Chapter 18

13.3K 555 98
                                    

Zoe

Kanina pa kame nakatayo ni Yael dito sa may terace  nila, nakatingin lang siya sa malayo na parang nag iisip ng malalim.

And until now wala pa sino sa amin nag tatangkang mag salita, Mag iilang minuto na nag daan kaya nakaramdam na ako ng pag kabagot.
Mag sasalita sana ako ng bigla itong nag salita pero di parin ako tinitingnan habang nakatalikod ito sa akin.

"Ano to Zoe?" Pakuway tanong nito.

Nagtatakang napa angat ako ng tinigin at pinag titigan siya kahit nakatalikod ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang tanong ko.

"Ganun ka na ba ka desperada para sabihin mo sakin na anak ko ang bata?" Walang kagatol gatol na pahayag nito.

Tila nan lamig naman ako sa binitawan niyang salita.

"Anak mo si Atash--." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong lumingon sakin.

"You said your safe that night Zoe!!! Sinabi mo yon! Kaya you can't blame me kung pag duduhan kita! Kaya pano ko maging anak ang bata?!"

"Oo!!! Sinabi ko nga yon, sinabi ko lang naman yun dahil gusto kong mag ka anak sayo." Diko din mapigilan mapataas ang boses ko.

Alam ko nakaka agaw na kame ng atensyon sa mga magulang namin at sa mga kapatid ni Yael. Dahil napapasilip na ang mga ito mula sa loob, buti na lang at wala ang anak ko dahil kinuha siya kanina ng asawa ni Althea at dinala muna sa kwarto nila, para di marinig ng anak ko ang pag tatalo namin ni Ayesha.

Dahil alam ko, saming lahat....si Atasha ang mas maapektuhan.

Alam ko rin na mangyayari ito, maraming katanungan ang itatanong sa akin ni Yael. Kaya handa ako noon pa, I prepared my self for almost fucking 5 years. Kaya diko hahayaan mauwi lang sa wala.....

"Anak mo si Atasha!! Dugot laman mo Yael!" Pag papatuloy ko,Unti unti ng bumagsak ang luha.

Tila na lambot naman ang expression ng mukha ni Yael ng makita akong umiyak.

Muli itong napatingin sa malayo at napapikit ng mariin. Kaya napayuko na lang ako para pigilan ang mga luhang nag babadyang tumulo.

"I'm sorry...."

Dinig kong bulong nito, kaya napa angat muli ako ng tingin sakanya na hanggang ngayon nanatili parin siyang naka pikit.

"You can't blame me Zoe.... Di mo ako masisi kung ganon ang iisipin ko sayo." Napapa piyok na dn ito dahil pinipigilan din niyang wag mapa iyak.

"I have dream Zoe.... At yun ay maging isang Madre. Un ang pangarap ko, na inalis mo sa akin."

Napamulat na ito ng mata at tiningnan ako ng di ko mabasa ang expression sa mukha niya.

"Tell me.... You plan all of this??? Right???  Answer me Zoe... Plinano mo ba to?!"

Sabay hawak sa mag kabila kong braso. Napa itad naman ako sa gulat ng biglang tumaas muli ang boses nito at mas humigpit sa pag diin ang mga kuko nito.

"Ya-Yael... Na-nasasaktan ako."

"Sagutin mo ako!! Plinano mo to?! Diba?? Diba!!"

"Oo!!!" Sigaw na sagot ko.

"You trick me Zoe!" Di maka paniwalang sagot nito

"Well guest what Ayesha? Surprise!!" Sarcastic na sagot ko.

"You--"

"Mama??"

Napatigil ang pag uusap namin ng biglang dumating ang anak namin na ngayon ay naka kunot noong palipat lipat ang tingin sa amin.

#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)Where stories live. Discover now