Tumayo si Christian at lumakad patungo sa bintana. Hinawi ang kurtina at wala sa loob na pinanonoood ang pagbaba ng mga tin plates para sa can factory. Dumaloy ang mga alaala nang mga nagdaang maraming taon sa buhay niya.
Sa paglipas ng mga taon ay tuluyan ng mawala sa isip niya ang usapang iyon sa pagitan nila ni Alfonso. Iyon din ang huling pagyapak niya sa Rancho Sebastian. Sa taon ding iyon ay nilisan nilang maganak ang Sto. Cristo upang makipagsapalaran sa Manila. Ang Papa niya ay napasok na waiter sa isang casino sa Roxas Boulevard na pagaari ni Don Arsenio Gascon.
Isang away sa club ang naging dahilan ng maagang kamatayan ni Crisanto. Tinamaan ito ng ligaw na bala sa pagitan ng dalawang pulis at mga bodyguard ng isang Congressman.
Ang maagang kamatayan ni Crisanto ang pinakamabigat na dahilan kung bakit tuluyan ng nilimot ni Erlinda ang ama. Sa puso ay sinisi nito si Don Alvaro na kung sanay pinatawad sila ay hindi sana sila makakarating sa Manila at danasin ang buhay na ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Erlinda na maranasan. Sinagot ni Don Arsenio ang gastos sa libing ni Crisanto at sa kaunaunahang pagkakataon ay nasilayan ng matandang biyudo si Erlinda na nang panahong iyon ay tatlumpu at tatlong taong gulang pa lamang at labis na namimighati kasama ang labing dalawang taong si Christian.
Hindi lamang ang pagpapalibing kay Crisanto ang sinagot n Don Arsenio. Tinustusan din nito ang pag-aaral ni Christian. At makalipas ang isang taon ay nafpakasal si Erlinda kay Don Arsenio, upang iahon silang mag-ina sa magulong buhay nila sa Tondo kung saan matira ang matibay ang batas ng buhay. Ang pagpapakasal na iyon ay tinutulan nang nagiisang anak ni Don Arsenio na matanda lamang kay Christian ng isang taon, si Jover.
At higit pa nitong ikinapaghimagsik ay ang pagpapalipat ni Don Arsenio kay Christian sa pribadong paaralang panlalaki na siya ring pinapasukan ni Jover. Nang magtapos ng high school ang dalawang lalaki ay pinasya ni Don Arsenio na ipadala sa America si Jover sa piling ng mga tiyahin nito sa ina.
Bumalik lamang ng Pilipinas si Jover nang mamatay si Don Arsenio. Bagaman taglay parin nito ang sama ng loob at galit para sa pag-aasawang muli ni Don Arsenio ay mas kontrolado na ni Jover ang sarili. Kontrol na hindi naman nagtagal nang basahin ng abogado ang huling testaminto nito.
" Hindi totoo yan, Attorney!" .pinukpok nito ang mesa.
"Hindi ako papayag na kapantay ng mana ko ang mana ng mga ito.!"nagpuyos ang dibdib nito sa galit.Bahagyang ibinaba nang abogado ang salamin nito sa may ilong at mahinahong sumagot. "Malinaw ang sinasaad ng testaminto, Jover. Hinati ni Don Arsenio ang kanyang mga ari-arian sa inyong tatlo. Kay Erlinda Gascon bilang kanyang maybahay, kay Christian at sa iyo."
" Walang karapatan si Christian sa mga kayamanan ng PaPa Attorney!" Nanlilisik ang mga matang tiningnan nito si Christian at Erlinda. "You bastards! Hinango lamang kayo ng PaPa mula sa quatters at wala kayong karapatan sa malaking bahagi ng kayamanan niya!" Naningkit ang mga mata ni Christian at tumayo." Wla kang karapatang magsalita sa Mama ng....... ?hindi natapos ni Christian ang sasabihin dahil inawat siya ni Erlinda.
"Let me handle this once and for all Christian," kalmanteng wika ni Erlinda bagaman nasa mukha ang galit." Kung pagkakaabalahan mong imbestigahan ang aking pinagmulan Jover malalaman mong asul ang dugo ko kaysa sayo. At na hindi tumutukoy ang katagang ginamit mo sa amin kailan lang."
BINABASA MO ANG
He's the BOSS!!
RomanceDalawang buwang sanggol pa lamang si Angelie nang mangako ang sampung taong gulang na si Christian Jason Orozco sa ama niya na pakakasalan siya sa pasapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth bi...