Zoe
Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan, at walang sino man samin ang nag tatangkang mag salita. nakatingin lang siya sa harap ng daan habang nag mamaneho at habang naka tungkod ang kaliwang kamay niya sa bintana ng sasakyan na parang ang lalim ng iniisip.
At wala akong lakas ng loob para mag open ng kahit ano mang topic kay Yael. Dahil hagang ngayon aaminin ko natakot talaga ako sa nasaksihan ko kanina, biglang nawala ang kalasingan ko. Parang di siya si Yael na kilala ko na tahimik, mapag kumbaba at higit sa lahat pasensyosang tao.
Tama nga ang babala sakin ni Athena kanina, na dapat sundin ko ang gusto o utos ng kapatid niya kung ayaw kong mag sisi sa huli.
Ang tanga ko para di paniwalaan ang kapatid ni Yael. She already warn me na wag ko silang sisihin sa oras na labagin ko ang bilin ni Yael.
She's totally a beast earlier......
I never thought na magagawa niya ang mga un....
Tama nga ang sabi-sabi nila na mas nakakatakot pagalitin ang mga taong tahimik.
Isang busina ang nag pabalik sa aking ulirat. Nasa bahay na pala kame ng mga Guevara,
Walang imik na lumabas si Yael sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Habang ako ay naiwan sa loob ng sasakyan, napahilamos na lang ako ng mukha dahil aaminin ko kasalanan ko naman ito kung bakit siya ganyan.
Di nag tagal lumabas na din ako at pumasok sa loob, naabutan ko ang mga kasambahay nila na busy sa pag hain ng pagkain sa lamesa,
Masyado ng gabi ah.... Di pa ba sila kumain? Mag hahating gabi na.
"Ma'am, kumain na daw po kayo bago kayo matulog."
Ginising ba sila ni Yael para lang mag handa ng makakain ko?
"Di po ako nagugutom, salamat na lang p--"
"Kumain daw po kayo, wag daw po kayong aakyat hanggat di kayo kumakain, utos ni Ma'am Ayesha." Nakangiting alanganin ng kasambahay.
"Sige na Mildred... Ako na dito." Sabat naman ng nakakatandang Mayordoma.
Nag si alisan naman ang mga kasambahay at bumalik sa kanilang kwarto.
Naiwan naman kame ni Manang na siya ang nag patuloy sa naiwan ng mga kasambahay.
"Umupo kana iha, at kumain ka na." Nakangiting turan ng matanda.
Wala akong nagawa kundi umupo na lang at sumandok ng kanin.
"Kung ano man ang di niyo pag kaka unawaan ng alaga ko, eh pag pasensiyahan mo na iha."
Napatingin naman ako sa matanda at tumango bilang sagot.
Nahihiya din ako sakanya dahil isa siya sa nag babala sakin kanina pero di ako nakinig.
"Siguro nasaksihan mo na kung pano magalit ang batang yan?"
Nahihiyang napatango na lamang ako.
"O-opo." Nauutal na sagot ko.
"Alam kong natakot ka iha, Pero wag kang matakot sakanya iha, talagang ganyan lang yan kapag di mo sinusunod ang utos niya."
"Ganon po ba talaga si Yael manang? Na-nanakit?"
"Nanakit? Naku iha.... Hinde... Mabait na bata si Ayesha, mula sinilang ang mga batang yan kilala ko na ang bawat pag uugali nilang mag kakapatid at ang pananakit ang isa sa hindi magawa ni Ayesha. Pero dipende yun sa sitwasyon,"
YOU ARE READING
#3 Ayesha Guevara: Secret Identity (One Night Stand with a Nun)
RomanceThis is a book 2 of my story kaya you need to read First by book bago ito para di kayo mahilo. This is Guevara's Sibling story. _____________________________ Ayesha is the second of the Guevara's sister. She is kind and heart whelming girl.. Isa la...