"Ano ba ang sinasabi mo? Umaarte lang yun, pero ang totoo nyan gusto ka talaga nyang makita!"
"But—"
"Ang swerte mo ngayon alam mo ba? kasi pwede kitang samahan papunta doon. makikita mo na rin syang mag-basketball. nako, i'm sure mas lalo kang maiinlove sa galing nya!"
"bakit pakiramdam ko eh, pinlano nya itong mabuti? at gusto niya lang talaga na may makasama sa pagpunta dun? hay, sana pala sumama nalang ako sa Crazy Trios, siguradong nag-papakabusog na sila ngayon sa parfait.
Nakarating kami sa isang covered court. Ang hirap namang hanapin ng lugar na ito, mga 1 hour yata kami nag lakad. nang dumating kami wala pa namang naglalaro pero ang dami ng tao. ang daming mukhang gangster, at nang pumasok kami sa loob pinagtinginan kami ng mga tao. kasi naman eh, suot ko pa ang aking napakagandang uniform, at ang kasama ko naman ay naka-dress up bilang detective.
Nang lingunin ko sya, ibinababa nya yung hat nya at parang gusto nyang itago ang mukha nya. bigla na naman nya akong hinila at naupo kami sa pinaka-tagong bahagi.
Sinasabi ko na nga ba gusto lang nito magpasama sakin eh. tumingin ako sa paligid at nakita na wala pa ang Lucky 13 sa loob. sa kabilang side naman ay puro maskuladong lalaki na mukhang nasa 2O years old na. nakasuot sila ng red and white na jersey. sila ba ang makakalaban ng Lucky 13? nakakatakot naman.
"Hmm, nako naman nandito pala ang paborito kong player!" biglang sabi ni Sweety na may hawak na binoculars. saan kaya nya nakuha yun? may balak ba syang maging spy sa hinaharap?
"Sino?" na-curious naman ako at sinundan kung saan nakatutok ang kanyang binoculars.
May dalawang gwapo sa direksyon na yun. Tawa sila ng tawa at parang may sparks sa mga mata nila habang nag-uusap. duh, lovers?
"Yun oh, yung gwapo, ayun!" itinuro nya yung dalawang tinitignan ko. "Lyle ang pangalan nya. magaling din sa basketball yan at bukod doon matalino pa."
"Bading ba sya?" tanong ko.
"Ano? Hindi no!" bigla nya akong hinampas. "Bakit mo naman nasabi yan?" iritang tanong niya.
"Eh kasi tingnan mo. mukha silang lovers nung katabi nyang lalaki. kanina pa sila nagtatawanan oh." hinimas ko ang balikat ko, ang lakas ng hampas nya.
"Hindi lalaki yun, ganyan lang talaga si Xel, kilos lalaki."
"At saka mag-bestfriends lang yung dalawang yun. yun ang sabi nila, alam mo ba madalas din sila sa cafe? bagay sila noh?" humagikhik siya ng tawa.
Napaka random talaga ng kapatid ni TOP.
Biglang tumahimik ang paligid nang may pumasok sa court ang Lucky 13. Nakasuot sila ng red at black na jersey.
Napapaligiran sila ng kakaibang aura. katulad nang makita ko silang naglalakad sa school nila ay ganoon din ngayon. lahat sila parang walang pakialam sa iba, na parang sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat at walang kahit na sinoman ang maaaring makatalo sa kanila, at syempre nakita ko na naman sya.
walking with pride and authority just like a king, looking quite hot with his cold hard glare, he said:"Fuck, I'm so pissed today so if you wanna live longer just fuck off." he said emotionless.
Anong nangyari sa kanya? Bakit parang sobrang sama naman ng aura na bumabalot sa kanya? at ang mga mata nya, sobrang cold. hanggang dito sa pwesto ko nakakatakot syang tingnan.
"My little brother is so cool, pero bakit kaya mukhang may sumpong na naman sya? hindi maganda to." sabi ni Sweety "Wow! look at those good-looking guys beside him. I really thought they were his lovers." she laughed whole heartedly.