NAsa bukana nang pinto ang sampong taong gulang na si Christian nang marinig niyang sumisigaw si Don Alvaro Sebastian.
" hijo de.... caramba" Ang matanda na itinaas ang baston sa mukha nang anak na si Erlinda.
" iwan mo ang hampaslupa mong asawa, Erlinda, at tatanggapin kitang muli. Kayo nang anak mo!"
"Mahal ko si Crisanto, Papa. Hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo," humihikbing sagot ni Erlinda.
"Para kang pulubi. Ipinagpalit mo ang anak ni Don Felipe Montaho sa pobreng iyon na isa lamang tauhan sa rancho, que horror!" Patuloy nang matanda. "At hindi kita patatawarin hanggat di mo siya hinihiwalayan."
Umatras si Christian palabas sa naring na panghahamak ng abuelo sa ama. Pagkatapos kumaripas nang takbo.
"Christian!!" Lingon ni Erlinda sa anak. Nagaakusang tiningnan ang ama at sinundan ang anak.
Si Christian ay patuloy sa pagtakbo at walang kamalay-malay na apat na ranchero ang humahabol sa isang nagwawalang toro. Nagulat pa ang batasigawan ng mga tauhan ng rancho.
''Ang bata! Ang bata! "
Biglang huminto sa pagtakbo si Christian. Natoun ang tingin sa sumisingasag na toro na siya and tinutungo. Ilang dipa na lamang ang layo nito sa kanya.
"Christian, takbo, anak! " Sindak na sigaw ni Erlinda nang makitang ang anak ang pinupuntirya nang nangngangalit na baka. Halos panawan siya ng ulirat sa natitiyak na mangyayari sa anak.
Ang bata ay marahang umatras na sa sindak ay hindi agad nakatakbo at sumusugod an toro. Sa isang kisap-mata'y tumaas mula sa lupa ang bata na hinablot ng isang rancherong nakakabayo at mabilis na inilayo. Subalit hindi bago nasabi ang sungay ng toro sa balikat ni Christian na pumunit sa kamiseta niya.
Ibinaba ng ranchero ang bata sa harap ni Erlinda na walang kulay ang mukha sa matinding sindak.
"Christian, anak!" Halos hindi lumabas sa bibig ni Erlinda iyon at mahigpit na niyakap ang bata.
"May sugat siya senyorita," wika ng magiting na ranchero. Hinubad ang bandanang nakasabit sa leeg at inabot kay Erlinda. Sa nanginginig na kamay ay itinali nito ang bandana sa duguang balikat.
"Oh, Christian....." muling niyakap ang bata.
"Kailangang dalhin ninyo agad sa bayan si Christian, senyorita. May sugat siya sa balikat. Baka hindi maampat ng tali."
Tumingala si Erlinda sa ranchero. Si Alfonso ay kaibigan ni Crisanto.
"M-maraming salamat, Alfonso. Utang ko sayo ang buhay ni Christian. Hindi ko alam kong papaano ko mababayaran ang ginawa mong ito."
Kumawala si Christian at tumingala sa ranchero.
"Ako ang may utang sa kanya mama. Buhay ko ang iniligtas niya kaya ako dapat ang magbayad," mariin at malinaw na sinabi nang bata. "Sa ano mang paraan Alfonso at magbabayad ako ng utang,"
Nangiti ang ranchero. "Para kang si Crisanto magsalita, Christian Jason Orozco."
"Sabihin mo sa anong para ko mababayaran ang utang ko sayo ranchero!" Matigas na sabi nito.
"Anak... Christian."
" hayaan mo siya Erlinda. Tulad ng mga Sebastian, hindi niya gustong may pinagkautangan ng loob. "At tulad ni Crisanto Orozco, may halaga ang salita" ani ni Alfonso na totoo sa loob ang sinabi.
At natitiyak nito na hindi mapapahinuhod ang bata kung wala siyang sasabihin. "Dadalawang buwan pa lamang na nakapanganak ang asawa ko, Christian !!
Nang isang malusog at magandang babae. Labing walong taon mula ngayon, pakasalan mo ang anak ko." Wala sa loob na sinabi ni Alfonso.
Nagsalubong ang mga kilay ng bata."kinokontrata mo ang buong buhay ko pagkalipas ng labing walong taon Alfonso?"
"Iyon lamang ang kondisyon ko, Christian Orozco. Kung hindi mo gusto, hindi naman ako nagpapabayad ng utang na loob. Kalimutan mo, kung gayon, " pirmal ding sagot ni Alfonso na tinapatan ang anyo ng bata.
Bahagyang napahiya si Christian " matutupad Alfonso . Pakakasalan ko ang anak mo paglipas ng ikalabing walong tag- araw."mariin at seryosong binitiwan ni Christian ang pangakong iyon na sinabayan ng paglahad ng munting kamay.
At sa pigil na ngiti ay inabot ng ranchero ang kamay ng bata at mahigpit na pinisil
" hanggang sa ikalabing walong tag - araw Christian Orozco"
BINABASA MO ANG
He's the BOSS!!
RomanceDalawang buwang sanggol pa lamang si Angelie nang mangako ang sampung taong gulang na si Christian Jason Orozco sa ama niya na pakakasalan siya sa pasapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth bi...