chapter 10: i'm fine, save me

800 15 0
                                    


>_< Sinubukan ko na tawagan ulit si Top pero naka-off ang cp nya! Pano na to? Anong gagawin ko? 1hr nlang at 5pm na! Waah! Kinakabahan na pinanood ko ang pag-galaw ng kamay ng orasan.

Sana hindi nalang mag-5! Nasa loob kami ng classroom ngayon at pinapanood ang walang kamatayan na Romeo and Juliet! Nu ba yan?! Kaasar! Ilang beses ko nang napanood yan at iisa lang ang ending! Parehas silang namatay!
Kailangan kong makaisip ng paraan.

Hindi na talaga ako mapakali sa upuan ko at napansin ito ni Michie na malapit lang ang mesa sa akin.

"Sammy, bakit mukha ka na namang constipated?" bulong nya.

And then it hit me. "Oh my gosh! Michie hindi ako makapaniwala na sasabihin ko to pero, isa kang henyo!" bulong ko din sa kanya.

o__O? - Michie's expression

*^__^* - my expression

-__-" Alam kong nakakahiya pero kailangan ko tong gawin! >_<

Itinaas ko ang kamay ko para mapansin ng instructor.

Waaah! Heto na... Pero mas gugustuhin ko na ito nalang kaysa pumunta si Top dito looking all gangsterish with his gang. Kaya ko to! Kaya ko to!

"Yes Ms Perez?" tawag ng instructor tumingin sakin ang buong klase. >_< kaya ko to!

"Ms Dale... I-I need... to go home," umarte ako na may masakit sakin.

"Why? Are you not feeling well Ms Perez?

Want me to take you to the nurses office?"

"NO!" oops! Napalakas yata. "I mean no... Im fine but... I-I think..."

"Yes...?" nakatingin silang lahat sakin. Waaahh!! ToT

"I think... I-Im constipated..."

O__O? - expression nilang lahat

TToTT at lahat gagawin ko para lang hindi mabawasan ang popularity ko... kahit
na ipahiya ko pa ang sarili ko sa buong klase.

The bright side, hindi nila malalaman ang tungkol samin ng gangster kong boyfriend.

Mas maganda nang ganito nalang atleast madaling kalimutan. I mean, normal lang naman ang magkaron ng constipation... Right? Right...? -__-"

Oo, Sam tama ka! Mabigat na desisyon pero kinaya mo. Handa mong gawin mapanatili lang ang magandang record mo! TT.TT

Walang tao sa paligid pag-dating ko sa school nila TOP. Waaah! ToT Grabe, ang layo ng tinakbo ko makarating lang dito. 5:3O na, 30 mins nalang at awasan na nila. Pero bakit kaya ang tahimik? Parang walang tao? -__-+

hmm... Ma-check nga! Hehe!

Tumayo ako sa tapat ng malaking bakal ng gate. Tsk! Hindi kaya wala na sila? Hmm... Hindi kaya nagka-salisihan kami? Pero dapat nakita ko sya papunta dito. O baka naman gumamit sya ng ibang daan? -__-"

Haaayy... Sumandal ako sa gate pero hindi ko inaasahan na bukas pala kaya naman napaupo ako sa lupa. TToTT Ouch! My butt! My poor butt!

Tumayo ako at pinagpagan ang uniform ko. Ahah! Bukas ang gate meaning... -__-+ Pwede akong pumasok sa loob! Tama! Hahanapin ko nalang si TOP sa loob! Gusto ko syang makita habang nasa loob ng klase! MOUHAHAHA!!

^__^v Ayos toh!

Pumasok ako sa loob at may dalawang building. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Hmm... Kaliwa muna! Kaya naman pumunta ako sa kaliwa at mala-espiya akong sumilip sa mga bintana. o__O?

Walang tao sa loob, pero may mga gamit at mukhang dinaanan ng ipo-ipo ang room. Ang kalat, at ang mga silya ang gulo ng pwesto. -__-"

Nuh pa nga ba ang aasahan ko? Puro gangster nga pala nandito.

talk back and you're dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon