Ayesha
Mag a-alas syete na ng gabi kameng naka uwi ng anak ko. Dahil napatagal kame kay Dad, masyado kasing masaya si Dad at parang ayaw na niya pauwiin ang apo niya. Mag dadalawang oras din kame doon, at ng pa uwi na kame ay dumaan muna kame ni Atasha sa simbahan para mag dasal.
Isang busina ang nag pabukas sa gate namin at nag mamadaling lumapit din sila Manang at mga ibang kasambahay para kunin ang mga gamit namin.
"Ginabi ata kayo Anak?"
Umikot muna ako para kunin si Atasha sa passenger seat dahil nakatulog na ito sa pagod sa kakalaro nila kanina ng Lolo niya.
"Dumaan pa kasi kame kay Daddy, Manang. At nag simba na rin kame."
"Ay gayun ba? Akin na ang bata iha..."
"Di na, ako na Manang.. Paki handa na lang ung pamalit ng bata." Sagot ko habang paakyat na kame sa silid ni Atasha.
"O-sige... Sandali lang,"
Agad kong inilapag si Atasha sa higaan nito, at inabot naman sakin ni Manang ang mga pamalit ng bata.
Nang matapos kong linisin ito ay kinumutan ko agad at iniwang bukas ang isang lampshade sa side table.
"Manang paki sabi kay Zoe na tingnan niya ung bata kung tama ba ung ginawa ko. At sabihin mo sakanya siya na tumimpla ng gatas sa bata baka magising un at baka hanapin ung tsopon niya."
Wala kasi ako alam sa mga ganyan, kahit ung pamamalit ko sa damit ni Atasha nag dadalawang isip pa ako kung tama ba ung ginawa ko o ano. Diko kasi pina punta ang yaya ni Atasha dahil gusto ko ako ang mag aalaga sa anak ko. Kaya di ako nag mamarunong sa pag timpla ng gatas ng bata baka mag ka sakit pa yon sa tiyan baka kasi di tama ung formula ng gatas mailagay ko sa bote niya.
At isa pa limang taon na ang bata pero nanatili parin itong dumedede.Dapat tinanggal na kasi ni Zoe.
"Si-sige iha... Sasabihin ko pa-pag dating niya."
Agad akong napahinto sa pag baba sa hagdan at lumingon sa matanda na nasa likuran ko.
"Anong pagdating ni Zoe?"
"Ka-kasi Iha... Wa-wala pa ang Asawa mo."
"Diko siya asaw--aaisshh" napatingin ako sa wall clock namin ng makita kong mag a-alas nwebe na.
"ASAN SIYA!!??" diko tuloy mapigilan mapa taas ng boses ng makita ko na masyado ng gabi.
"Iha, wag kanang magalit.... Sinasabi ko na ba, magagalit ka talaga eh--"
"Manang sino di magagalit? Kanina pa siya wala dito ah? Umuwi na lang kame wala pa siya. Kaya sino ang di magagalit?! Una di siya nag paalam sakin. Ano ba bilin ko sa inyo?"
"Sinabi ko naman sakanya iha, pero mamilit ang asa--"
"San siya pumunta?" Pinutol ko muli ito ng maririnig ko na naman ang salitang asawa.
Kinuha ko din telepono ko para sana tawagan si Zoe, pero I mentally close my eyes dahil sa frustration ng wala pala ako number ng babaeng un.
"Diko alam ang eksaktong lugar iha, pero sabi niya mag kikita daw sila nung best friend niya na uuwi galing Barcelona."
"Paki kuha na lang ang telepono ni Atasha sa bag niya."
"Si-sige iha, sandali." Nag mamadali naman ang matanda bumalik sa kwarto ni Atasha.
Bumaba na ako sa may sala para dun mag hintay. Pero agad naman akong napa misid ng makita ko ang kakambal ko na nasa counter ng mini bar.
"Woow... Looks who is grumpy right now?"
YOU ARE READING
#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)
RomanceThis is a book 2 of my story kaya you need to read First by book bago ito para di kayo mahilo. This is Guevara's Sibling story. _____________________________ Ayesha is the second of the Guevara's sister. She is kind and heart whelming girl.. Isa la...