Kabanata 4

196 8 1
                                    

Nag-stay muna kami ni Tyrone sa labas ng campus, maingay daw kasi sa loob masyado. Nakakahilo din dahil sa dami ng tao. 

Kahit papaano nabawasan naman ang bigat na nararamdaman ko. Nagpapasalamat talaga ako dahil nandito sa tabi ko ang mga kaibigan ko. Kung wala sila baka hindi ko na alam kung nasaan pa ako, kung pa ako patungo. 

Hindi kami nag-uusap ni Tyrone, hindi naman siya nagsasalita. It feels like he knows what happening to me right now. Pinapanood ko lang ang mga sasakyang dumadaan sa harap namin. Sikat na sikat ang araw pero hindi naman ito masakit sa balat. Buti na lang at hindi ako nag-sando. You can wear anything you want during the Students Social Week, kaya ang mga estudyante dito ay mga nakaporma. 

"Hi," sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita. Nakangiti siya sa aming dalawa. Nilingon ako ni Tyrone na para bang naghahanap ng sagot kung bakit bumati sa amin ang babae.

"Bakit Miss?" Tanong ni Tyrone dito.

Huminga siya ng malalim at tumitig sa'kin, "I just wanted to talk to you if that's okay?" 

"A-ako?" Muli akong nilingon ni Tyrone sabay balik doon sa babae. 

"I know you don't know me, but I'm Isobelle. I was at The Aroma yesterday." Ah! Isa siya doon sa kasama ng babaeng matangkad. 

"Naaalala kita," nagliwanag ang mukha niya.

"Really?" 

"Ahh, oo naaalala din kita. Kasama mo si Aura." Singit ni Tyrone. 

"Yup, Aura and Cza, my cousins." She looked at me again. "Look, I just want a minute with you. I just wanted to say some things, is that alright?" 

"O-okay." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Laking gulat ko noong yakapin niya ako ng mahigpit. Even Tyrone got shocked. "Uh.."

"Isobelle!" Napatingin ako sa lalaking tumawag sa kaniya, bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at nilingon din ang tumawag sa pangalan niya. "What are you doing?" 

"I'm just hugging her!" Sigaw ni Isobelle. Hinila niya si Isobelle papunta sa kaniya. Okay? Ano pong nangyayari?

"I already told you, sabay-sabay tayo." May diing sabi noong lalaki.

"I was about to enter the premises when I saw her here! I grabbed this chance to finally meet her. There is nothing wrong about it!" Si Isobelle. 

"Ate." Biglang sulpot ni Eon sa harap ko. "Hinahanap kita." 

"S-sorry, nawala sa isip ko.." Nilingon niya ang dalawang nagtatalo. 

Umalis kami doon at iniwan ang dalawa. Magpapaalam sana ako kay Isobelle pero hinili na ako ng kapatid ko. Pumasok ulit kami sa loob ng campus, this time sa cafeteria na kami dumiretso. Tyrone bought us foods, libre niya daw. 

"Boyfriend ka ba ni Ate?" Out of nowhere na tanong ni Eon, nasamid tuloy si Tyrone. 

"Hindi, magkaibigan lang kami." Hindi ko alam pero parang may kirot sa loob ko noong sinabi niya. Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya. "By the way, my name is Tyrone. And you are?" 

"Elonzo. Just call me Eon." They shake hands. 

Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa kung ano. Masyadong okupado ang utak ko para makinig sa kanilang dalawa. I'm thinking about Isobelle. Bakit niya ako gustong makausap? Mukhang importante pa naman ang sasabihin niya. Maybe we'll bump to each other next time and we will talk about her concern. 

Umilaw ang cellphone ko, may unknown number na tumatawag. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Sa huli ay sinagot ko na lang.

"Rence?" 

"Yes?" 

"I'm sorry about what happened." Huh? "They shouldn't have done that. Are you okay? How do you feel right now?" I have no idea who the eff is this and.. Oh! That  voice!

"Is this Rio?" 

"Oh, yeah. Sorry I forgot. Yes, this is Rio. Please don't be mad about getting your number from Eon without your consent." Umiling ako na para bang nakikita niya ako. 

"No it's okay." 

"I called to ask if you are fine now." Ano nga ba? Okay lang ba talaga ako? Eon looked at me with his curious eyes. 

"Yes, I am okay. Don't worry and thanks for asking." The call ended and the two is looking at me while I put away my phone. "What??"

"Boyfriend mo?" Si Tyrone.

"Secret." Sumimangot siya, "Ganyan ka. Hindi nagsasabi." 

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa booth namin. Kumokonti na ang tao sa quadrangle, lahat ay pumupunta na sa field. Sa t'wing Students Social Week, nagpeperform ang mga banda ng schools. Meron din silang iniimbitahan na sikat na banda.

Sinilip ko si Eon, naglalaro lang siya ng games sa phone niya. Si Tyrone ay umalis na dahil may pupuntahan siya. Halos lahat ng officers ng iba't-ibang booth ay nasa field na din. May iilan lang na naiwan para magbantay. Ako na ang nagpresinta na magbantay ng sa amin. 

"You want to watch the bands?" Tanong sa kapatid ko.

"Okay lang," sagot naman niya. Hinarap ko siya at tiningnan ang nilalaro. Isang idle game. 

"You can watch them, Eon. I'm fine here. Saka para magkaroon ka na ng mga kaibigan dito," I want him to socialize with teenage boys same age like him. Lalo na't transferee siya, he need friends. 

"Sige." Habang tinititigan ko si Eon, na-realize ko na kamukha niya si Papa. Naiba lang sa buhok at labi. Nakuha kasi ni Eon ang labi ni Mama. 

Rinig na rinig ko ang hiyawan at musika dito mula sa field. Naalala ko noong Students Social Week, first year college ako noon. Sobrang dami ng estudyante sa field na nagsasayaw at nagtatalunan. I accidentally step on someone's foot while jumping and I found out that it was Gary's. Aawayin niya na sana ako pero biglang sumulpot si Saiya na tumatalon rin. Naapkan niya rin ang paa ni Gary.

He's wearing mens sandals, I'm wearing a simple flat shoes and Saiya on the other hand is wearing her five inches high heels. Yes, it was more painful than mine. That is why Gary shouted and furious. I always find it funny when we reminisce and talk about it.

"Rence Belmonte." Napatingala ako sa taong nasa harap ng booth. 

"Pancho, what are you doing here?" Umismid siya at bahagyang naupo sa table kaya napasandal ako. 

"I just wanted to ask you something." He paused. "It's about Saiya. May ibang lalaki na ba siya? Kaya niya hindi sinasagot ang tawag ko? Nakahanap na ba siya ng iba?" 

Natawa ako, "I don't know. Kung alam ko man, hindi ko pa din sasabihin sa'yo. That's a good news right? Saiya is into someone new." 

Hinampas niya ang table kaya nagulat ako. Hindi naman ako takot kay Pancho, I know him very well and Saiya warned us, me and Gary, about his temper. 

"I don't have time to your b-ullshit jokes, Rence. Just tell me if she is seeing someone!" Hinampas niay ulit ang lamesa. Napatingin sa amin ang ibang estudyante.

"Hindi ko nga sasabihin sa'yo, kahit na alam ko." Tumayo ako para lumayo kay Pancho. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin, ayoko naman na hintayin ko pang masaktan niya ako ng pisikal. "Ahh!"

"Answer my goddamn question, Rence!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa pulso ko. "Ano ba, Pancho! Nasasaktan ako!" 

Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang na nasa semento na si Pancho. Hindi ito gumagalaw sa pagkakadapa niya. Nilingon ko ang gumawa noon. 

"Nice one, Seis." Inapiran siya noong lalaki. Wait siya iyong..

"Rence!" Si Isobelle. She hugged me so tight. "Are you okay?"

Hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil sa nangayari. The guy who punched Pancho is looking at me intently. He's with the other guy, the one who's with Isobelle earlier. They called someone too to bring Pancho to the university clinic. 

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon