Kabanata 35

195 6 0
                                    


We talked about almost everything the whole dinner. She is so kind, humble and cheerful, ibang-iba sa ipinakita niyang ugali sa akin noon. Naikwento niya rin ang kapatid naming si Hermi, aniya'y mabait naman 'yon kaso medyo spoiled. Tiyak na magkakasundo din daw kami ni Hermi. She also wanted to meet Eon and apologize too but I said she don't need to, hindi siya pumayag kaya naman bukas ay magkikita-kita kaming tatlo. 


"It's good to have a baby sister besides Hermi." Pinagbuksan kami ng pinto ng guard. 

Nginitian ko siya, "It's good to have an older sister too." 

"I wish Dad could see us," sobrang tagal na at hindi pa rin nahahanap si Papa.

"I tried to search for him. I hired a professional and private investigator but he's nowhere to be found." Ilang taon akong umasa noon na makikita ko siya pero wala. Walang nahanap ang imbestigador na hinire ko. 

"We searched for him too. The last update we heard from our investigator is that Papa is alive. Someone saw him in Pagadian City." Nanlaki ang mga mata ko. "Our investigator together with his team flew there last month but they didn't find him." 

"Kung buhay man si Papa, sana ay mabisita man lang niya tayo." Tumango siya.


Kahit na may kasalanan siya sa amin, magulang pa din namin siya. Papa o Daddy pa din namin siya. Siya pa rin ang bumuhay sa amin kahit siya mismo ang sumira sa pamilyang binuo niya. I love him and I know my siblings love him too. 

Sana ay mahanap na siya kung totoo man ang balitang may nakakita sa kaniya. Marami akong tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan na siya lang ang makakasagot. Hindi ko siya susumbatan sa pagkukulang niya kundi tatanungin lamang siya. Marahil ganoon rin ang mga kapatid ko, marami silang gustong malaman.


"It's getting late, h-hermana. You should go so you can take a rest." Sabi ko sa kaniya. Hinarap niya ako at ngumiti.

"You should go home too. Thanks for inviting me, Rence. I'll see you then." Nagulat ako nang lumapit siya sa akin para yakapin ako.

"Sigurado ka na hindi ka uuwi sa mansion? I'm sure matutuwa si Lola kung makikita ka niya," bulong ko sa likod ng pagyayakap namin.

"Maybe I'll pay her a visit tomorrow." 


It was a long tight and warm hug. Alam mo iyong hindi mo maipaliwanag na pakiramdam? Iyong ngayon mo lang naramdaman at maiiyak ka na lang dahil doon. Wala akong Ate kaya ganoon na lang kagalak ang puso ko. 

Nakangiti siya sa akin at kumaway pa nang makapasok sa loob ng cab. Sakto naman ang dating ni Seis na bumaba pa ng sasakyan para kumustahin ako.


"Anong nangyari?" Agap niya at hinawakan ang siko ko.

"Ayos na, Seis." Ngumiti siya at tumango saka ako inaya na umuwi na. 


Maganda ang umaga ko kinabukasan dahil sa wakas ay nagkaayos na kami ng kapatid ko. Lahat ng mga pinsan namin ay excited at tahimik na nakikinig sa akin habang nagkukwento sa hapag. Maya-maya lang ay inanunsyo na ng isang maid ang pagdating ni Hell. Everyone looked so happy when they saw her. 

Nagsigawan pa sila nang yakapin kami ni Helle. 


"I'm so sorry, Eon." Aniya sa bunso naming kapatid at niyakap itong muli. 

"O-Okay lang po." 


Masaya ang buong hacienda dahil sa nangyari. Naging emosyonal lang kami noong puntahan namin si Lola sa kwarto niya, miss na miss niya si Hell at si Hermi kaya naman iyak siya ng iyak. Later that day, Eon and I get the chance to talk with Tita Helen through video call. 

Sobrang nahihiya pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Mabuti na lang at nasa tabi namin si Hell. Tita Helen cried a little bit but she said that it's fine, that we don't need to worry about everything because she's happy now and she's looking forward to see us.


"Rence, you changed your surname. Why did you do that?" Tanong sa akin ni Tita habang katabi ang asawa niya. 

"Honestly I did that because years ago I don't want to associate with the Belmonte's..." nahihiya kong sagot.

"I understand but don't you ever think na ipinagbawal namin sa'yo ang apelyido mo. You are a Belmonte and always will be after all what happened." She said while wearing a warm smile. 

"Thank you, Tita." 


The video call last for two hours and it was one of the best hours of my life. Lahat kaming magpipinsan ay nagtipon-tipon sa patio para magkwentuhan. Kanya-kanya kaming kwento tungkol sa mga negosyo na ipinatayo at ipapatayo. Hell mentioned that she will put up a mannequin factory here in La Cresta. It's quite weird yet extraordinary. 


"I'll be your first customer, Hell." Ani Jai.

"Oh shut up, mamanyakin mo lang iyong mannequin eh!" Reklamo ni Isobelle sa Kuya niya. 

"I agree!" Pagsang-ayon ni Loqui sa sinabi ng pinsan.

"Omg, I'm thinking about putting up a clothing line and maybe I'll be your first customer!" Excited na sabi ni Aura.

"Just make sure that your business will grow!" Singit ni Kuya Rio.

"Come on, hermano! Don't you dare challenge us!" Sigaw ni Cza na may balak namang magpatayo ng cafe na tanging desserts lang ang ibinebenta. 

"Eh kayo Auli, Loqui, Jai and Eon? Anong plano niyo?" Tanong ni Kuya sa mga lalaki. 

Nagkibit-balikat si Loqui, "Magpapatayo ako ng strip club!"

"What the f-uck?" Binatukan siya ni Hell saka kami nagtawanan.

"Why? It's good! Everyone will come to my strip club spending money for some hoes." Umarte pa siya na parang inihahagis ang pera sa ere.

"You're really f-ucked up!" Iiling na sabi ni Auli saka uminom ng beer.


Bago lumubog ang araw ay sinundo ako ni Seis sa mansion. May gusto daw siyang ipakita sa akin at siguradong magugustuhan ko daw ito. Hindi pamilyar ang dinadaanan namin at paakyat ito ng bundok. Iniliko niya ang kotse sa isang patag na lugar at namangha ako sa nakita ko. 

Wala sa wisyo akong bumaba habang nakatanaw sa harapan ko. Sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin na humawi sa buhok ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse at lumapit sa akin si Seis, kinuha niya ang kamay ko at inilapit ako sa kaniya. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Stay with me, Rence." Nilingon ko siya sabay ng hanging dumadampi sa aking pisngi. Inalis niya ang buhok na humaharang sa aking mukha at inilagay ito sa likuran ng aking tainga. "Stay with me here." 

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon