Fangirling Mode 3

88 33 6
                                    

"Bakit ba gusto nilang nakikipagsiksikan doon? Sila-sila rin naman ang nag-aaway at bashers ng ibang celebrity. Sinisiraan pa nila ang iba para magmukhang malinis ang hinahangaan nila!"

----

Nagmamadali akong umalis sa bahay dahil assistant ako ng pinsan ni Yohan at may photoshoot kaming pupuntahan. Mayroon siyang photoshop at isinasama niya ako roon dahil alam niyang mahilig ako sa photography at sayang naman ang napag-aralan ko kung hindi ko pa gagamitin. Kung minsan ay tinuturuan pa niya ako ng mga techniques para mas mapaganda ang pictures. Ang astig nito.

Masaya naman dahil sinuswelduhan naman niya ako at nag-e-enjoy ako. Side line ko na ito tsaka minsan ay kinukulit ko lang si Richie pero binibigyan pa rin ng "share" sa kinikita niya. Bigatin ang isang ito at maraming connections.

May naiiwan naman sa restaurant namin kapag wala ako at hindi naman madalas kaya namomonitor ko pa rin ito. Pamana ito sa akin ni Daddy dahil ayaw i-manage ni Ate Natie. Pasaway kasi ang kapatid ko na iyon.

Nagulat ako dahil nakita ko si Yohan sa labas. Wala naman kaming usapan na magkikita ngayon. Nakatayo siya sa harap ng kotse niya. Ang gwapo talaga niya. Buti nalang, nahintay niya ako.

I kissed him. "What are you doing here? May pasok ka, ah?"

"I am waiting for my girl. Mukhang excited ka ngayon?"

"Magkikita kami ni Richie, eh!"

"Huh? Ipagpapalit mo lang ako ay sa pinsan ko pa? Sana nilayuan mo naman ang paghahanap!" Bigla siyang sumigaw kaya nakatikim ng sapak mula sa akin. "Aray! Nagbibiro lang naman ako," pagrereklamo pa niya.

"Hindi maganda ang biro mo lalo na kung magkakatotoo iyon," ganting biro ko naman kaya sumimangot siya at niyakap ako.

Thank you, Yohan. Thank you for waiting.

Naalala ko lang ang pinagdaanan namin noon.

Naging magulo ang buhay ko dahil sa isang pangyayari. Natakot ulit akong magpakita sa Chance's Angels at mas lalong hindi ako pumupunta sa events ni Chance. Hanggang sa napagbalingan ko ng sama ng loob si Yohan. Palagi kaming nag-aaway kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Ayoko na madamay siya sa mga problema ko. Ayoko na ma-stress siya dahil sa akin. Magkakasakitan lang kaming dalawa.

Ayaw niyang pumayag. Ayaw niyang makipaghiwalay.

"Nakeisha, ano ba ang nagawa ko sa iyo? Dahil ba sa pag-aaway natin noong nakaraang araw? May nasabi ba akong masama? Sabihin mo naman sa akin na nagbibiro ka lang."

Niyayakap ako ni Yohan pero tinanggal ko ang pagkakayakap niya. "Please, Yohan. Umalis ka na."

Paulit-ulit ko iyon sinasabi sa kanya hanggang sa hindi na siya bumalik sa bahay para suyuin ako. Akala ko, sumuko na siya lalo na noong nakita ko na may kasama siyang babae at masaya na siya.

Gusto ko sanang bumalik pero... may iba na siya.

Halos araw-araw akong umiiyak dahil ang tanga ko para bitiwan si Yohan. Pakiramdam ko, wala na akong kwentang tao. Sinubukan ni Mommy, Daddy at Ate Natie ang lahat para mapasaya ako. Nagbago ako dahil sa mga nangyari.

Hanggang sa isang araw, nakasalubong ko si Yohan. Akala ko ay iiwasan niya ako pero bigla niya akong niyakap. Nabigla ako at naging estatwa hanggang sa binitiwan niya ako.

Nalaman kong hindi pala siya nagkaroon ng ibang karelasyon noong naghiwalay kami. Ipinaliwanag sa kanya ni Ate Natie kung bakit ako nagbago and luckily, naintindihan niya ako at binigyan ako ng pagkakataon.

✓ Certified FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon