F i n a l e

14 2 1
                                    

          Malalim na ang gabi at mag-isa ka na lamang sa inyong opisina dahil nag-over time ka. Tiningnan mo ang orasan na nakapatong sa desk na iyong kaharap, kung saan naroroon din ang kompyuter na iyong ginagamit upang matapos mo na ang ginagawa mong mga paper works... nakita mong Alas-otso na pala ng gabi. Lumaki ang iyong mga mata at bumilis ang tibok ng iyong puso. Hindi ito p'wede, sinabi mo sa iyong sarili.

          Dali-dali kang nag-ayos ng iyong mga gamit at tumayo upang umalis na sa opisinang iyong pinapasukan. Lakad-takbo mong nilisan ang lugar. Lalong lumakas ang tibok ng iyong puso. Gusto mo nang makauwi agad dahil sa takot na iyong nararamdaman.

          Nakalabas ka sa building ng inyong opisina. Halatang hindi ka pa rin mapakali habang naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi. Kinuha mo ang iyong cell phone mula sa bulsa ng iyong palda at tiningnan mong muli ang oras... 8:30 na at wala ka pa ring masakyan.

          Sawakas ay nariyan na ang jeep at dali-dali kang sumakay. Nang makasakay ka ay medyo nakahinga ka nang malalim ngunit nandun pa rin ang iyong kaba.

          Nang makauwi ka ay hindi pa rin nawawala sa 'yong mukha ang pagkakaba. Dali-dali kang pumasok sa gate at pumasok sa inyong bahay. Napatumba ka nang makapasok ka... nakita mong tapos na ang finale ng iyong paboritong teleserye na gabi-gabi mong sinubaybayan. Tanging pagtangis ang iyong nagawa.

Minadaling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon