----
Two weeks!
Two weeks na kaming hindi nagkikita ni Yohan. Something is wrong with him. Binanggit ko sa kanya ang tungkol sa picture nila ni Apple but he did not say anything about it. Pinaparamdam ko sa kanya na naiinis ako at sa tuwing magsisimula ulit ang panibagong away ay sasagutin niya ako ng, "Kei... sorry, I'm tired. Can we just talk tomorrow?"
I asked him kung ano ang problema pero "wala" naman daw. Bakit hindi ako naniniwala? Noong isang gabi lang ay nasigawan niya ako dahil binanggit ko na naman ang tungkol kay Apple. Nagagalit siya dahil wala naman daw akong dapat ika-selos pero nagsisimula na naman daw ako ng away.
I just want to know kung bakit ganoon ang itsura nila sa picture. He has a girlfriend! Hindi naman dapat ganoon ka-close sa babaeng pinagseselosan ko 'di ba?
Sobrang busy ba niya para hindi masagot ang tanong ko?! I have the right to get jealous!
Naabutan ko si Mommy at Daddy na kumakain, magpapaalam na nga sana ako na pupunta sa restaurant pero pinigilan nila ako para sumabay na kumain sa kanila.
"Anak, ipapaalala ko lang sa iyo na restaurant ang business natin kaya hindi ka dapat nagpapagutom." Si Daddy.
"Yes, Daddy. Hindi naman po ako nagpapagutom," sagot ko naman.
"Bakit parang ang tamlay mo? Nagka-usap naman na kayo ng mga kaibigan mo 'di ba?" Si Mommy. And, she is referring to Chance's Angels noong sinabi niyang "kaibigan".
"Wala ito, Mommy. Alam mo naman na wala akong energy kapag maagang gumigising."
"Basta alagaan mo ang sarili mo," paalala pa ng sweet na sweet na si Mommy.
"Nakeisha," pagtawag naman ni Daddy.
"Po?"
"Happy birthday!" sabay na sigaw nila ni Mommy kaya niyakap ko kaagad sila. Kaya gusto ko rin umalis kaagad dahil nagiging extra sweet sila kapag birthday ko at baka mag-iyakan pa kami! Simpleng pagbati lang ito pero napapasaya na nila ako.
"Thank you po! So, dinner with family later?"
"See you later, anak. Mag-iingat ka palagi."
"Yes, Mommy, Daddy. Mamaya nalang po ulit."
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako na pupunta sa restaurant. Tumutulong ako sa mga dapat gawin kapag marami kaming customer para hindi sila mainip sa orders at para mapabilis din ang pagdadala ng mga order nila. Medyo maraming tao ngayon, ah? Nagsimula ang pagdami ng tao noong pumunta rito si Chance.
Hanggang sa pagod na ako kaya pinagpahinga na rin ako ng mga employee ni Daddy.
Nabigla ako noong may nagbaba ng drinks sa table ko. "Hindi ako umorder—," magsasalita pa sana ako pero nakita ko si Inno kaya hindi ko na ito tinapos. "Inno? What are you doing here?"
"Don't worry, that's my treat. You should try that drink. This is my new favorite place." Too much compliments. Treat daw niya at favorite place. "Happy birthday!" dagdag pa niya. Naks, ang galing pa rin talagang maka-alala.
Kinuha ko ang libre niya sa akin. "Thank you," sabi ko pa pagkatapos ay umupo siya sa tapat ko.
"Paano naman nangyari na naging favorite place mo ang lugar na ito? Last time I checked, you hated restaurants kaya nga ayaw mo kapag nagde-date tayo 'di ba?" pang-aasar ko pa sa kanya. Hindi naman lahat ng sinabi ko ay totoo. Ayaw lang niya na madalas kami lumabas noon dahil mas gusto niyang ipinagluluto ako. Before anything else, naaalala ko lang ito, ah? Wala naman itong ibig sabihin. Nagtaka nga rin ako na nandito siya ngayon.
BINABASA MO ANG
✓ Certified Fangirl
Short StoryThis is a story about a fangirl. Not just a fangirl. But, a certified fangirl! Ano nga ba ang napapala ng isang babae na sumusunod at nakikipagsisikan para lamang makita ang kanilang idol? Nagtitiis sa init. Pumipila ng matagal. Nagtitiis sa sikat...