RANCHO SEBASTIAN! Sukat sa sinabi ni Angelie ay tumigas ang mukha ni Christian. Lalong nadagdagan ang kaba ng dalaga. Kung hindi siya nakaupo baka bumigay na ang mga tuhod niya.
" Inutusan ka ng matandang kausapin ako? Itinanong iton sa mapanganib na tuno. At kung nagkataong kilala ni Angelie si Christian ay totoong matatakot siya sa tuno nito.
" Kung... kung ang gusto mong tukuyin ay si Don Alvaro..."
"Kung taga roon ka ay alam mong walang iba akong tinutukoy," agap nito sa sinasabi niya. "Hindi ako interesado sa mga sasabihin mo mula sa kanya. Pagkatapos ng abogado ay babae naman ngayon ang ipinadala ng matandang iyon, ha?" hinagod nito ng malisyosong tingin ang dalaga. "Sabihin mo sa matandang diablo na he's wasting his time. I don't ravish little girls, "pagkasabi no'oy dinampot ang susi ng sasakyan at akmang lalabas.
Ipinadala ng matanda"!!, little girls bumangon ang galit sa dibdib ni Angelie sa implikasyon ng sinabi ni Christian. Napatayo siyang bigla.
" Hindi ako inutusan ni Don Alvaro at huwag mo akong insultuhin!" Tumaas ang tinig niya bago napigil ang sarili. Hindi siya dapat magalit. Higit kanino man ay alam niya ang damdamin ni Christian pagdating sa Rancho at kay Don Alvaro. Naibalita na sa kanya ni Atty. Marquez iyon.
" Please, hindi tungkol kay Don Alvaro ang dahilan kaya ako narito,"biglang nagbago ang tuno niya." Mag-iisang taon na siyang patay...."
Huminto sa paglakad si Christian at nilingon siya. Nasa harap niya ito at ilang dangkal lang ang pagitan nilang dalawa. " So, the old devil has finally died, "puno ng sarcasm ang tinig nito na sinabayan ng ngiti na hindi naman umabot sa mga mata. "Kung ang balitang iyon lang inihatid mo...." " P-please,"agap niya.
"If you're really busy now dahil sa mga kasama mong naghihintay, nakahanda akong maghintay rito hanggang sa makabalik ka, " nakikiusap ang tinig niya." Just promise me na kakausapin mo ako, " " Bakit ko gagawin yon?"malamig nitong tanong.
Ang mga mata'y inihagod sa mukha niya. Wearly, inilahad ni Angelie ang mga kamay. "Oh, I don't know,"
Ibinagsak uli niya ang sarili sa lounge." I was hoping na kakausapin mo ako. I travelled this far para lang makausap ka....tungkol...tungkol sa,, ..sa akin" nagyuko siya ng ulo roon.
BINABASA MO ANG
He's the BOSS!!
RomanceDalawang buwang sanggol pa lamang si Angelie nang mangako ang sampung taong gulang na si Christian Jason Orozco sa ama niya na pakakasalan siya sa pasapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth bi...