*Music Room*
Nagtulala si Top sa desk nya. Hindi sya nagsasalita. Bigla nalang syang tumahimik. Parang may malalim syang iniisip. Hindi naman sya mukhang galit o kung ano pa man.
"Very good Ms Perez." puri ni Mr Larkin, music teacher. "And that was Pachelbel Canon in D."
Bumalik na ako sa upuan ko sa tabi ni Top matapos kong tumugtog ng piano. "Boring..." may lalaking bumulong.
"This subject sucks!"
"Pakialam ba namin sa music?"
"C'mon you guys, don't nt be like that especially ngayong malapit na ang Christmas Concert."- Mr Larkin
"2 months na nga lang pala bago mag-pasko! Asar!"
"Fuck! Kailangan pa ba talaga yan?"
"Graduating kayo, lahat ng 5th year kailangan mag-participate" - Mr Larkin
Lahat nagreklamo. Oo nga pala, hanggang 5th year dito sa Pendleton High at 5th year na din si Top. Kung ganon kailangan pala nila mag-Christmas Concert para makagraduate?
So ang ibig sabihin magpaparticipate din si Top? Concert? Wow! Exciting! Ano kayang hitsura ni Top kapag nag-ala-Rockstar sya? Messy hair, leather pants, ripped T-shirt at kumakanta ng Rock song sa stage!! KYAAH!
Pero bagay din sa kanya kumanta ng acoustic o ballad, naka-white suit at may guitar habang kumakanta, pwede din syang mag-piano. Hmm. Ano kaya mas bagay?
"Mag-practice na kayo habang maaga, thats all, class dismissed. Diretso uwi at iwasan ang gulo!" napaka-cool talaga ni Mr Larkin. Nasa 25yrs old lang sya, gwapo at single!
"Ayos! Uwian na!"
"Tara sa bagong bukas na club! Ano nga palang pangalan non?"
"Hit It Club!"
"Weird ng pangalan! Hahaha! Tara na nga!"
"Dami daw bebot dun eh!"
Naglabasan na silang lahat. Tinignan ko naman si Top, tulog parin. "Hubby gising na," pinoke ko sya.
Inangat na nya yung ulo nya mula sa desk, nag-inat sya at tumayo. Kinuha ko yung bag ko at kumapit sa braso ni Top. Lumabas na din kami ng room. Ang tahimik parin nya, nu ba yan? Naman oh!
Pumunta kami ni Top sa school ko dahil kailangan kong mag-pass ng Report tungkol sa bago kong school. Lahat ng 4th year ay required gumawa non.
Pagkalabas ko ng building nakita ko ang mga kaklase ko na nagkumpulan sa gate at nagtititili. Not again! TOP!
"Taga-Pendleton yan ah!"
"Oo nga, ano kayang pangalan nya?"
"KYAAH! Ang gwapo!"
Ito ang problema kapag gwapo ang boyfriend mo..
"Mukha syang pamilyar" - Arrielle
"Oo nga" - Beatrice
"Sya yung kasama ni Irish sa picture nya sa facebook!" - Pamela
"Oo nga!" - Beatrice
"Tama, sya yung hinila ni Irish para magpa-picture ng nagpunta tayo sa amusement park!" - Tiffany
"Oo nga!" - Beatrice
"A-Anong hinila? Hindi ah! Iba yon!" - Irish
"Nanghihila ka na pala ng mga lalaki ngayon Irish" - Arrielle
"Busted." - Irish
So si Irish pala ang humila kay Top kaya sya nawala sa tabi ko nun.
"Oo nga!" - Beatrice