Chapter 2

37 4 0
                                    

Chapter 2

Nakalipas na ang dalawang araw simula nang bumagabag sa akin ang ginawa ni Mav. Hindi ko pa nga maalis sa isip ko ang aking panaginip tapos ay may dumagdag na naman.

Ngunit kalaunan ay unti-unti ko na ring tinanggap na maaaring sya nga iyon. Dahil anong posibilidad na sumagi sa panaginip ko ang taong hindi ko naman kilala 'di ba?

Si Mav 'yon, Ira... Ilang beses ko na 'yang itanatak sa isip ko ngunit bakit tila ayaw sumang-ayon ng puso ko...

"Mommy, anong pakiramdam ng magmahal?"

Nakasandal ako sa balikat nya. It's a sunday night. Nandito kami ngayon sa kwarto nya at nanonood ng movie.

Napalingon sya sa akin. "Bakit mo naman natanong?"

Bumangon ako sa balikat ni Mommy at hinarap sya.

"Kaninang madaling araw, I had a video chat with the girls. Zara's crying so hard because her boyfriend broke up with her... And I can't say anything for a situation I haven't experience yet..." sabi ko.

I saw Mommy's sad eyes.

"Anak, what happened to Zara is normal. You should remember that the only constant thing in this world is change..." Sabay haplos nya sa aking braso.

"Maraming nagbabago sa paglipas ng panahon... dahil hindi natin hawak ang mga mangyayari sa atin..." She caressed my hair. "You can't never control your partner to stay inlove with you."

I listen to her words.

"That's why in your age, it isn't easy to find a person that you'll love forever. Well, yung iba nakakahanap na... but mostly ay hindi pa..."

Tumingin ako sa aking kamay. "Just like you, Ira... You're 20 and never had a boyfriend. Iba-iba kasi ang atake ng pag-ibig sa mga tao..."

Nakatitig pa rin ako sakanya. I want to hear my Mom's side in this kind of situation.

"Mayroong nagmamahal sa tamang pagkakataon ngunit maling tao... Mayroon namang nagmamahal sa tamang tao ngunit mali ang pagkakataon... Maswerte ka nalang kung umayon sayo ang tadhana..."

Napaisip ako doon. "How about you, Mommy? Kailan tumibok ang puso mo?"

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat nya sa aking tanong. Saka ko unti-unting napagtanto ang marahas kong pagtatanomg. Napahawak ako sa aking bibig.

"I'm sorry, Mommy. I know that's private... It's okay if you won't–"

Pinutol nya ako. "No, it's fine, sweetie. You have the right to... know. After all, you're my daughter."

She smiled but I can't see the happiness in her eyes.

"Well, I had a lot of boyfriends. Nasa Bataan pa kami noon nakatira." She cleared her throat. "Hindi naman ganoon ka seryoso because I have my ideals..."

Because she's already opening up, I can't help my curiousity.

"Can I know your ideal, Mommy?"

"Uhmm... I am really into serious and dangerous looking guys." Patuloy ang kanyang paghahanap ng salita.

"People say that I look like an angel. With my soft features, white skin and long hair with curls at the end, palagi nilang sinasabi na anak raw ako ng dyosa." She chuckled.

I smiled. Those people aren't lying, though. Mom looks like a living goddess, indeed.

She don't even look 44. Kaya't itinuturing ko talagang papuri ang mga taong nagsasabing mukha raw kaming magkapatid. How I wish I look like her when I reach her age.

Maybe One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon