Chapter 5

7 2 0
                                    

Chapter 5

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Nang imulat ko ang aking mga mata agad kong pinagmasdan kung nasaan ako.

Nagulat ako dahil nandito na ako sa aking kwarto. How the hell did I end up here? Ang huling memorya ko ay nasa bar ako at sumasayaw.

Sinubukan kong bumangon kahit pa parang pinipiga ang aking ulo. Sumandal ako sa head rest ng kama kasabay no'n ang pagbukas ng pinto at pagpapakita ni Mommy.

"Good morning, anak..."

May dala siyang bowl ng tubig at bimpo sa gilid. Kasunod naman niyang pumasok si Manang Ester na may dalang agahan.

"Good morning... Sana ay hindi na po kayo nag-abala..." nahihiya kong sabi.

"It's okay, anak. I bet you won't be able to move that much. Masakit ang ulo mo, 'di ba?" Mommy asked.

Tumango ako habang hinihilot ang aking sentido. Umiinom naman na ako dati ngunit hindi ko pa nararanasan ang hangover. Siguro'y napa-sobra talaga ang inom ko kagabi.

Nang mailapag ni Manang Ester ang agahan ay lumabas na siya. Umupo naman si Mommy sa gilid ng aking kama.

Binasa niya ang bimpo sa bowl na kanyang dala. Ipinunas niya 'yon mula sa aking mukha hanggang sa mga kamay.

"Uminom ka muna ng tubig bago kumain," sabi niya sabay abot ng tray.

"Thank you, Mommy... Wala po ba kayong pasok?"

Nang matapos niya akong punasan ay sinunod ko ang sinabi niya at sumimsim sa baso ng tubig. Nagsimula na akong kumain. Sinigang na baboy ang hinanda nila. May plato rin ng mga sariwang prutas sa gilid.

"Nag-absent muna ako. Humigop ka rin ng sabaw, Ira, makakatulong 'yan para bumuti ang pakiramdam mo," sabi niya habang inaayos ang mga takas na buhok sa aking mukha.

"I'm sorry, Mommy... Sobrang naging abala ako... Hindi ko po nilimitahan ang sarili ko sa pag-inom," nakayukong sabi ko.

Maybe Mom got disappointed with me? I told her I will take care of myself but what happened? Ni hindi ko namalayan ang pag-uwi ko. Stupid, Ira!

"Did you enjoy?"

Nag-aalangan akong tumango.

"Then it's fine. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa mga bagay na nagpasaya sayo." She smiled.

Hindi man ako lumaki sa kumpletong pamilya but having my Mom here by my side is more than enough.

"But next time, you just need to be more careful, okay? Danger is everywhere so it's much better if you're always aware."

"Yes, Mommy, I will..." Tumigil ako sa pagkain at hinarap siya. "By the way, how did I got home?"

Nakita ko ang gulat at kaba sa kaniyang mga mata. May mali ba sa tanong ko?

"Uhh... Anak, d-don't you r-remember anything?"

Nagtaka ako sa tanong niya.

"Ang huli kong alala ay nagsasayaw ako sa dance floor kasama ang mga kaibigan ni Euphy," sabi ko na naguguluhan pa rin, "then everything's a blur... Siguro ay sa sobrang kalasingan na rin po."

I saw how she got relieved with my answer. What's wrong?

"Sweetie... uhh... y-you texted me... and asked if I can f-fetch you 'cause you're too drunk..." she said, "I s-saw you sitting in a p-pavement... Mabuti at agad akong nakapunta dahil kung hindi ay baka kung ano ng n-nangyari sayo..."

Maybe One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon