"Kinakampihan pa ang celebrity na iyon, mali na nga. Wala talaga sa lugar ang mga babae na iyan. Wala silang mararating kung ganiyan nang ganiyan ang gagawin nila."
----
Maaga akong tinawagan ni Richie dahil may photoshoot ulit kami at private photoshoot daw ito. Ni-request ng client niya na kaming dalawa ang photographer, iyon ang sinabi niya sa akin. I doubt it, si Richie lang naman ang nakakausap at kilala nila. Sigurado ako na siya ang nag-request na isama ako. Itinuturo ko na nga ang iba pa niyang assistant pero ako raw ang gusto niyang kasama.
Sino ba ako para tumanggi? Hindi ko naman daw ito pagsisisihan at sikat na personality ulit ang makakasalamuha namin. Kinakabahan ako. Kapag talaga sinasabing celebrity ang client niya ay kinakabahan ako.
Si Richie na ang susundo sa akin dahil kailangan si Yohan sa trabaho. Naiintindihan ko naman. Pwede rin naman na ako ang magmaneho para sa sarili ko, ayaw naman ni Yohan at hindi rin ako papayagan ni Daddy.
"Richie, mag-iingat kayong dalawa." Si Daddy. Maaga siyang gumising para makita rin si Richie and of course, para paalalahanan kami na mag-ingat.
"Opo, Tito. Ako po ang bahala kay Nakeisha. Aalis na po kami." Sumakay na ako sa kotse niya pero hindi kaagad kami umalis at tumitingin siya sa likod na para bang may hinihintay.
Si Ashley?
"Hinahanap mo ba si Ashley?" pagtatanong ko.
"Hindi naman. Nagtataka lang ako na wala siya ngayon. It's weird."
"Gusto nga niyang sumama ngayon kaya lang masama ang pakiramdam niya, eh. Kagabi pa nga may sakit ang isang iyon."
"Bakit nagkasakit?" Tama ba ang pagkakarinig ko? May pag-aalala sa tono ng boses niya.
"Hindi ko alam. Puntahan mo kaya?"
"Huwag na," tanging sagot lang niya sa akin. Ano ang ibig sabihin ng sagot niya?! Bahala nga silang dalawa. Obvious naman na may nararamdaman sila para sa isa't-isa pero... bakit parang may pumipigil kay Richie? Malaki naman na sila, kaya na siguro nilang magpakatotoo sa nararamdaman nila.
Dumating na kami sa area kung saan magaganap ang photoshoot. Mukhang private nga ito dahil lahat ng fans ay nasa labas lang. Pumasok na kami ni Richie sa loob at nagsimulang ayusin ang mga gamit namin. Sa unang tingin, hindi mo aakalain na ganito kalaki ang ginagawang project ni Richie. Napaka-simple lang kasi niyang tao kaya baliw na baliw ang kaibigan ko.
"Ang daming tao, Richie. Sino palang hinihintay natin?" I asked while fixing our things.
"I'm sure, you know him."
"Sino?"
He smiled. "You are going to meet him again."
"Sino nga, Richie?"
"Si Maximus Chance Castillo." Parang nabingi ako sa sagot niya. Napalingon ako sa mga taong busy rin sa pag-aayos ng kanya-kanyang assigned task. Then, I saw Minmin and some familiar faces.
I'm sure, they are part of Chance's Angels. Nagkatinginan kami ni Minmin at nakita kong lumawak ang ngiti niya noong nakita ako.
Hinampas ko kaagad si Richie! "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Aray ko! Iyon ang sinabi sa akin ni Yohan, eh!" I rolled my eyes on him. Alam ito ni Yohan?
Nakalapit na sa amin si Minmin na kaagad naman akong niyakap. Hindi ko alam ang i-re-react ko kaya niyakap ko nalang din siya. I wish, no one is looking.
"Long time no see, Nakeisha!" she exclaimed.
"Kumusta na kayo?" nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Okay lang naman. Hindi ko alam na isa ka sa photographer ni Chance ngayon. Sigurado akong matutuwa siya kapag nakita ka!" masiglang pagbabalita naman ni Minmin. Mas lalo akong kinabahan. He is here!
BINABASA MO ANG
✓ Certified Fangirl
KurzgeschichtenThis is a story about a fangirl. Not just a fangirl. But, a certified fangirl! Ano nga ba ang napapala ng isang babae na sumusunod at nakikipagsisikan para lamang makita ang kanilang idol? Nagtitiis sa init. Pumipila ng matagal. Nagtitiis sa sikat...