Chapter 1

32 3 2
                                    

Chapter 1

Sabi nila kapag napanaginipan mo raw ang isang tao, iniisip mo 'to bago matulog. Kung ganoon paano mo mapapanaginipan ang taong hindi mo kilala at hindi mo pa nakikita... 

"Ira! You're spacing out! What's wrong?" ani Rachel.

"I'm sorry, Rach. What is it again?"

Nandito kami ngayon sa Book & Borders Cafe sa BGC. Pagkarating ko kanina ay pinuntahan agad ako ni Rach sa bahay at niyayang gumala. Sabi nya ay papasunurin nalang nya ang iba.

"Sabi ko ay kailan tayo pwedeng pumunta sa Mt. Kanlaon." Sabay pangalumbaba ni Rachel. "Inggit na inggit ako sa mga pictures mo! Siguro sobrang ganda dito!"

"Ikaw naman Rach kakarating lang ni Ira galing doon. Sumubok muna tayo ng iba bago dyan," sabi ni Wright sabay kuha ng camera ko kay Rachel.

"Okay lang naman, Wright. Pwede naman bumalik ulit ako doon at kasama ko na kayo," ngiting sabi ko. "Kayo ang mag-set kung kailan para makapag-book tayo ng flight at hotel ng mas maaga."

"Medyo marami rin pala ang aasikasuhin 'no? Dito nalang muna tayo around Luzon. Pahirap kasi 'tong summer class ko." Irap ni Rach. "Ang tagal naman umorder ni Nyx. Puntahan ko nga lang."

Tumayo na si Rach. Si Wright at Nyx ay narito na bago pa kami makarating. Hinihintay nalang namin si Alliah, Zara, Luri at Mav.

Si Rach, Wright at Nyx ang madalas kong nakakasama sa mga hike. Sumasama rin si Mav ngunit hindi madalas dahil tumutulong sya sa kanilang business. Ang iba naman ay tinatamad sa ganoong gawain.

Matapos ang hike namin ni Euphy sa Mt. Kanlaon ay nagtagal pa kami ng dalawang araw doon dahil gusto pa raw nyang pumasyal at may natitirang araw pa naman bago ang flight namin pa-Maynila.

Tumingin ako sa orasan at nakitang alas-nuebe pa lang ng umaga. Kaninang alas-syete kami nakarating dito sa Maynila. Naghiwalay na kami ni Euphy sa airport dahil may lakad pa raw sya.

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang nangyari sa spa. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang panaginip na 'yon. Pilit kong inaalala ang mukha ng lalaki ngunit sadyang malabo talaga 'to sa akin.

Pakiramdam ko ay may simbolismo 'yon ngunit maaari ring panaginip lang talaga... Nagpa-spa ako pampatanggal ng pagod pero bakit parang nabigyan pa ko nito ng problema? Hayyy Ira, you need to stop overthinking.

"Kanina ka pa tulala, Ira. Ayos ka lang ba? Pagod ka ba sa byahe?" tanong ni Wright at nilapag sa mesa ang camera ko.

"No. I'm fine, Wright. May iniisip lang..." sabi ko.

"What is it? Do you have a prob–" naputol si Wright sa sigaw ni Rach.

"Maverick's here!"

Napalingon ako sa banda nya. Si Nyx at Rach ang may hawak ng aming order. Samantalang si Mav ay agad umupo sa tabi ko.

May kinuha sya sa likod nya at agad kong nakita ang bungkos ng pulang rosas. Inabot nya 'yon sa akin kasabay ang kanyang pag-ngiti.

"Oh my! Do you need some time alone? Should we go now?" pabirong tanong ni Rach.

"Parang di ka pa nasanay kay Mav, Rach?" sabi ni Nyx habang nilalapag na ang mga order namin.

Hindi pinansin ni Mav ang mga kaibigan namin. Habang ako ay nagugulat pa rin at nahihiya sa mga nasa paligid.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Biglang lumungkot ang mukha ni Mav.

Natauhan ako. "I'm sorry! I'm just shocked. Hindi ko ineexpect 'to. Thank you." I smiled as I accepted the bouquet.

Maybe One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon