakuha ko?! Yung number one question, pwede naman iyon i-consider. Ibang bible version kasi yung binasehan ko. Yung tanong, ano yung sinabi ni Cain sa Exodus 4:9. And sagot ko eh 'I don't know. Am I my brother's keeper?' yung kay ma'am, ''I am my brother's keeper.'
Nung sinabi ko yun kay ma'am eh... wala hindi niya kinonsider, yung gusto niya, yung answer lang niya.
._. ... Yung gusto ko sabihin nun eh, 'Ma'am naman! Ayaw mo i-consider? Values Ed teacher ka namin. Akala ko considerate dapat ang Values Ed teacher...'
Medyo serious siya... something like that... professional... Kaya inintindi ko nalang kung ganoon gusto niya.. you can never change the teacher's mind kahit tama ka...
May pumasok sa isipan ko... ang favoritism... hindi naman favorite... parang naiinggit ako sa iba kong classmate na kahit wala silang ginagawa, have fun lang and be themselves eh gusto sila ng teachers... Parang may pleasing powers sila... samantalang ako wala... I am just a decoration in the background. EH ganito talaga ako, tahimik sa teachers, siyempre, that is me... that is how I show my respect, na dapat hindi maging kaibigan na so close, yung majojoke mo sila...
SIguro.. KSP ako (Kulang sa pansin)...
Noong pababa na ako ng hagdan at pauwi naglalakad... alone ulit ako... buti yung iba kong classmates nasa classroom, nagtatawanan... and ganoon...
Isa akong seryosong tao and yung good na student po. Eh ganoon ako,... minsan, mahirap maging iba sa classmates mo pero I want to stand in my rights, na ganito ako, ayaw ko magbago, this is what I choose, I choose to be disciplined... Minsan yung salitang YOLO nila, means breaking the rules sometimes ay ayaw ko talaga. Hindi ako ganoon. Hindi ibigsabihin na you are breaking the rules eh YOLO (You only Live once) na yun, na enjoyment iyon, para sa akin.
Noong pagkauwi ko, parang yun yung mga times na gusto mo nalang magalit sa muno at wala ka nang pakealam... hay... naipon yung sakit, galit, inggit sa puso ko at umiyak na lang ako...
Well, sorry kung ganito ang sinulat ko... nakakadown sa akin at baka magbago ang tingin niyo sa akin... Well, kahit anong sabihin niyo, I am just being true lang naman and want to share this. Here I go again with pleasing others...
-----
Are you pleasing God or others?
Naisip ko din iyan...
Dapat I should please God, not think what others would think.
------
Nakita niyo yung nangyari sa akin, the negative thought led to another and another...
Snowball thinking...
Ito yung pag may naisip kang negative na bagay, lalaki at lalaki ito unless you say it to stop.
Lesson: We should guard our minds at all times...
------
I'm afraid of bad people, people who says bad words, people who are so noisy, mga taong sigaw ng sigaw, mga taong inaabuso ang pagkabait ng isang tao, mga taong sobra kung mang-asar. naiinis ako sa kanila kasi baka magaya ko iyon at ayaw ko lang talaga na magaya iyon sila. Pero sa nasulat ko... ako ang may mali... ako ang bad... kasi jinajudge ko sila... every person blooms at different times and I should just respect them and not magalit sa kanila... sabi nga...
'Pull them in your peace, don't get pulled in their storm.'
'Do not Judge, that you be not judged.' Matt. 7:1
-----
Friend problem...
Siguro, oo nainggit ako sa mga classmates ko na mag-kakakaibigan.. buti sila... pero I need to tanggal this because I know na it will lead to bad things...
Naisip ko na... bakit kaya yung mga good deeds ko hindi napapalitan ng good din...
Pero I should still trust in the Lord.
------
'Lord please empty me out, of all my greeds, hatreds, angriness, sadness and so much more. I know you have created me for something more better than I can ever imagine. I am beautiful. I will be better not bitter. Lord, I wish that my connection to you will be strong. I know I still have a long way to go.'
Hindi nga natin maiiwasan ang pagbabago, ang bad and good times... pero sabi nga ng isang kwento... "All will pass."
May kwento... May isang king may problema siya, ayaw niya kapag sobrang happy siya and kapag sobrang sad siya. May nagbigay sa kanya ng solution, binigayan siya ng isang bracelet na may naka-engrave doon na 'All will pass.' And this is really true.
Lahat ng nangyayari makakalimutan din natin, mawawala din. There is no use na maging angry ka sa mga ganoong pagkakataon. Enjot it, surf in the waves. Learn to surf...
Dapat let us enjoy the good times and matuto sa bad times... God is teaching us a lesson... sabi nga ni Mahatma Gandhi, 'Suffer today and live as a champion for the rest of your life.'
'When you do things for Christ, it is always too soon to quit.'
10-10-14
BINABASA MO ANG
Being Closer to God
EspiritualHi! This is full of inspirational, spiritual, stories in life and like that. Taglish po ang language. :)