S p a r k s

11 2 1
                                    

"Beh! Tingnan mo 'yung gwapong lalaki o, tingin nang tingin sa 'yo." Pinapalo-palo pa ako ni Nina habang kilig na kilig na tinuro 'yong lalaking gwapo na sinasabi niya.

Napatingin naman ako sa gawi niya, at oo nga! Gwapo nga siya, naka-sun glass pa ito at ang cool ng porma, naka plain white shirt it at mahabang black shorts, na naka Nike shoes. Napangiti ako at bumilis ang tibok ng puso.

"'Wag ka ngang pahalata riyan Nina. Dapat dalagang Pilipina lang ang peg natin," sinabi ko naman sa kanya at nag-iba ng tingin, upang 'di mahalatang tinitingnan ko rin ang gwapong lalaking nakatayo sa sa harap namin.

Nasa may bus stop kami ngayon ni Nina, papauwi na dahil tapos na ang klase.

Nakita ko na ang bus na sinasakyan ni Nina, kaya naramdaman ko na siyang nagre-ready, upang umalis.

"O, beh! Sige na una na ako, balitaan mo na lang ako sa ka-sparks mo. Good luck beh, text-text na lang ha!" Bineso niya ako bago siya tumakbo paakyat sa bus at nagpaalam.

Nabawasan ng kaunti ang tao sa may bus stop. Nakita ko namang tumabi na sa akin si kuyang pogi. Mas lalo akong kinilig dahil no'ng magawi ang tingin ko sa kanya ay nakatingin din pala siya sa 'kin at nakangiti. Putspa! Kinikilig talaga ako, ito na siguro ang tinatawag nilang sparks.

Di nagtagal ay paparating na rin ang bus na sinasakyan ko pauwi. Sumakay ako sa bus na umaasang sasakay rin si kuyang pogi, ngunit hindi siya sumakay. Nalungkot ako dahil hindi ko na siya makikita pang muli.

Umupo na ako sa unahang upuan sa bus para mabilis makababa mamaya. Nagsimula na ring maningil ang kundoktor. Kinapa ko ang bulsa ko at hinanap ang aking wallet... putspa! Nawawala! Nadukutan ata ako!

Muling nagbalik sa 'king memorya si Kuyang Pogi. Bwisit na sparks 'yan, mandurukot pala!

Minadaling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon