"Do you have an appointment?"ang tanong ng sekretarya kay Angelie.
" No, but Im sure he will see me."lakas loob niyang sinabi.
Ganito ba kahirap makausap si Christian?
Kanina ay sa security guard, pagkatapos ay sa reception. Ngayon naman itong sekretarya. Para siyang dumaraan sa sentry ng mga hapon.
" May I have your name?"
" A-angelie...Laborte."
Tumanggo ang sekretarya na isinulat sa kapirasong papel ang pangalan niya. Pagkatapos tinitigan ang dalaga. Sanay na ito sa ganoong dialogo ng mga babaeng gustong makausap ang boss nito.
Ang kaibahan nga lang ng kaharap ay hindi ito yung tipong sopistikada. Hindi ito ang uri ng babaeng type ng boss nito. Ang kaharap nito ay tipong probinsiyana subalit hindi nito maitatangging maganda bagaman kahit wala kahat lipstick. Higit na maganda sa mga babaeng sanay na nitong nakakaharap at naghahanap kay Christian.
Probinsiyana, all right pero cultured ang tinig ganun din ang pagsasalita. Muling dinaanan ng mga mata nito si Angelie sa pantalong maong na namuti na sa sobrang kupas. T - shirt na kulay puti rin at luma na.
Ang mahabang buhok ay nakatirintas mula sa tuktok ng ulo at ang dulo ay umabot hanggang batok.
" Im really very sorry Miss Laborte but Mr. Orozco is in the middle of an important meeting right now, " wika ng sekretarya.
" Malibang importante ay hindi ko siya maaaring gambalain."
Hindi malaman ni Angelie kung ano ang gagawin pero determinado siyang makausap si Christian dahil kung hindi malamang sa kalye siya matutulog.
" Hihintayin ko hanggang matapos ang meeting ni Mr. Orozco, " nilingon niya ang mahabang divan.
" Maari ba akong maupo roon at maghintay?"
"Sure. Pero tinitiyak ko sa iyong mahihirapan kang pakiharapan si Mr. Orozco. Marami siyang appointment sa umagang ito."
" Ikinalulungkot kung maging mapilit Miss, pero tinitiyak ko ring hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap ang boss mo, " determinadong sagot ni Angelie. Pagkatapos ay lumakad patungo sa waiting area.
Lihim na napapailing ang sekretarya. Hindi ito makapaniwalang ang ganito kabatang babae ay pinatulan ng boss niya. Kung sa bagay ay talagang ang mga babae na mismo ang naghahabol sa boss nito bata man o may edad. May asawa o dalaga man.
Si Angelie ay sinikap abalahin at libangin ang sarili sa pamanagitan ng pagbubuklat ng mga naroong mga magazines na sa totoo lang ay hindi naman niya naiintindihan kung ano ang nakasulat. Blangko ang tingin niya sa mga larawang nasa pahina. Magkahalong kaba at takot ang nasa dibdib niya.
Paano nga kung hindi siya pakiharapan ni Christian? May posibilidad na gawin ng lalaking iyon dahil hindi naman siya nito kilala bukod pa sa sinabi na ng abogado ni Don Alvaro na hindi nito gustong makausap kahit na sino na nagmula sa Rancho Sebastian.
Mabagal at kainip inip na lumipas ang dalawang oras. Walang ginawa si Bea kundi tingnan ang relong nakasabit sa may dingding. At bawat tunog ng telepono ay tumitingin siya subalit lahat ng mga tumatawag
Na marahil gustong makausap si Christian ay iisa ang sagot ng sekretarya.
" Im sorry but he's having a meeting and cannot be disturbed"
BINABASA MO ANG
He's the BOSS!!
RomantizmDalawang buwang sanggol pa lamang si Angelie nang mangako ang sampung taong gulang na si Christian Jason Orozco sa ama niya na pakakasalan siya sa pasapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth bi...