Kabanata 13

145 5 0
                                    




Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong ni Isobelle. Nagkwento siya tungkol sa nangyari sa araw niya sa school na pinapasukan niya. Nasabi niya din na ililibot niya ako d'on sa ibang araw.

Masaya niyang ibinalita ang plano para bukas.


"We're going to Línea Costera tomorrow morning. It's located between La Trinidad and Montgomery. We'll teach you how to surf since Seis taught you how to ride a horse today."

Nabanggit ko kasi sa kaniya ang ginawa namin ni Seis kanina, "Marunong kang mag-surf?"

"Yes!" Masaya niyang sagot, "I'm excited to teach you how to do it!"

"You're not good in surfing, Isobelle. Stop pretending." Singit ni Loqui na busy sa paglalaro ng PS4 kasama si Jako.

"Shut up, Loqui!" Agap na tanggi nito.


Natahimik ako nang bumukas ang double doors at iniluwa noon ang magkapatid na si Hell at Hermi.

They looked at me with disgust and made their way to the second floor. I wonder why they hate me so much.. naalala ko din ang sinabi ni Hell sa akin kanina.

Nasa kwarto ako, naghahanda na sa pagtulog nang kumatok si Eon.


"Can't sleep?" Lumapit siya sa akin at naupo sa dulo ng kama.

"Hindi naman." Sagot niya.

Mukhang may bumabagabag sa kapatid ko, "What is it?"

"Ate we should go home." Gulat sa sinabi niya, kumunot ang noo ko.

"Bakit Eon? Hindi mo ba gusto dito?" Umiling siya at bahagyang nangingiti.

"I actually like here. Iyon nga lang may mga bagay na hindi para sa atin." Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Tulad ng?"

Muli siyang umiling, "Nothing Ate. Sorry for disturbing you. Matutulog na ako, ikaw din. Goodnight."


Dahil sa pagod ay nakatulog agad ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Alas siete ng umaga ay nag-almusal kami sa hapag. Ganoon pa din ang ambiance, may tensyon na pumapalibot pero wala namang kumusyon tulad noong nakaraang dalawang araw.

Naghanda ako sa pag-alis naming magpipinsan. Sa beach naman kami pupunta kaya nag-shorts lang ako at simpleng t-shirt.



"Malalakas ang alon doon, Ate. Paalala ko lang." Si Jako na nakaakbay sa girlfriend niya.

"Huwag mong takutin, Jako." Si Kuya Rio na nag-aayos ng mga gamit namin sa likod ng van. Mabuti at nakasama siya sa amin ngayon, akala ko ay busy siya sa trabaho niya.

"Rence is going to be alright for sure. She survived the horseback riding yesterday!" Anunsyo ni Loqui na nagpalingon kay Kuya Rio sa akin.

"Really? That's good! Eon did a good job too in harvesting the mangos and packing them." Hindi ko alam na nagpunta pala sila sa pabrika kahapon.



Kilala ang mga Belmonte sa produkto nilang mga prutas. Ayon kay Kuya Rio, hindi naman daw talaga iyon ang pangunahing kabuhayan ng pamilya namin. Kumbaga isa pa lang 'yon sa business nila. Ang totoong nagpakilala sa mga Belmonte ay ang paggawa ng building, kalsada, tulay at iba pa. Nasa bayan raw ng Santa Monica ang building ng Belmonte Builders.


"Daanan natin si Seis sa planta nila." Si Loqui nang makasakay kami sa van.

"Si Seis?" Hindi ko alam na kasama siya.

"Bakit kasama si Seis? I thought tayo-tayo lang." Si Isobelle.

"I invited him since matagal-tagal na din na hindi kami nakakapag-surf, why?"

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon