30 :) Hindi natapos... Incomplete

21 0 0
                                    

Sabi ni papa, iba pa rin ang tapos kaysa sa hindi tapos.

Mind your own paper.

Kahapon-- July 16, 2015-- nagkaroon ng poster-slogan making sa Science namin na hapon sa Thurs. Schedule.

Approximately, mga 40 minutes iyon. Dapat lahat magdadala ng 1/8 and coloring materials pero 3 lang kaming nakadala. Ginawa naming dalawa iyon at yung isa, hindi kasi wala siya sa mood.

Ngunit hindi ko natapos. Nasa magsisimula palang ako mag-color noong 10 minutes left na sa Science time.

Tapos noong uwian na (5pm) , kumulay ulit kami ng isa kong classmate. Ngunit noong 5:15 pm na ay tapos na siya, background nalang hindi kinukulayan. Ako, marami pang hindi nakukulayan dahil andaming details ng drawing ko. So... dahil ayaw kong maiwan mag-isa sa room namin ay sumama na ako sa kanya palabas at nakita niya yung teacher namin sa Research at binigay namin ang mga illustration boards namin sa kanya. Kailangan kasi ipasa para sa poster-slogan contest na iyon.

Sobra akong nalungkot at nabigo. First time ko in my entire life na hindi makatapos ng gawain at masakit, hanggang puso.

Hindi ko pa nakulayan ang red at yellow ng Ph. Flag, ang tubig ng earth, rays ng sun at mga gulay & prutas. Sobra kong down hanggang sa boarding namin.

Nakuwento ko iyon sa ka-boarder kong Grade 5 na girl at nag-flooring sa floor. Pinayuan naman niya ako at ng nanay niya.

Sabi ng nanay niya, "Dito kasi sa new school ay may limit talaga at challenging."

Sabi naman niya, "Ok lang yan, malay mo ikaw manalo. Dati sa school, nanalo si (insert her classmate's name) kahit na hindi niya natapos pagkulay dahil maganda ang drowing niya." At "Isipin mo nalang ikaw ang first, ganun ako para hindi ma-jealous."

Ayun, tumayo ako at nag-shower din. After that, napaupo at napasulat ng isang poem. Ilalagay ko iyon sa "Heart spilled out or Pieces and Poems," na story ko.

Nasabi rin ng ka-boarder ko na dapat mind your own paper, huwag akong magpanic. Nakuwento ko kasi na lagong napapanic sa time at nagdoudoubt kung matatapos ko ba, ganun.

Tama nga, mind my own paper dapat. And bilisan ko ang pagdrodrowing...

07.17.15

Being Closer to GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon