Kabanata 29

150 7 0
                                    



It's three am in the morning when we arrived at La Cresta. I texted Kuya Rio that I will stay in a hotel. Ayoko kasing doon tumuloy sa hacienda. Nakakapanibago ang paligid, maraming nagbago sa La Cresta. Ang dating simpleng probinsiya ay umunlad na ngayon. Kunsabagay, limang taon na rin kasi ang nakakalipas. 


"Good morning. Welcome to Aster Hotel. How may I help you?" Bati sa amin ng babaeng receptionist.

"Hi, good morning. I'd like to have a room." 

"Would you like to have a room with two beds or just a king sized bed Ma'am?" Napakunot ang noo ko. S-hit! Nakalimutan kong magkasama pala kami ni Seis!

"I-I... magkaiba kami ng kwarto Miss. Isa sa akin at isa sa k-kaniya." Ngumiti at tumango ang babae, 

"The one with two beds, Miss." Napalingon ako kay Seis. W-What? 

"Alright Sir," tumalikod sa amin ang babae at may kinuha. "This is your room keycard, your room number is room 143 and it is on the third level of the building. Enjoy staying here at Aster Hotel." 


Wala ni-isa sa amin ni Seis ang nagsalita habang papasok kami ng elevator. Hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ang kamay ko gayong malamig naman dito sa loob ng elevator. 

Si Seis ang may hawak ng maleta at groceries na pinamili namin kanina. Sukbit din sa kaniyang balikat ang kanyang leather bag. Bumukas ang elevator at lumabas kami doon, mabigat ang paghinga ko habang hinahanap ang room namin.. namin. 

S-Shit!


"Rence." Napalunok ako bigla, dahan-dahan ko siyang nilingon. "Lumagpas ka, eto yung room 143." 

Hilaw akong ngumiti sa kaniya, "Ahh! Sorry." 


Nagmamadali kong ini-swipe ang keycard at pumasok ng kwarto. Pinili ko iyong kama na malapit sa bintana. Sinilip ko ang labas at nakita na iilan pa lang ang bukas na establisyimento. 


"Stay here, Rence. I'll go out to buy some clothes." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay narinig ko na lang ang tunog ng pagsara ng pinto. 


Ngayon lang ako ng maluwag. Parang nabarahan ng sobrang laking busal ang lalamunan ko at hindi ako makahinga ng maayos kanina. Nakaramdam ako ng antok kaya naman nagmadali na akong mag-half bath, hihintayin ko pa sana si Seis na makauwi ngunit kinuha na ako ng antok. 

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. 


"Here is your order Sir." 

"Thank you." Sumara ang pinto at nawala ang mga boses. 


Inaantok pa pero bumangon na ako. I looked at my phone and it's nine thirty in the morning. Kinusot ko ang mga mata ko para makakita ng maayos. 

I saw Seis sitting on the couch while typing on his laptop. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakapajama, white sando at nakasalamin habang busy sa pagtatrabaho. 


"Good morning," bati ko na nakaagaw ng atensyon niya.

"Good morning. Are you hungry? Or still sleepy?" Tumayo siya at ibinaba ang laptop sa couch, lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. 

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon