Kabanata 11

161 6 0
                                    




Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Inaantok pa ako nang buksan ko iyon, tumambad sa akin ang isang maid na may katandaan na. Nahiya tuloy ako dahil kakagising ko lang at dumiretso na ako sa kanya.


"Kanina pa po kayo hinihintay ni Senyora sa baba." Aniya.

"Sige po, susunod na ako." Saka siya tumalikod pero bago pa siya makaalis ay inilagay niya pa ang kamay sa ilong na parang may naamoy na hindi maganda.


Inamoy ko ang sarili ko.

S-hit!

Hindi nga pala ako nakapag-half bath at toothbrush kagabi. Nakatulog na agad ako pagkahiga ko pa lang sa kama. Bago lumabas ay nag-ayos muna ako ng sarili. Sampung minuto ako sa harap ng salamin habang nagtotoothbrush, mahirap na. Baka maamoy din nila ang hininga ko gaya ng sa maid kanina.


"Sabi ng mga maid ay ang ingay niyo raw kagabi." Boses iyon ni Lola, pumasok ako sa dining room.


Naroon na lahat ng pinsan ko, ang wala lang ay si Tito Inario. Nilapitan ko si Lola para mag-mano, tinapik ni Isobelle ang bakanteng upuan sa tabi niya indikasyon na doon ako maupo.


"Tanghali ka na nagising, hija. Naparami ka yata ng inom?" Nakangiting tanong sa akin ni Lola.

"Hindi naman po, sobrang antok lang po talaga ako." Naupo ako sa tabi ni Isobelle, siya namang pagtayo ng dalawang magkapatid na sina Hell at Hermi.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Lola.

"Mali-late na ako sa klase," sagot ni Hermi at bumeso sa kanya saka umalis.

"I lost my appetite, Abuela." Si Hell na tumingin pa sa akin.

Bumuntong hininga si Lola, "Talk to your daughters Hellen. No me gustan sus actitudes. La próxima vez que hagan eso en medio del almuerzo, los echaré." (I do not like their attitudes. The next time they do that in the middle of lunch, I'll throw them out.)

"Sí Mamá. Please excuse me." Tumayo ito at sinundan ang mga anak.


Katahimikan na naman ang naghari sa hapag. Gumaan lang ulit ang pakiramdam nang ngumiti si Lola sa amin at inaya na kaming kumain.

Pagtapos ng pagkain ay gusto ko sanang tumulong sa pagligpit ng pinagkainan ngunit hindi ako pinayagan ng mga katulong. Sila na daw doon at sumama na lang raw ako sa iba kong pinsan.

Dahil wala naman akong magawa, sinubukan kong libutin ang buong mansyon. Halos maligaw ako dahil sa rami ng kwarto. Sa likuran ay tumambad sa akin ang isang mahaba at malaking swimming pool. Ang sarap sanang mag-swimming kaso mainit.

Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito, iniluwa ang isang babaeng naka-two piece at may hawak na roba. Hindi niya ako napansin at tumalon na agad sa pool. Sa pag-ahon niya ay dumako ang mga mata niya sa akin, kahit malayo ay kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay.


"What are you doing here?" Tanong niya, unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Naglilibot lang," mas lalong tumaas ang kilay niya.

"You can't be here." Nakaramdam ako ng hindi pagkakumportable. "You know why?"

Umiling ako, "It is because you're an illegitimate child."


Bago siya umalis ay tiningnan niya ako na para bang suyang-suya siya sa presensya ko dito sa mansyon. Illegitimate child? Ako? Paano? Kasal sina Mama at Papa, iyon ang sabi ni Tita Ruby!

Tumunog ang phone ko at lumabas ang unknown number dito.


"H-hello?" Utal kong sabi nang sagutin ang tawag.

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon