Nagpatuloy na ulit sila sa pagkain. Parang walang nangyari ah. Si Cheska naman nakayuko lang at tahimik na kumakain. Siguro nahihiya sya sa ginawa nya kanina. Dapat lang no! Muntik na akong malagot kay Top.
"What did you cook for me Wifey?" Top asked me with twinkling eyes.
Hindi naman sya halatang excited. Mukha syang bata na excited magbukas ng regalo. T~T Nagi-guilty ako! Hindi ko naman talaga luto itong ibibigay ko kay Top eh.
"Huh? Ah eh... Ito oh! Buksan mo na," inilagay ko sa tapat nya ang pink na lunchbox. Hindi ko din alam kung anong laman nun eh!
Mabilis nyang tinanggal ang balot at takip at lumantad sa harapan namin ang... simpleng rice with bacon. Napakasimple lang nun.
Mukhang galing pa nga sa Rice in a Box at inilagay lang sa lunchbox.
"Napakasimple naman nyan. At napaka-cheap! Mukha pang binili lang sa tabi-tabi" - Audrey
Tinignan ko si Red. Sigurado ako binili lang nya yun. Nag-shrug lang si Red sakin at nagpatuloy sa pagkain. Nasa tapat namin ni Top sina Audrey at Red.
Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Top. Mukha syang na-amaze sa nakita nya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa lunchbox. Mas lalo akong na-guilty! Im a very bad person!
"Thank you." Top whispered to me. He was smiling childishly.
"Y-Your welcome," napayuko ako. I should be ashamed of myself! Pano ko nagawa to sa kanya?
"Tol, kakainin mo ba yan o idi-display mo sa kwarto mo?" - Jack
"Mukhang masarap ah!" biglang kinuha ng lalaking medyo maitim ang lunchbox mula kay Top.
"SEVEN YOU BTCH!!" biglang tumayo si Top at hinabol si Seven.
"Dude! Gutom pa ako kaya pa-share ha!" - Seven
"EAT IT AND YOURE DEAD!!" - Top roared.
"Ako din patikim ng niluto ng Wifey ni Top!" - Jack
"AH F.CK!! DONT YOU DARE TOUCH IT!!" - Top
At nagpaikot-ikot sila sa rooftop.
Naghahabulan silang tatlo. Maya-maya nakisali na rin yung ibang myembro ng Lucky 13 maliban kina Red at Six.
"Pathetic losers" - Audrey
"Bitchy much?" - Red
"Nosy much?" - Audrey
"Jealous much?" Sabi ni Red.
"Me? Jealous? Of what? This thing?" tinuro ako ni Audrey.
"Obvious much?" Red smirked at her fuming face.
"I am not Jealous!"
"Denying much?"
"Shut up!"
"Guilty much?"
"You're so fcking annoying"
"Bitter much?"
"Just shut up you freakin red head!"
"Hahaha! Its such a pleasure to get under your skin my dearest sister!"
"Freak!" biglang nag-walk out si Audrey
Confusing much?
"Shes my sister." paliwanag ni Red
For the 2nd time, nalaglag ulit ang panga ko. Magkapatid sila?! Weh? Hindi kayo magkamukha."
"Hahaha! Mabuti nga yun eh"
Tumahimik na kami ni Red. Wala akong masabi eh. At nagi-guilty parin ako sa panloloko ko kay Top. Nakikipag-habulan parin sya sa mga kaibigan nya. Mukha naman nag-eenjoy silang lahat maliban kay Top na mukhang malapit nang sumabog.
"PERO IMPOSIBLE TALAGA! PANO NANGYARI YON?!" sigaw ni Cheska
"Sshh Cheska!" - Six
"Hindi naman mukhang gangster yung sumundo kay Sam sa school eh!" - Cheska
"Tumigil ka nga!" - Six
"Neat at mukhang decent yung lalaki na yon! Hindi kagaya ng kaibigan mo!"
Hindi ko namalayan na tahimik na sa buong rooftop. Natigilan ang lahat.
"At ang isa pa imposible talaga na magka-boyfriend si Sam ng galing dito sa Pendleton High! Hindi sya papatol sa isang Gangster lang!"
"Cheska!!" - Six
Sumigaw si Six at parang dun lang natauhan si Cheska. Tumingin sya sa paligid at nagulat sya dahil hindi nya akalain na nakikinig kami sa kanya.
"WAAH! SORRY! Akala ko kasi..." yumuko lang sya "Nagulat lang ako, hindi ko kasi akalain na...si Samantha..."
"Ano bang problema ng kaibigan mo? Badtrip." bulong ni Red
Tinignan ko lang si Top. Hindi ko mabasa ang iniisip nya. Cheska mas malala ka kaysa kay Audrey gumawa ng problema. Napakadaldal mo talaga! Bakit kailangan mo pang magsalita?