Chapter 4

19 3 0
                                    

Chapter 4

I screamed so loud as I throw another crumpled paper. I cried out of frustration.

Kanina ko pa iginuguhit ang kanyang larawan ngunit lagi akong natitigil kapag sa bandang mukha na.

I'm really certain I've seen him! Those dark hooded eyes that flaunted pain and longing but... why can't I remember his face? Who is him? Why does he have this effect on me?

Ang dami-dami kong tanong sa aking isipan at sigurado akong ang lalaking iyon lamang ang makakasagot.

But the dominating question in my mind is... am I just imagining things or is he for real?
Because the moment I saw him, I blinked my eyes to my surprise but when I opened it, he's already gone.

Gano'n na ba ako ka-desperadang gawing totoo ang panaginip ko? Ngunit bago ko pa siya makita ay inalis ko na sa isipan ang panaginip na 'yon. If he's not true, why am I seeing him? If he's true, then who is he?

But now, I'm sure that the man in my dream is not Mav.

The next day, I asked Euphy to go out. I badly need a distraction for everything that's going on my mind.

"Euphy, ano madalas ang panaginip mo?" she's driving to the mall.

"What? Why did you ask?" sabi nya na tila naguguluhan.

"Nevermind. Just a random thought," I said while washing all my thoughts away.

"Anyway, next week na 'yong fashion show. Ibibigay ko sayo bukas ang VIP pass niyo ni Tita Mireia."

That caught my attention.

"Are you sure with that, Euphy? You know our family's situation," sabi ko. "Ano nalang ang sasabihin ng iba? Ng Mommy mo? I can't ruin your night."

"That fashion show will be exclusive. Kaya wala masyadong press." She looked at me. "You don't have to worry."

Ipinagsawalang-bahala ko 'yon. Ayoko na munang dagdagan ang mga isipin ko. Nang maiparada niya ang kaniyang kotse ay tinanggal ko na ang seatbelt at lumabas na.

Pumasok na kami sa mall at dumaan sa paborito naming milk tea shop bago dumeretso sa isang beauty salon. Inuna namin ang pagpapa-facial treatment. Ngayon naman ay ang manicure at pedicure.

"Kamusta naman ang lakad niyo ni Mav?" she asked while scanning her phone.

"Okay naman..." sabi ko.

Napalingon siya sa akin. Nakita ko ang mga mapanuya niyang tingin.

"Kayo na?"

Nagulat ako roon. Nakita ko ang kanyang pagtimbang.

"Hindi..." Kinuha ko nalang ang magazine sa side table.

"Hmmm... Anong ginawa niyo roon sa bundok? Hindi ba't ginabi kayo?"

Kung ang iba ay iisipin na kuryoso lang siya, ako ay hindi.

"Euphy... Alam ko ang iniisip mo..."

She sighed. "Ayaw mo naman kasing mag-kwento!"

"He just prepared a picnic... And we stayed there 'til the sunset."

"Ay, 'yon lang?" tunog dismayado niya. "Walang... uhh... physical contact?"

Hindi ako nakasagot agad. Kailangan ko pa bang ikwento 'yon?

"C'mon, Ira! Parang wala kang tiwala sa akin." Irap niya.

"Uhh... Wala naman kasi Euphy. He just said that he's grateful for my existence. Naiyak ako at niyakap siya..." Nakaabang lang siya sa mga susunod na detalye. "I was touched. Nakakagaan pala sa pakiramdam na may nagsasabi sayo ng ganon."

Maybe One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon