H i n t a y

8 1 0
                                    

Ilang taon ka na bang naghihintay?

Isa? Dalawa? O Tatlong taon? Hindi mo na rin alam? Baka hindi na mabilang sa sampu mong daliri kung ilang taon na.

Naiinggit ka sa iba, dahil pagmamahal ang hinihintay nila. Sana gano'n ka rin. Pagmamahal ang hinihintay, ngunit oo nga pala, napagod ka na rin. 'Di rin naman kasi kita masisisi, kaya naiintindihan kong hindi ka na umaasa pa sa pagmamahal. Ramdam nga kita e, nakakapagod nga namang umasa na lang . Umasang mabubuhay ka pa sa pamamagitan ng pagmamahal.

Pero bakit hindi mo subukang umasa uli? Ay oo nga pala, nabigo ka na. Ilang beses ka na ngang nabigo. Paulit-ulit na nga lang talaga. Mapa-kaibigan, pamilya, at nobyo/nobya, binigo ka na.

Kaya ka siguro biglang napagod na lang at napagpasyahang maghintay.

Teka ano nga bang hinihintay mo?

Ano?

Ang mamatay?

Minadaling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon