Nagising ako nang may mabigat na nakapatong sa tyan ko. Minulat ko ang mga mata ko at itinaas ang kumot para tingnan. Kamay. Nilingon ko ang may ari ng kamay at nakita si Top na natutulog sa tabi ko.
Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha nya.
Mukhang napaka-inosente nya at sobrang bait kapag tulog. Mahina syang humihilik. Cute. Gulo-gulo yung buhok nya at mapula ang kanyang labi. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Muntik nang mauwi sa pagkawala ng v-card ko, term ng Crazy Trios.Pero si Top kaya? Virgin pa kaya sya? Lalaki yan Samantha, 18 yrs old at juvenile delinquent plus player ang best friend nya, sa tingin mo hindi pa nawawala ang V-card nyan? Naalala ko si Red, sigurado hindi na virgin yun.
Pero ang sabi ni Red galit daw sa mga babae si Top. Eh ako? Tingin sakin ni Top lalaki? Nu ba yan Samantha? Isa lang ang paraan para malaman. Magtanong.
"Top?" wala akong bad breath sa umaga kaya okay lang.
"Top?" I poked him
"Top!"
Wa epek! Tulog mantika! Pano ba to gisingin? Ihulog ko kaya sa kama? *evil smile* Pero baka gumanti, masakit pa naman mamitik yan.
"Top!" niyugyog ko sya. Grabe naman to matulog. Nakatulog kaya ito kagabi? Hmm? Siguro madaling araw na to nakatulog kaya ganito. Teka anong oras na ba? Tumingin ako
sa wall clock. 10am na. Tanghali na pala!Gusto ko sanang bumangon pero nakapulupot yung kamay ni Top sa waist ko. Ang higpit ng yakap nya. Hindi ako makaalis. No choice. Tinitigan ko ulit ang mukha nya. Ang gwapo naman masyado sumasakit ang mata ko.
Unti-unti napatingin ako sa labi nya. Ang pula! Nag-lean ako at dahan dahan kong nilapat ang labi ko sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko.
Nang lalayo na ako bigla syang gumalaw. Nilagay nya ang isang kamay nya sa likod ng leeg ko para hindi ako makalayo. Gising sya!
After ng napakatagal nyang pagkain sa lips ko humiwalay na sya. Minulat nya ang mga mata nya at ngumiti sakin.
"Goodmorning my naughty wife"
B-STARD!
Pagkatapos namin bumangon at mag-ayos ng sarili namin ni Top bumaba na kami. Ang ingay sa kusina. Sunday nga pala ngayon kaya wala si manang. Siguro nagtatalo sila kung sino ang magluluto.
"I-slice mo na yung strawberries," -Maggie
"Okay!" - China *chop.chop.chop*
"Stop eating them Michie!"
"Eh masarap eh! Tsaka gutom na ako!" - Michie
"Maghintay ka! Malapit nang maluto yung pancakes. Kapag naubos yang strawberries..." - China
"Grabe napuyat ako kahihintay kagabi!" - Maggie
"Ikaw lang ba? Pero bakit kaya ang tahimik ng kwarto nila kagabi?" - China
"Baka naman hindi nila ginawa?" - Maggie
"*chomp.chomp.chomp*" - Michie
"Michie kumuha ka pa ng isang strawberry at hindi kita bibigyan mamaya," - China
"Oh baka naman soundproof yung kwarto?"
"Or hindi lang talaga wild makipag--"
"Goodmorning," bati ko nang makapunta kami sa kusina. "Anong meron?"
Umupo kami ni Top sa harap ng lamesa. Biglang tumahimik ang Crazy Trios.
Silence.
*chomp.chomp.chomp*