Kabanata 21

137 7 0
                                    



"Hi! Is this Rence Jimenez?" Naiwang bukas ang bibig ko dahil babae ang nagsalita. 

"Yes, why?" Si Tati ba ito? O binigay din ba ni Tita Kyla ang numero ko sa isa sa mga management na gustong kumuha sa akin?

"Really?" Excited niyang sabi, "This is me! Ian, Tati's cousin! I invited you to my party, remember?" 

Oh, si Ian pala. "Oo, naaalala ko." 

"That is three days from now. I asked your manager for your number 'cause I wanted to contact you as soon as possible. Do you mind?" 

"No worries." Natahimik ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"The theme of my birthday party is Gods and Goddesses, so wear your best outfit! Nagpacontest kasi ako, kung sino ang may magandang outfit ay mananalo! S'yempre may prize 'yon but hindi ko sasabihin!" Mabuti na lang at madaldal si Ian. "I'll send you the details na lang ha? I'm sorry if I disturb you." 

"Hindi, ayos lang. Wala naman akong ginagawa ngayon." Sa boses pa lang at pakikitungo sa akin ni Ian, alam ko nang mabait siya. 

"Good to know! See you soon, Rence!" Ibinaba niya ang tawag. Ilang segundo akong nagtagal sa labas matapos ang tawag. 



Mali ang akala ko, hindi siya ang tumawag sa akin. Bakit nga ba siya tatawag sa akin, 'di ba? Wala naman siyang sasabihin... at bakit din para akong dismayado dahil si Ian lang pala 'yon? 

Suddenly, I got curious about her and her relationship with Seis. Noong umalis ba ako sa La Cresta, nagkaroon na agad ng girlfriend si Seis? Ilang taon na kaya sila? Siguro matagal na din, suportado sila ng mga Belmonte. 

Nasa table na ang order ko nang makabalik ako sa pwesto namin ni Saiya. She's busy looking at her phone. Humigop ako sa inorder ko at napatangu-tango dahil masarap iyon!



"Saiya, ikaw nagtimpla nito?" Usisa ko.

"Oo, halos lahat ng nasa menu board ay ako ang nagtimpla." Sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. 

"Paano?" 

Sumilip siya sa akin, "Nag-aral ako Rence and I became a certified tea sommelier." 

"Woah... hindi ko inaasahan na magiging expert ka sa mga tsaa! You don't like it before." Palaging kape ang iniinom niya noong nasa kolehiyo pa kami, bukod kasi sa gamot niya iyon sa hangover ay iyon din ang energizer niya sa t'wing mag-rereview para sa exam. 

"Expect the unexpected, b-itch." Natawa ako sa huli niyang sinabi. 



Nagpaalam na ako kay Saiya nang mag-alas sais ng gabi. Pagkauwi ay binabad ko ang sarili sa  bath tub na punong-puno ng maligamgam na tubig at bula. Unti-unti akong nilamon ng antok, nasa kalagitnaan na ako ng tulog nang mag-ring ang cellphone ko. Namatay ito at nag-vibrate na lang dahil sa text na natanggap. 



Eon: Kapag umuwi ba ako d'yan, papayagan mo akong pumunta sa La Cresta? 



Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa. Madali kong dinial ang number niya para tawagan. 

This is the first time that he mentioned La Cresta. Ayaw na ayaw kong nababanggit sa akin ang lugar na iyon maging ang apelyido nila kaya naging tikom lalo si Eon sa akin. 



"What do you mean, Eon?" Tanong ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.

"I want to go there..." mahina niyang sabi. 

"Bakit? Wala kang gagawin doon! Hindi ka puwede doon!" Tumayo ako at umalis sa bath tub. Inabot ko ang roba at sinuot iyon. 

"No one said that, Ate." Umiling-iling ako. 

"Hindi ka pupunta doon! Sa Manila lang tayo!" Pilit ko. Hindi pwede ang gusto niya, hindi pupwedeng bumalik siya ulit doon!

"Ate naman, gusto ko doon!" Padarag kong binuksan ang pinto ng banyo at lumabas doon. 

"Elonzo, hindi puwede ang gusto mo!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong hotel room. 

Tumawa siya na may halong sarkastik, "Pupwede Ate! Kung ayaw mo, ako lang ang uuwi doon."

"No.."

"Yes." 

"Hindi mo ba naaalala ang mga sinabi nila? Anak tayo sa labas, anak ka sa labas Eon! Wala kang lugar doon, hindi ka nila matatanggap kahit kailan dahil isa kang kasalanan! Hindi mo ba naiintindihan iyon? 'Pag umuwi ka doon, makakarinig ka na naman ng mga salitang masasakit! Mag-isip ka nga!" Habol-habol ko ang hininga dahil sa pagsigaw, mainit din nag buong mukha ko dahil sa galit. I don't understand him!

"Ano bang pagkakaiba mo sa kanila?" Natahimik ako. "Ano bang kaibahan ng sinasabi mo ngayon sa sasabihin nila? I get it, Ate! Anak ako sa labas, aminado ako doon! Bunga ako ng kasalanan ni Papa, I know that! Everyone knows that! Tanggap ko na ang lahat! That's why I want to go there, to try if they will accept me too since I accepted myself for who I am."

"Eon..."

"Tinanggap ko na ang sarili ko na ganito, ikaw ba Ate... tanggap mo na ba sarili mo?" 



Hindi ako pinatulog ng tanong ni Eon. Magdamag akong umiyak sa sofa habang pinapanood ang mga bituin at ang buwan sa langit. Marami-rami na ring eroplano ang dumaan doon at maraming beses ko na ring pinaulit-ulit sa utak ko ang katotohanan. 

Eon's right... Para matanggap ako ng ibang tao bilang ako, dapat ko munang tanggapin ang sarili ko. In those five years, I only think about what matters the most and that is Eon. Sa sobrang focus ko sa isang bagay, nakalimutan ko nang tumingin sa iba. One of them is accepting myself but I can't. Hindi ko kaya. Hindi ko maatim na isa akong bunga ng makasalanang pagmamahalan. Bakit kasi gan'on? 

I canceled all my plans that day. I wrapped myself with a comforter and played movies on TV. Eon didn't text or call me too. He's mad at me. Now I realized what I said to him, wala nga akong pagkakaiba sa kanila. I didn't even think his feelings. 



"Ano bang nangyari?" Si Saiya na naupo sa tabi ko, tinext ko siya na dalhan ako ng milktea and cake na galing sa shop niya.

"Eon wants to come here." 

"Oh? Bakit ka nag-eemote d'yan? Uuwi na si Eon sa pinas!" Inilapag niya sa center table ang dala at binuksan ito. "These are our best sellers, masarap 'yan kaya kainin mo na." 

"Saiya, gusto niyang pumunta sa La Cresta." Napahinto siya sa ginagawa at tumingin sa akin.

"A-Ayos lang ba na pumunta kayo roon?" 

Nagkibit-balikat ako. "Hindi siguro." 

"Malaki na si Eon, Rence. Kaya na niyang magdesisyon ng para sa sarili niya. Kung ano ang gusto niya ay suportahan mo na lang."

"Hindi pwede, Saiya. Ayokong masaktan ang kapatid ko." 

"Don't you forget that Eon is stronger than you. Yakang-yaka niya 'yon kung pupunta man siya!" 

"Hindi ko na alam gagawin ko. Natatakot ako."

"There is nothing to be scared about. Eon's a grown man, let him handle everything on his own. You can't force him to not go there, they are your family after all. For now, ang isipin mo ay ang pagpapatayo mo ng bahay at negosyo."

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon