Chapter 7

5 2 0
                                    

Chapter 7

"I can't afford seeing you hurt in your world... If only you could come with me..." his voice broke.

Nagising ako dahil sa panaginip.

Nang idilat ko ang aking mata ay purong puti ang aking nakita.

Where am I?

Sinubukan kong bumangon ngunit naramdaman ko ang nakakabit sa akin. A dextrose? I'm in a hospital? But... why?

I looked around. Anong oras na ba at bakit ang dilim?

I saw a water of glass at the side table. Inuhaw akong bigla. Inabot ko ito kaya lang ay malayo. Pinilit kong mas lumapit ngunit may mga sumakit naman sa akin. Nagsikap pa rin ako ngunit sa huli ay natabig ko lamang ito at nabasag.

May patakbong lumapit.

"Oh my God! Gising na siya! Tita! She's awake!"

Lumapit siya sa aking kama at may pinindot sa dingding.

Ang isang babaeng mas matanda sa nauna ay lumapit na rin.

"Anak... Gising ka na..." Hinawakan nito ang aking kamay kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.

Tila naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari...

"What happened?" tanong ko. "Who are you?"

Nagsibagsakan ang kanilang balikat at tuluyan ng umiyak. What's wrong with my question?

Sakto ang pagpasok ng mga nurse at doctor.

"Doc, why am I here?" tanong ko na walang kaalam-alam.

Nakita kong inaalo ng kaedad kong babae ang kasama niya. Bakit sila umiiyak?

"You need to be examined... I'll tell you everything after the results. Right now, you need to rest," the doctor said. Bumaling siya sa dalawang babaeng umiiyak. "I have to talk to you."

Tumango ang nakakatanda at sumama na ito palabas.

Naiwan naman ang babaeng kaedad ko. She's gorgeous even with that stressed face and messy hair.

Lumapit siya sa akin.

"Hi..." she smiled as she wiped her tears. "Uhh... I'm Euphemia. But you can call me Euphy. I'm your sister..."

"Do you know my name?" tanong ko.

Nagulat siya roon at nakita ko ang pagbagsak ng panibagong luba.

"Y-You're Ira... Iranne B-Blair Clemente..."

Tumango ako roon. "Ikaw? Anong buong pangalan mo?"

"Euphemia Clemente Azuello..."

Naguluhan ako. "Hindi ba ako Azuello? Sabi mo ay kapatid kita..."

Tila nahirapan siya roon. Nakita ko ang paghahanap niya ng salita.

"May problema ba? Sorry... I don't have any idea on what's happening..." sabi ko nang hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

"Uhmm... Ira... Hindi kasi ako ang dapat sumagot niyan... Hintayin nalang natin si Tita..."

Tumango nalang ako. I still have many questions in my head but I'm not going to insist. Kung hindi nila ako kayang sagutin ay wala akong magagawa. Hindi pa rin naman ako sigurado kung sino sila at kung talaga bang mapagkakatiwalaan.

I don't know anything, even my identity.

But the only memory I have is me playing with a boy. He's wearing a prince-like outfit. He looks older than me. Ngunit kahit tila tapos na sa estado ng paglalaro ay pilit pa rin niya akong pinagbibigyan.

Maybe One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon