"Kita tayo sa tagpuan."
Tipid na text ni Kael sa 'kin. Lumakas ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang text niya. Napangiti ako, gustong-gusto ko nang makita si Kael sa aming tagpuan. Matagal na rin magmula noong huling nagkita kami sa aming tagpuan, magmula noong umamin ako sa aking nararamdaman para sa kanya, magmula noong sinabi kong mahal ko siya.
Nagmadali akong maglakad papunta sa aming tagpuan. Galing ako sa school, katatapos lang ng aking last subject. Saktong-sakto lang ang kanyang pagtext. Isang sakay na lang at magkikita na kami. Hindi na ako makapaghintay.
Habang nasa jeep ay iniisip ko ang kanyang sasabihin. Iniisip ko ang mangyayari. Kinakabahan ako.
Matapos kong bumaba sa jeep ay pumunta na ako sa isang pribadong lote na malapit sa bahay. Inakyat ko ang gate na may nakasulat na 'No Tresspassing!' Malakas pa rin ang tibok ng aking dibdib sa pananabik at pagkakaba.
Nang makababa ako ay bumungad sakin agad ang matabang puno ng akacia na nasa gitna ng malawak na lote. Walang tao. Wala si Kael...
Lumapit ako sa puno ng Akacia na dismayado. Napabuntong hininga ako at napasalampak -- ang likod ko ay nakasandal sa puno ng akacia.
Inilibot kong muli ang aking mga mata sa paligid. Naalala ang alaala namin ni Kael. Sa paglibot ng aking mga mata ay may nahagip ang akong isang papel. Tumayo ako at pinulot ito sa 'di kalayuan. Isa itong sulat. Sulat ni Kael.
Dear Joshua,
Dito sa ating tagpuan nabuo ang lahat. Ang ating pagkakaibigan, ang ating pagmamahalan. Oo, mahal din kita Josh. Mahal na mahal. Pasensya na kung iniwasan kita, naguguluhan pa ako. Pero ito na ang sagot. Mahal kita, at kung mahal mo rin ako, pumunta ka likod ng akacia, at makikita mo ako roon. Kung gusto mo akong makasama habang buhay... sundan mo ako, sa lugar kung saan magkakasama tayo sa mundong walang hadlang.
Love, Kael.
Hindi ko namamalayang umiiyak na ako dahil sa saya; dahil mahal niya rin ako. Sinunod ko ang sinabi niya, pumunta ako sa likod ng akacia at nakita ko siyang nakabitin sa lubid ng isang sanga. Katabi ay ang isa pang lubid.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Basta ang alam ko lang Mahal ko siya.