K a s a m a

13 1 0
                                    

Narinig ni Dan ang pagbukas ng pinto sa labas ng kanyang kwarto. Sawakas ay may makakasama na rin ito sa kanilang boarding house. Wala kasi itong kasama ngayon dahil um-absent siya sa kanyang klase dahil nilalagnat ito at ang mga ka-board mate niya ay nasa school.

Hindi pa muna lumabas si Dan upang tingnan kung sino ang dumating, dahil nagbabasa ito ng manga. Medyo malayo pa siyang matapos dahil may tatlong chapters pa itong 'di nababasa.

Tahimik lang ang buong paligid kahit may kasama na ito, na medyo ipinagtataka niya, maiingay kasi ang kaniyang board mates. Maya-maya ay may narinig siyang nahulog na stainless na plato. Sa isip nito ay baka nagugutom 'yong ka-board mate niya kaya siguro ay 'di pa nanggugulo. Sumunod naman niyang narinig ay kutsara't tinidor ang nahulog. Napakunot naman ng noo si Dan.

"Sino kaya yung nanti-trip na mag-ingay sa kusina. Baka si Mark, laging gutom 'yon," bulong niya sa sarili. Napagpasyahan naman niyang ibaba na ang librong hawak niya para i-check kung sino 'yong istorbo sa kanyang pagbabasa.

Lumabas siya sa kanyang k'warto at napakadilim ng paligid. Nasa dulo kasi ang kwarto niya at may mahabang hallway siyang dadaanan para marating ang kusina. Nainis pa siya at 'di man lang binuksan yung ilaw ng hallway, alam naman na madilim ang paligid dahil umuulan.

Nang nakarating na siya sa kusina ay nakita niyang walang tao rito at maasyos ang mga plato at kung ano ano pa. Nagsimula siyang kilabutan. Naalala niya 'yong pinagkwekwentuhan ng iba pa niyang mga ka-board mate. 'Yong multo raw na naglalagi sa kusina. Madalas daw itong magparamdam kapag walang kasama bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minadaling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon