ANNE'S POV
Naglalakad ako galing sa part-time job ko. It's 10pm. Hayssss...May school pa ko bukas.Hi! My name is Clarisse Anne Villanueva. I am 17 years old. 4th year college. Nag-aaral sa St. Germain Academy. Hahaha nothing to say na~. Magbibirthday na ako this month. ; ) Finally, mage-18 na at last!
Nakarating ako sa maliit naming apartment. Binuksan ko ang pintuan and was greeted by my nephew.
"Tita!!" sigaw niya at biglang umakap sakin.
"Hi, Jack. May pasalubong ako sayo!" sabi ko. Eto yung pamangkin ko! Si Jack Anghelo Villanueva
"Ano po yun,tita?" tanong niya. Ayiiieee... Ang cute naman.
"Eto oh! Doughnuts!" binigay ko sakanya ang box. Kinuha niya iyon at tumakbo papuntang kitchen. Hindi ko na malayang nanonood pala si Ate. Nginitian ko siya. Parehas kaming pumunta sa kusina. May nakahain na doong plato at pagkain.
"Dumating na ang bills. Mataas ang babayaran. Magtrabaho na rin kaya ako, Anne." sabi ni ate habang nakafrown.
"Wag ate! Ako na ang gagawa ng paraan. Ikaw na lang ang mag bantay sa bahay." sabi ko.
"Pero--"
Sinamaan ko ng tingin si Ate kaya napatahimik. Hayyysss.....Anong gagawain ko? Di bale bukas na bukas hahanap na ko ng trabaho. Sa ngayon tulog muna. Pumunta ako sa kama ko at humiga...
ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ...........
RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!
Umaga na agad? Enebeyen! >< Bumangon ako at naligo. Nagsuot ako ng uniform ko tsaka lumabas ng kwarto. Si ate nagluluto habang si Jack, yung pamangkin ko, nanonood.
"Anne, kain ka na. Baka malate ka pa sa school mo." sabi ni Ate.
"Sige." sabi ko at umupo. Kumain ako ng mabilis at nagpaalam kay ate na aalis na ako. Naglakad ako papuntang school. Biglang umaulan. Haysss...kamalasan nga naman. Nilabas ko ang payong ko at nagsimula ulit maglakad. Biglang may dumaan ng kotse kaya natabunan ng putik yung legs ko. I glared at the car. Nagpark pa talaga sa tabi ko ahh. Bumaba yung bintana ng kotse. Wow. Gwapo.
"Miss, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh." sabi ng lalaking nakashades. Wahhhh! Binabawi ko na. Hindi na siya gwapo!! At ako pa ang hindi pa talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan ah?!
"Hoy! Excuse me! Ikaw kaya yung hindi tumitingin. Tignan mo yung ginawa mo oh!" sabi ko at tinuro ang legs ko. He just smirked and zoomed off. Arghhhh!! Bwiset siya!! Grrrr!! Nagmadali akong pumuntang school. Meron ako ditong full scholarship. And guess what? This is one of the finest school in our country. Oh diba taray? Hahahaha. Pumasok ako sa loob ng school at nagpunta sa locker ko. Nagbihis ako ng panibagong uniform at pumunta sa classroom.
"Look, Miss Beggar is here." sabi ni Krystla. Hayyyy...Here we go again. Hindi ko na lang sila pinansin.
"Hoy nakikinig ka ba samin?!" sigaw ng alipores ni Krystal.
"Go away." sabi ko.
"Aba! Gumaganyan ka na?!" sigaw ni Krystal. Tinaas niya ang kamay niya para sampalin ako....
Pero wala akong naramdaman. Tumingin ako sa harap ko. Nakikita ko lang ang nasa harap ko.
Isang lalaki. dirty bloned ang buhok. Siya yung nasampal, making the girls gasp. [-----> external link]
BINABASA MO ANG
Mission: Be My Wife For 365 Days
Romance"I'm marrying a man I barely know..." -Clarisse Anne Villanueva-Kim Credit to: Yixinglaywifey for the cover ^^