Wakas

317 13 0
                                    


A/N: This will be the last chapter of TILA. Thank you so much for reading!


That night, when I saw the beautiful lights from the buildings and streetlights of La Cresta, is the night when I decided that I will stay. I will stay with Seis, I will stay beside him no matter what. 

Ilang buwan na ang nakararaan nang magdesisyon akong manirahan dito sa La Cresta. Ang totoo ay nagsasama na kami ni Seis sa bahay na ipinatayo niya sa La Cresta Village na nasa itaas ng bundok ng Desesperanza. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magbakasyon at magpunta sa iba't-ibang beaches dito sa Pilipinas. Ngunit ang pinakapaborito at binabalik-balikan namin ay ang Linea Costera kung saan ako nalunod noon. 

Tinuruan ako ni Seis na mag-surfing at kalauna'y natuto rin. Sobrang dami ng ginawa naming adventures at binisitang lugar, halos hindi ko na ito mabilang. Ang sunod sa bucketlist namin ay ang mga beaches naman sa labas ng bansa.  


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


S'yempre, hindi namin nakalimutang magtrabaho. Naayos na ang apartment na ipinatayo ko sa Manila pati ang bahay. May mga tenant na rin akong mga estudyante roon. Si Eon naman ang umuukupa sa bahay at paminsan ay naroon rin ang ibang pinsang naluwas ng Manila. 

I am happy and contented with my life now. Having my family and Seis by my side, that is all I'm asking for. Hindi man naging maganda ang takbo ng buhay ko noon, natutuwa ako na nasa ayos na ito ngayon. Kung noon ay puno ako ng pagdududa sa lahat lalo na sa aking sarili, ngayon ay hindi na. I can't ask for more because everything I need is here. 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hey, baby." Bati niya sa akin nang makita ako rito sa kusina. Living with him means sleeping with him in one bed. Yes, I admit. We already made love. Hinalikan niya ang sintido ko at sinilip kung ano ang nasa pan. "Omelette?"

"Yup, your favorite!" Ihinarap niya ako sa kaniya at pinaulanan ng halik sa iba't-ibang bahagi ng aking mukha.

"Oo, sobrang sarap niyan! Specialty mo 'yan eh." Panunuya niya na ikinasimangot ko. He pinched my nose and then kiss it. "Kahit ulam natin palagi ay itlog, mahal pa din kita." 

Tumakbo siya papalayo sa akin dahil alam niyang hahampasin ko siya dahil sa pang-aasar niya. "Huwag kang kakain ah!" Pabiro kong sigaw nang hindi siya mahabol.

"I love you Emirenciana! Marry me soon!" 

Gulat man sa narinig ay hindi ko na naiwasang mapangiti sa kabila ng panunuya niya. 


Living with your significant other on the same roof helps you to know or learn his or her habits whether it is good or bad. You'll know his or her likes or dislikes, attitudes and of course, his or her spending habits. It wasn't easy, there's a time when you both argue and fight but that's what makes your relationship get stronger and it will both help you to prepare for a married lifestyle. 

I know some of you will say that it's taboo or considered immoral but living with him indicates that Seis is the one who I really want to spend whole life with. 

Nag-aabang kami nina Hell, Hermi at Eon sa airport para sa pagdating ni Tita Helen. Abot-abot ang kaba ko dahil ito ang unang pagkikita namin ulti makalipas ang ilang taon. Kadalasan kasi ay sa video call lang kami nakakapag-usap. 


"Relax hermana, si Mommy lang 'yan." Sabi ni Hermi na napansin ang pagiging aligaga ko.

"Don't tell me takot ka kay Tita Helen, Ate?" Pang-aasar ni Eon. Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napa-aray siya.

"Ilang buwan na kayong nagkakausap ah? Still not used to it?" Ani Ate Hell na huminto sa pagta-type sa cellphone niya.

"Iba naman kasi iyong sa harap ng screen kaysa personal." 

"Chill, hermana." Natatawang sabi ni Hermi. "Oh, there she is!" 


Napatingin kaming lahat sa tinuro ni Hermi. Kumaway sa amin si Tita Helen at ang kasama nitong si Tito William. Agad nila kaming pinuntahan. S'yempre,  dahil kinakabahan ay hinayaan ko munang batiin nina Ate Hell at Hermi si Tita. 


"Ate Rence is nervous, Mom." Sumbong ni Hermi at dumila sa akin. Lumapit tuloy si Tita sa akin at inakap ako ng mahigpit.

"You shouldn't be, Rence." Hinalikan niya ang pisngi ko bago lumipat kay Eon na pinanggigilan niya. "You really look like your Dad and it annoys me!"

Lahat kami ay tumawa.

"Mas guwapo naman ako doon, Tita!" Angal ni Eon.


Tita Helen accepted us as her own. She can't blame us for what our father did. Wala naman daw siyang dahilan at wala naman daw kaming kasalanan para magalit siya  sa amin at saka tanggap na niya ang nangyari. Now, she is so fond of Eon even though she's always complaining that he really look like our Papa Irven. Even Tito William likes him too. Siya na ang paborito dahil anila'y unico hijo ito.

Everyone moved on from what happened. We're all happy now. We all became a family. 



TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon